KC Concepcion not laughing as mom Sharon Cuneta becomes victim of death hoax

KC Concepcion on "friendship" with Paulo Avelino: "I take it very seriously yung friendship ko, not just because niligawan ka or anything kaya mo lang bibigyan ng attention yung lalaki. Ako, ‘pag nakita kong solid yung friendship namin… dun naman nagsisimula ang lahat, ‘di ba? Isa siya sa binibigyan ko ng importance."


Inihayag ni KC Concepcion ang kanyang sama ng loob kaugnay ng kumalat na balita sa social media kamakailan na sumakabilang-buhay na diumano ang kanyang ina na si Sharon Cuneta dahil sa atake sa puso.

Ngunit kalaunan ay napatunayang walang katotohanan ang nasabing balita, at ang Megastar ang pinakabagong artista na “pinatay” sa social media at sa text.

Sabi ni KC tungkol dito, “Nagulat ako kasi friend ko rin ang nag-send sa akin.

“Siyempre, kagagaling ko lang dun sa lola ko, ‘di ba?

“Alaga ko kasi ang lola ko and, up to now, nasa hospital pa rin siya.”

Ang tinutukoy ni KC ay ang kanyang maternal grandmother na si Elaine Cuneta.

Patuloy pa ng actress-TV host, “Very sensitive ako dun kaya nung lumabas yung news na yun, talagang natakot din ako kahit papaano.

“Kaya hindi talaga siya maganda, kasi buhay na yun.

“Buhay na nang may buhay yun kaya ‘di na nakakatawa.”

Kumusta na ba ang kanyang mommy ngayon?

Ayon kay KC, “She’s okay, actually, nagte-text naman kami.

“Pumapayat na kasi she’s really serious on losing weight.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si KC sa studio ng ASAP, sa ABS-CBN compound, noong Linggo, October 5.



TWO-PIECE BIKINI. Kamakailan naman ay nag-post si KC sa kanyang Instagram account ng isang larawan kung saan naka-two-piece bikini siya.

Kung may ilang natuwa, may ilan ding bumatikos at nanlait sa kanya

Ngunit ipinagkikibit-balikat lamang ito ni KC.

Sabi niya tungkol dito, “Wala, katuwaan lang namin yun, kasi mayroon kaming swimming pool shot, e.

“Siyempre tinatrabaho ko rin yun to be on my best shape.

“Kahit papaano, nagkatuwaan kami ng make-up artist ko.

“After ten minutes, ibinaba ko rin [yung photo], hindi ko in-expect na ang daming nakakita.”

Ano naman ang masasabi niya sa mga nang-bash sa kanya?

“Bashers? E, ganun naman talaga. Basta happy ako,” sagot ni KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



PAULO AVELINO. May lumabas ding larawan sa Instagram kung saan kasama ni KC ang nali-link sa kanyang si Paulo Avelino at iba pang mga kaibigan, habang masaya silang nag-iinuman.

Dahil dito ay lalong umigting ang usap-usapang may namamagitan kina KC at Paulo higit pa sa pagiging magkaibigan.

Ngunit pahayag ni KC, “Alam mo, ‘yang mga taong ‘yan, I take it very seriously yung friendship ko, not just because niligawan ka or anything kaya mo lang bibigyan ng attention yung lalaki.

“Ako, ‘pag nakita kong solid yung friendship namin… dun naman nagsisimula ang lahat, ‘di ba?

“Isa siya sa binibigyan ko ng importance.”

Pag-amin pa niya tungkol sa kanila ni Paulo, “Yeah, we go out.”



BIDA-KONTRABIDA ROLE. Samantala, nagpahayag ng kasiyahan si KC sa magandang pagtanggap ng mga manonood sa kinabibilangan niyang primetime series sa ABS-CBN, ang Ikaw Lamang.

Saad niya, “Siyempre masaya ako.

“Siyempre matagal na silang nagsasama, yung nasa Book 1.

“So, when Book 2 happened, I was really hoping for the best, kasi siyempre gusto naming ma-keep yung audience na mayroon ang Book 1.”

Nagpapasalamat naman si KC dahil kahit na bida-kontrabida ang role niya sa Ikaw Lamang ay hindi hinahayaan ng creative team na mawalan ng puso ang karakter niya sa istorya.

“Sobra… ayoko kasing mawala talaga yung puso nung character dahil maraming bida-kontrabida diyan na hindi mo maramdaman ang pinanggalingan nung galit nila.

“Nagpapasalamat ako sa writers din na open sila na alagaan ko rin yung character ko, nagmi-meeting kami.

“’Pag mayroon akong nararamdaman na parang nawawala ang puso ni Nathalia dito, hanapin natin, they will make you feel free.”

Sa presscon noon ng Book 2 ng Ikaw Lamang ay inamin ni Kim Chiu na hindi pa sila close ni KC.

Bukod sa naiilang daw siya rito ay madalas na nasa ibang bansa ang anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta na ngayon ang working relationship nila ni Kim?

Ayon kay KC, “It’s good…

“Si Kim kasi, mararamdaman mo sa kanya na mayroon din siyang mga walls, siguro dahil na-hurt na siya before.

“Na nararamdaman ko na may mga times na hindi rin siya ganun ka-open.

“Pero as time goes by, okay naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN