Angelica Panganiban prefers a private wedding proposal

Angelica Panganiban wishful for a surprise from John Lloyd Cruz, "Kaya ganoon ka-surprising para sa mga babaeng pinu-propose-an, nagugulat sila dahil hindi naman nila ini-expect."


Dahil sunud-sunod ngayong taon ang mga wedding proposal, engagement, at kasalan among celebrity couples, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angelica Panganiban kung napag-uusapan na rin nila ng boyfriend na si John Lloyd Cruz ang tungkol dito.

Sagot ng Kapamilya actress, “Wala pa.

"Siyempre, yung wish mo, doon kayo uuwi.

"Pero sa ngayon, wala pa.”

Hindi pa niya nakikita na mangyayari ito sa isang taon o sa nalalapit na panahon?

Saad ni Angelica, “I don’t think na ako ang makakapagsabi nun, ‘di ba?

"Siguro kaya ganoon ka-surprising para sa mga babaeng pinu-propose-an, nagugulat sila dahil hindi naman nila ini-expect.

"So, I don’t think na ako ang makakasagot nun."

Kung sakali mang sorpresahin siya ni John Lloyd, gusto ba niya na kasing-engrande ng ginawang flash mob proposal ni John Prats kay Isabel Oli?

“Hindi siguro, mas gusto ko siguro yung private lang,” sagot niya.

HAPPY FOR JOHN. Matagal nang magkasama sa Banana Split: Extra Scoop sina Angelica at John kaya "best friend" na ang turingan nila.

Masaya raw ang aktres para sa kaibigan dahil nahanap na nito ang babae para sa kanya.

Pero mali raw ang lumabas na balitang isa si Angelica sa personal na naka-witness ng ginawang proposal ni John kay Isabel sa Eastwood.

Ang totoo raw, hindi talaga siya nakarating.

Kuwento ni Angelica, “Nagkamali nga ako, naka-block off sa akin, September 24, may TVC [shoot] ako.

"Sabi ko talaga, ’Hindi po talaga puwede, 23 na lang po ang TVC ko.’

"Nagkapalit ko. Dapat pala, hindi ko na pina-move.

“Pero nagkausap kami noong before and noong after.

"Pinapadalhan naman nila ako ng video after noong na-propose na.”

Ano ang naramdaman niya habang pinapanood ang video?

“Naiyak ako,” sambit ni Angelica.

“Siyempre nakakatuwa, alam mo ang journey ng best friend mo, alam mo ang mga pinagdaanan niya.

"Nakakatuwa na, finally, nakahanap siya ng sigurado na siyang gusto niyang pakasalan talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, masaya ako, matagal niyang pinagplanuhan yun."

Kasama siya sa pagpaplano ni John sa gagawing proposal kay Isabel?

“Hindi naman sa planning, pero palagi siyang nagkukuwento kung ano na ang updates.

"Mga bago, susunod niyang gagawin... final na talaga, yung ganun."

Magiging parte ba siya ng kasal nina John at Isabel?

Ayon kay Angelica, “Matagal na naman naming napag-usapan na part ako ng wedding.

"So, I guess, kung hindi ako part ng wedding, magtatampo ako.”

MOVEMENT. Umiwas namang magbigay ng anumang pahayag si Angelica sa balitang nagpaplano o may posibilidad daw lumipat si John Prats sa Kapuso network.

Sabi niya, “Hindi naman yata tamang mag-comment ako dun.

"Baka naman may ma-offend akong mga tao.

"Baka naman may masabi akong mali, makapagbigay ako ng maling impormasyon, pag-ugatan pa ng problema.”

Paano kung sakaling magdesisyon ngang lumipat ang kaibigan sa ibang network?

“Kung lilipat siya, siguro alam niyang ang desisyon niya na yun ang makakabuti.

"Bilang kaibigan, nandoon lang ako para sa kanya.

"Pero siyempre, kung aalis siya rito, talaga namang malulungkot kaming lahat.

“Talaga namang mababawasan kami ng poste sa Banana Split.”

Kinumusta rin namin kay Angelica ang “twinny” niya na si Melai Cantiveros at kung hindi na ba talaga ito babalik sa comedy-gag show nila.

Sabi ng aktres, “Ang alam ko, inaayos yung pagbalik niya.”



NEW CONTRACT. Kakapirma lang ni Angelica ng panibagong one-year contract sa ABS-CBN. May pagkakataon din bang inalok siya ng ibang network?

“Wala naman, wala naman akong ganun na parang proposal sa akin. Baka naharang!” natatawang sabi niya.

Anu-ano raw ang nakapaloob sa network contract niya?

“Siyempre trabaho, mga shows, pelikula.”

Pinabigyang-linaw rin namin kay Angelica ang tungkol sa upcoming primetime series ng ABS-CBN na Pasion de Amor.

Siya ang napabalitang magbibida rito, ano ang nangyari at napalitan siya?

“Supposedly, kaya lang may ipinakita sila sa akin na mas napusuan ko, mas nagustuhan ko, yung ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think desisyon naman yun both.

"Magmi-meet kayo in between bilang artista and management, ‘di ba?

“Noong may ipinakita silang ganun, siyempre mas doon ako sa gusto ko, ‘di ba?”

Gustong-gusto raw sana niya ang Pasion de Amor, "Lalo na at ang business unit head ay si Direk Ruel Bayani.

"Actually, okey na, may schedule na ako for the show.

"Kaya lang, may pumasok na mas gusto kong gawin.”

Ngayong taon na raw sisimulan ni Angelica ang sinasabi niyang teleserye, pero sa 2015 na raw ito maipalalabas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN