Frank Magalona on sister Maxene being single: "She needs to find herself."

Frank Magalona admits that he is exclusively dating someone right now, and he likes their present setup. He explains, “Siguro parang it makes it… parang we like the thrill, e. It makes it much spicier, the mystery of the status. We’re just really happy when we’re together.”


Halos anim na buwan nagpahinga si Frank Magalona mula sa paggawa ng mga teleserye.

Pagkatapos ng Rhodora X ay mapapanood siya ngayon sa Yagit.

Sa presscon ng Yagit noong Martes, October 7, napansin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na pumayat si Frank.

Pagsang-ayon naman niya, “Yeah, I did lose weight kasi a lot of people have been telling me na parang I’m getting skinnier.”

Bakit siya pumayat?

“I dunno. Siguro, kasi I jog every other day and then basketball twice a week, and my diet as well.

"So, I think that’s the reason why."

165 lbs. daw ang timbang niya noong ginagawa niya ang Rhodora X at ngayon ay nasa 154 lbs. na lamang siya.

Desisyon ba niya na magpapayat?

Sagot ni Frank, “Actually, I didn’t plan it, it just happened.

“Kasi during Rhodora X, I didn’t get to exercise.

"And now that I do get to exercise, iyon, maybe that’s the reason why I got skinnier.”

Paghahanda ba niya ito para sa isang daring and sexier image?

“No, not really. I mean, as much as I want to do indie films, I don’t know how, e.

“Siguro if I really want to, I have to go to auditions and just do it on my own.”

Kahit isang indie movie ay hindi pa nakagawa si Frank kahit na vocal siya sa pagsasabing nais niya itong gawin.

“I want to, yes.”



ELMO’S RELATIONSHIP. Kailan lamang ay nagdiwang ng kanyang 50th birthday ang ina ni Frank na si Pia Magalona.

Kuwento ng Kapuso actor, “We surprised her!

“And then it was really fun and, siyempre, it’s her 50th birthday and we really planned the birthday party for her.

“And she was really happy about it and masaya naman siya sa buhay niya ngayon.”

Dumalo rin daw sa selebrasyon si Janine Gutierrez, ang rumored girlfriend ng kapatid ni Frank na si Elmo Magalona.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maituturing na ba niyang parte ng kanilang pamilya si Janine?

Natatawang sagot ni Frank, “I don’t really ask Elmo about their relationship, like the specific status about them, being in a relationship.

“They see each other from time to time, especially now that they’re doing their second project together.”

Muling magbibida sina Janine at Elmo sa upcoming GMA series na More Than Words.

Close naman daw sa kanilang pamilya si Janine.

“Yeah, she’s a nice person.

“Elmo brings her to some events with the family and I think for now that’s just about it.”



SAAB’S WEDDING. Samantala, ang isa pang kapatid ni Frank na si Saab Magalona ay ikakasal sa sa fiancé nitong si Jim Bacarro.

“Saab is getting married next year, January 24,” banggit pa ni Frank.

Hindi naman daw niya iniisip na mawawalan siya ng kapatid sa pag-aasawa ni Saab.

“I’m gaining a brother.”

Kaya wala raw siyang nararamdamang lungkot sa nalalapit na pag-aasawa ni Saab.

“Actually, I’m really happy for her and I just support her with whatever she wants to do in her life, and she’s a strong woman.

“And I know that this marriage that she’s about to be engaged in will make her even stronger, much stronger.”



MAXENE’S TRANSFER. Ganito rin halos ang pananaw ni Frank sa paglipat ng kapatid din niyang si Maxene Magalona sa ABS-CBN.

Suportado raw niya ang kapatid sa kahit anong desisyon nito.

Si Frank ay may dalawang taon pang exclusive contract sa GMA, kung saan co-manager ang ina niyang si Pia.

Samantala, maayos din daw ang lovelife ni Frank.

“I’m just dating, yeah, exclusively dating.”

Hindi raw taga-showbiz ang idini-date niya ngayon.

Wala pang pormal na arrangement?

Pahayag ni Frank, “Wala. Siguro because we want to keep it that way.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro parang it makes it… parang we like the thrill, e.

“It makes it much spicier, the mystery of the status.

“We’re just really happy when we’re together.”

Sa kanilang magkakapatid ay si Maxene ang walang karelasyon ngayon. Hindi ba naiinggit sa kanila si Maxene?

Ayon kay Frank, “No, no. Actually, okay nga ngayon na wala siyang boyfriend.

“For the longest time kasi lagi siyang may boyfriend, e.

“So, I think it’s better that she chooses to be alone right now because she needs to find herself, and especially that she is turning thirty soon.

“I want her to find her true self ‘coz she has always been telling us na hindi pa niya nahahanap kung ano yung gusto niyang gawin. Ganun.

“Pero sa tingin ko, kailangan lang niya ng tamang panahon and kailangan niyang mag-focus sa sarili.

“Magbigay ng oras para sa sarili niya and sana mabigyan siya ng magandang proyekto.

“Kasi sa tingin ko, uusbong naman siya sa larangan ng pag-arte, kasi magaling naman talaga siyang umarte.

“Kailangan lang niya ng tamang panahon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN