LJ Moreno expecting baby girl with husband Jimmy Alapag; couple to adopt a baby boy

Nasa proseso na ang pag-aampon ng mag-asawang LJ Moreno at Jimmy Alapag sa isang two-year old boy. Si LJ naman ay kasalukuyang seven-month pregnant sa unang baby nila ng Gilas player.


Pagkatapos ng apat na taong paghihintay ay magkakaroon na ng anak ang aktres na si LJ Moreno at ang mister niyang si Jimmy Alapag.

Seven months pregnant na ngayon si LJ sa unang baby nila ng Gilas player.

Kasabay nito ay ang pag-aayos nila ng mga papeles para sa pag-aampon ng isang two-year-old boy, na nasa pangangalaga na nila ngayon.

Matatandaang unang sumubok mag-ampon sina LJ at Jimmy noong November 2013, nang may makita silang isang batang babae sa isang beach sa Narvacan, Ilocos Sur.

Ngunit hindi ito natuloy dahil sa ilang isyu.

Pero ngayon ay masaya-masaya na ang mag-asawa dahil bukod sa dinadalang baby girl ni LJ ay mayroon pa silang aampuning batang lalaki.

Sa ginanap ngang baby shower ni LJ kahapon, October 9, sa The Farm, Bonifacio Global City, ay kasama nila ni Jimmy ang batang lalaki.

GOD’S PLAN. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay ikinuwento ni LJ ang paghihintay nila para magkaroon ng anak.

“We were checked, we were tying since 2010, but the doctor said wala namang problem sa aming dalawa.

"Mas nakaka-frustrate kasi parang walang problem, e, pero yung walang explanation, ’You’re both healthy, it’s really just timing.’

"It was all in God’s perfect time, once na-establish yung business and si Jimmy rin towards the end of his [PBA] career, so he can be more hands-on.

"So, nakita namin na, ’Okay, plano talaga ni God ito.’"

Mukha ring nakalaan talaga para sa kanila na mag-ampon dahil natuloy muna ang pagproseso ng adoption nila sa isang batang lalaki bago nalaman ni LJ na nagdadalang-tao na siya.

Lahad niya, “Actually, when we were matched with him [baby boy], two days after, I found out I was pregnant.

"So, lahat ng sinasabi ng mga tao na kapag nag-stop kayo mag-try… siyempre hindi naman ini-expect na ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero yun, two days after, I found out I was pregnant."

Alam na rin ba ng baby boy nila na magkakaron na siya kaagad ng baby sister?

“Yes, yes, alam naman niya. Excited na siya,” sabi ni LJ.

TRAUMATIC FIRST TRIMESTER. Nabanggit din ni LJ na, sa ngayon, wala pa siyang balak magbuntis ulit dahil sa “trauma” at hirap na naranasan niya sa unang trimester.

“Yung first trimester, nahirapan talaga ako.

"Sabi ko nga sa kanya [Jimmy], e, kung hindi siya yung magbubuntis sa second baby, ayoko na!” biro ni LJ.

“Sa ngayon, okay na ako.

"They say, after you give birth, mag-iiba, e.

"Pero right now, na-trauma talaga ako, e, nung first trimester.

"So, hindi ko pa muna iniisip yung next pregnancy."

Si Jimmy rin daw ay nag-alala para sa asawa sa pagbubuntis nito.

Saad ng basketball player, "You know what, the first trimester, medyo mahirap.

"Kasi she was so uncomfortable, just feeling sick and adjusting to the pregnancy.

"Pero after that, it’s been fine."

Dagdag naman ni LJ, "Kasi yung first trimester ko was really bad.

"I was throwing up ’tapos lahat... sensitive yung smell ko... bad first trimester.

"But after that, it’s okay na.

"So now, mas okay na ako, and I’m more active again. I went back to doing back to yoga."

HANDS-ON MOM. Ngayon pa lang, hands-on na raw si LJ sa pag-aalaga sa kanyang mga anak.

“I always carry our son, which lagi ako napapagalitan kasi wala, nakakalimutan ko na I’m pregnant.

"There are times that I run up the stairs, ’tapos bigla na lang, ’Ay, oo nga, I’m not supposed to be doing this…’

"So, back to normal na except for the heavy belly."

Si Jimmy ay excited na rin sa pagiging ganap na daddy sa isang baby boy and baby girl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It’s exciting, we have a growing family. We just can’t wait for her [baby girl] to be here," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN