Maricar de Mesa files for annulment of marriage to Don Allado

Maricar de Mesa on estranged husband Don Allado: "If he wants an annulment, then ito ang ibibigay ko sa kanya. But it will cost him. Ngayon kasi, I don’t get mad, I get even!"


Nag-file na ng annulment ang aktres na si Maricar de Mesa upang mapawalang-bisa ang kasal nila ng kanyang estranged husband na si Don Allado.

Ito ang kinumpirma ni Maricar nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa shooting ng pelikulang My Big Bossing, sa Camelot Hotel, Quezon City, noong Martes, October 7.

Ang naging ground ni Maricar sa pagpa-file niya ng annulment ay “psychological incapacity.”

Ayon sa aktres, si Don, dating professional basketball player, ang nag-initiate ng kanilang paghihiwalay pagkatapos ng pitong taong pagsasama bilang mag-asawa.

Sinabi rin ni Maricar na may ibang babae si Don, kaya ito na rin ang nag-udyok sa kanya na ituloy ang pagpa-file ng annulment.

Read: Maricar de Mesa claims estranged husband Don Allado has another woman since before their separation

Saad niya, “Hindi ko na iniyakan ito kasi naubos na ang luha ko sa nangyari sa aming dalawa.

“I just want this to be done with and let’s move on with our lives.

“Habang alam ng mga tao na kasal pa kami, hindi ko makakalimutan yung mga sakit na ginawa niya sa akin.

“It will always linger on at the back of my head na asawa pa niya ako.

“E, siya na rin ang umaayaw sa marriage namin, ‘di ba?

“Kaya I decided na gawin na ito. May go-signal naman ang lawyer ko na puwede ko nang pag-usapan ito.

“Before kasi, ayoko pang magbigay ng anumang salita kasi iniisip ko nang mabuti ang dapat kong gawin.

“’Tsaka advice din ng lawyer ko na tahimik muna ako.

“Ngayon ay binigyan na ako ng go-signal ng lawyer ko to talk about it.

“Mas makakatulong daw kasi if I talk about it. Nakakabawas daw kasi iyon ng dinadala kong sama ng loob.

“Now, I feel a lot better knowing na itinuloy ko na itong annulment.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



NO PRENUP. Ginawa raw ni Maricar ang lahat para maging maayos ulit ang pagsasama nilang mag-asawa.

Kahit alam niyang may ibang babae si Don, nagpakamartir daw siya dahil nanghihinayang siya sa matagal na pinagsamahan nila.

“Alam ni Don how much I wanted our marriage to work.

“Alam ng Diyos na nag-effort talaga ako na maging maayos kami.

“Sino ba ang gustong maghiwalay, ‘di ba?

“Pero wala, e. Ako lang ang nagta-try.

“For him, wala lang yung effort na ginawa ko.

“So, sino ang may problema sa amin?

“Kung walang problema sa pag-iisip niya, sana nakita niya that I tried to make things work for us.

“And he was the one who initiated na maghiwalay na kami.

“Basta out of the blue, he woke up one morning, and he wants out of our marriage. Baliw, ‘di ba?

“So, if he wants an annulment, then ito ang ibibigay ko sa kanya.

“But it will cost him.

“Ngayon kasi, I don’t get mad, I get even!” natatawang sabi ni Maricar.

Wala raw silang pinirmahang pre-nuptial agreement kaya mabilis nilang naayos ang separation of properties.

Lahad ng aktres, “Yun ang inuna kong ipaayos.

“Like yung house namin, ibinenta na at pinaghatian namin yung napagbentahan.

“Pati yung mga sasakyan, naayos namin ang hatian.

“Alam ko lahat ng assets niya. Pero feeling ko, meron pang iba na hindi niya nasabi sa akin.

“Kasi nalaman ko lang na may mga ibinenta siyang mga properties na hindi ko alam.

“’Tapos may mga joint bank accounts kami na inilipat niya bigla sa pangalan niya.

“Talagang planado niya lahat ito. Pinaghandaan niya in advance.

“Kaya nga dalawa ang case na ipinaayos ko—one is yung annulment and then the separation of properties.”

Dagdag niya, “May karapatan ako as his wife sa lahat ng kinita niya during our marriage.

“I am entitled to all of that. ‘Buti naman at may mga nahabol ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Doon nga siya nagulat kasi akala niya hindi ko gagawin yon.

“Pero sorry siya, pinakasalan niya ako na walang prenup, ‘tapos wala naman kaming anak.

“So, according to the law, I will get half.

“Hindi naman ako nagpakasuwapang, e. Kung ano lang ang nararapat sa akin.”



OVER AND DONE WITH. Naging mabait pa nga raw si Maricar dahil hindi niya sinampahan ng kaso ang kanyang asawa at ang babae nito.

“I can actually do that dahil may mga pruweba ako, e.

“Pero hindi na lang kasi baka mag-drag on pa ‘yan. Patung-patong na.

“Gusto ko na lang na matapos ito, ma-annul na kami, ibigay na niya ang dapat sa akin, and bahala na siya sa buhay niya.

“I just want to move on with my life.

“Kung ano ang gawin nila, wala na akong pakialam,” saad niya.

Hindi na raw nami-miss ni Maricar ang kanyang estranged husband. Dumaan na raw siya sa phase na nanghinayang siya sa matagal nilang pagsasama.

“Tapos na ako doon.

“Before, may mga things pa na nakakapag-remind sa akin about him. Like yung card na ibinigay niya sa akin noong isang anniversary namin.

“Parang naisip ko, ‘Ganito pala kami noon. Ano ba ang nangyari?’

“Pero lahat naman iyon, nasagot na at umabot na nga sa ganito.

“Hindi ko na siya iniiyakan, unlike noon.

“Malaki na ang pagbabago and I think it’s for the better.”



TRUE FRIENDS. Nagpapasalamat naman si Maricar sa kanyang mga kaibigan na naging sandalan niya noong dumaan sa matinding pagsubok ang pagsasama nila ni Don.

“Noong first two months na naghiwalay kami, nagkaroon ako ng anxiety and stress.

“Hindi ako makatulog, hindi ako makakain.

“I lost so much weight dahil iniisip ko nga kung saan ba ako nagkamali sa samahan namin, ‘Ako ba yung may kasalanan?’

“Thankful ako sa mga kaibigan ko who were there during those times.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Direk Wenn Deramas, sinabi niya na ang importante ay ang makabangon ako at maayos ko ang buhay ko.

“Baby steps lang muna. Take it one day at a time. Huwag daw agad-agad.

“Nandiyan din si Almira Muhlach. Dumaan din siya sa ganitong sitwasyon kaya sobra ang suporta niya sa akin.

“Si Tanya Garcia, nandiyan din. Lagi niya akong niyayayang lumabas para mag-usap kami at mag-enjoy.

“Isinasama niya ako kapag nagbo-boxing siya para maging abala ako.

“’Tapos yung mga non-showbiz friends ko, they all give me good advices.

“Huwag ko raw sisihin ang sarili ko. Huwag kong isipin na ako ang may kasalanan. Just move on.

“Another advice is lahat ng makakapagpaalala sa kanya, kailangan alisin ko na.

“Kaya lahat ng photos namin sa phone ko, delete lahat.

“All his photos on my social media accounts ay nai-trash na.

“Then, iniwasan ko muna yung mga common friends namin.

“Kasi siyempre, kahit hiwalay na kami, kaibigan pa rin niya ang mga iyon.

“Para walang makarating na anumang kuwento, iwasan ko na lang silang makasama.

“In fairness, ang laking ginhawa pala nun. Parang nagsimula ulit ako.

“Tama nga yung sinasabi nilang baby steps lang.

“Simulan mo sa maliit na bagay hanggang sa ma-achieve ko na ang total recovery.”



READY ANYTIME. Handa naman daw harapin ni Maricar ang kanyang estranged husband kapag nagharap na sila for the annulment proceedings.

“Oo naman, kaya ko. Handa ko siyang harapin any time.

“Kaya ko siyang tingnan nang diretso sa mata.

“Kasi ako naman ang naagrabyado dito, e. Ako yung na-stress and all.

“Ang tanong, siya ba, handang humarap sa akin?” sabay tawa niya.

Isang magandang therapy naman kay Maricar para maibsan ang kanyang kalungkutan ay ang pagiging abala sa trabaho.

Sabi niya, “Ngayon nga lang ako naging busy ulit.

“And very thankful ako na naisama ako sa Metro Manila Film Festival entry na My Big Bossing, with Vic Sotto and Ryzza Mae Dizon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ako makatanggap ng teleserye before dahil after Villa Quintana, that ended noong June, doon nag-start yung mga problema sa buhay ko.

“Kaya nagbakasyon muna ako sa States for a while para magpahinga at mag-isip-isip.

“Now, I’m back, happy, fully recharged, and ready to work.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN