Anne Curtis on defending sister Jasmine in recent controversy with Daniel Padilla: “I really would defend her with my life."

Masakit daw para sa isang Ate ang ginawang pangba-bash kay Jasmine Curtis-Smith ayon kay Anne Curtis. Aminado rin itong naapektuhan ang pamilya niya dahil wala naman daw kinalaman ang nakababatang kapatid sa kontrobersiyang sanhi ng audio recording ni Daniel Padilla.


Nitong nakaraang buwan lamang ay nadawit ang pangalan ng nakakabatang kapatid ni Anne Curtis na si Jasmine Curtis-Smith sa kontrobersiyang nalikha sa lumabas na audio recording ni Daniel Padilla.

Laman ng sinasabing 1 minute and 33 seconds recording ang tungkol kay “Sam”—na diumano’y si Sam Concepcion—at ang tila natitipuhan at naka-text naman daw ni Daniel na si Jasmine.

Magkasama sina Daniel at Jasmine sa kasalukuyang sinu-shoot na pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo. Habang si Sam naman ang boyfriend ni Jasmine.

Read: Daniel Padilla admits authenticity of audio-video recording; Jasmine Curtis Smith admits exchanging text messages with Daniel

Dahil dito, katakut-takot na fans diumano ni Daniel at ng ka-loveteam niyang si Kathryn Bernardo ang nang-bash kay Jasmine.

May isa pa ngang tinawag na "slut" ang nakababatang kapatid ni Anne.

Agad namang ipinagtanggol ng Kapamilya actress ang kapatid sa pamamagitan ng Instagram:

"You know nothing sweety. My sister is not a slut… Such harsh words from someone who doesn’t know her or probably has never met her."

DEFENDING HER SISTER. Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Anne sa grand presscon ng Hollywood indie film niyang Blood Ransom kagabi, October 9, sa Discovery Suites, ay kinumusta sa kanya si Jasmine.

Sagot niya, “She’s good, she’s in Australia, and then she’s coming back tomorrow. She’s feeling fine, you know.”

Dagdag pa niya sa ginawang pagtatanggol sa kapatid, “Oo naman, oo naman, that’s my sister.

"So I really would defend her with my life.

“Family, it’s instinct. My instinct na yun, e.

"And I think I’m not the only one. Any Ate would do that.

“Well, I think any Ate would be hurt seeing these things said about your sister.

"Like, me, I don’t care, but when it’s your sister and it’s below the belt and its painful..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang naging reaksiyon ng pamilya niya sa lumabas na isyu?

Aniya, “Wala naman because it’s not her fault. She’s completely out of it.”

Pero aminado si Anne na naapektuhan din ang kanyang pamilya.

“Yeah, the family was affected because, you know, kahit sino naman, e, ‘di ba?”



FIRST HOLLYWOOD INDIE MOVIE. Hindi naman maitago sa mukha ni Anne ang nararamdamang kasiyahan at pagiging proud nito sa kanyang kauna-unahang Hollywood indie movie na Blood Ransom, kung saan katambal ang American actor na si Alexander Dreymon.

(Anne with Alexander Dreymon. Photo by Noel Orsal)

Saad ng 29-year-old actress, “I’m very proud of it.

“I think the work of Direk Francis dela Torre is amazing, he’s a great director, you know.

"And I think he has so much talent and I was blessed to be given the chance to work with Direk Francis.

“I’m really proud of his project like, this is his baby, so I hope I was able to give justice to what he wanted.”

Si Francis dela Torre ay isang Filipino-American writer-director na nagdirek ng pelikulang Subject: I Love You (2011) na pinagbibidahan ni Jericho Rosales.

Na-recognize ang pagganap ni Jericho sa pelikulang ito sa Newport Beach Film Festival.

Ang Blood Ransom ay isang action-love story-suspense thriller kung saan gumanap si Anne bilang si Crystal, isang misteryosang babae na kinidnap ni Jeremiah, na ginagampanan naman ni Alexander.

Ipapalabas na ito sa Pilipinas simula October 29 at sa U.S. sa October 31.



FRENCH KISS. Bukod sa mga nakakabilib na action scenes, may daring scenes din daw sina Anne si Alexander. Isa na rito ang kanilang French kissing.

Paglalarawan ni Anne, “I was very uneasy in the beginning because I didn’t know what I was doing wrong, like I thought I was doing something wrong.

"But as soon as he [Direk Francis] said it, I did it, and it was good.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

First time lang daw itong ginawa ng aktres kahit na may ilang sexy movies na rin siyang ginawa sa bansa.

Sabi ni Anne, “Hindi, never naming ginagawa, none of the leading men that I worked with, no.

"It’s not just part of that yet... maybe one day.”

Ano naman ang naging reaksiyon ng nobyo niyang si Erwan Heussaff?

Natatawa niyang tugon, “O, well, he always knew. He always knew about it.

"And, you know, it’s not an issue for me... he’s half-French.

"It’s more on Filipinos are more conservative.

“Wala, it’s normal, he watches film... normal.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN