Yagit child actor Jemwell Ventinilla aims to be the next Niño Muhlach

This early, Jemwell Ventinilla knows what he can do as a promising actor. "Okey lang po na gumanap akong bading... parang challenging po. Bilib nga po ako sa mga kagaya nina Gardo Versoza o Gabby Eigenmann... Mas nakakabilib na ang isang tunay na lalaki, gaganap na bading."


Masasabing perfect choice ang baguhang child actor na si Jemwell Ventinilla upang gumanap bilang Tomtom sa remake ng Yagit, na magsisimula nang umere sa GMA Network sa Lunes, October 13.

Sa trailer ng teleseryeng ito ay makikitang mahusay siyang umarte at may pagka-komedyante rin.

Pero bago siya nabigyan ng break para sa nasabing teleserye na idinidirek ni Gina Alajar, pagkanta raw ang una niyang gustong maging career.

“Kaso, nauna akong magkaroon ng project sa acting. Kaya sa acting ako magpu-focus muna,” sabi ni Jemwell nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng tinatampukan niyang soap noong Martes, October 7.

PROMISING. Baguhan lang si Jemwell, pero sinasabing very promising siya bilang child actor.

Siya at ang tatlong bida pa sa Yagit na sina Chlaui Malayao na gumaganap bilang Eliza, Zymic Jaranilla bilang Ding, at Judie dela Cruz bilang Jocelyn, ay parang itinakda na magbida sa afternoon show na ito ng GMA.

Nakaw-eksena si Jemwell sa pagiging kalog at mabiro. Natural ba ito sa kanya?

Sagot niya, “Yes, po, ganun din ako sa totoong buhay kaya parang hindi ako umaarte.”

Napanood ba niya ang orihinal na Yagit series?

“Yes, po, lagi siyang ipinapalabas sa PBO, dun sa cable po.”

Pinag-aralan ba niya yung character doon ni Tomtom, na siyang ginagampanan niya sa ngayon?

“Hindi po, kasi kapag pinag-aralan mo yung character ni Tomtom doon, parang idinudugtong mo lang yung acting niya.

“Parang ito yung tao, hakbang nang hakbang, pero pareho lang ang skills niyo.

“Kaya I want naman na ibahin yung Tomtom,” saad ng 12-year-old actor.

Nung first taping nila, hindi raw naiwasan ni Jemwell ang kabahan.

“Yes po, grabe!

“Siyempre, naiilang ka po sa mga artista, na yung iba, hindi mo pa kilala.

“At saka mahirap!”

Gaano katagal niya kinundisyon ang sarili para maging kumportable sa set ng Yagit?

“Three days po, pangatlong taping daw namin, okey na po ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naniniwala naman po ako sa lakas ng loob ko, at saka sa kaya ko.

“Kasi wala naming tao na hindi kaya ang ginagawa niya.

"Kailangan lahat kahit mahirap kayanin mo pa rin."

May pressure ba siyang nararamdaman bilang isa sa apat na mga baguhang batang bida sa Yagit?

Sagot ni Jemwell, “Yes po. Ramdam na ramdam ko po iyon.

“Kung puwede lang po, nandito ako sa tutok ng earth, isisigaw ko, ’Manood kayo ng Yagit!’

“Iniisip ko naman po, ginagawa naming lahat ang best namin.

"Siguro naman, kapag pinaghihirapan mo at pinagbubuti mo ang trabaho, may magandang magiging bunga."

COMEDIC. Mahilig magbiro at magpatawa si Jemwell, nakikita ba niya ang sarili na mas malilinya sa comedy kesa sa drama?

“Iyon po talaga ang pangarap ko, na dapat ay papasukin ko sa showbiz.”

Sino ba ang mga iniidolo niyang komdyante?

“Sina Babalu, Dolphy, at saka po si Vandolph. Napapanood ko yung mga pelikula nila.

“At saka po yung ibang mga sumikat din noon, gaya nina Chiquito, si Palito po, pati po si Rene Requiestas.

“Pero ang talagang gustung-gusto ko pong sundan ang career ay si Niño Muhlach.

“Gusto ko rin pong maging para si Dolphy balang-araw, na okey lang po na gumanap akong bading.

“Kasi parang challenging po yung ganung role,” pagtukoy niya sa ilang gay roles na ginampanan noon ng yumaong Comedy King.

Sabi pa ni Jemwell, “Bilib nga po ako sa mga kagaya nina Gardo Versoza o Gabby Eigenmann.

"Bruskong gumalaw na talagang astig na astig at poging-pogi, pero effective kapag nag-portray ng role bilang bading.

“Mas nakakabilib na ang isang tunay na lalaki, gaganap na bading kesa yung bading na gaganap ding bading.

“Kasi kapag totoong bading sa role na bading, wala nang thrill, e.

"Pero kapag totoong lalaki, siyempre paghahandaan niya yung pagpu-portray bilang bading.”

Kagaya ng karakter ni Tomtom, in real life ay mahilig din ba siyang kumain?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Opo!” nangiting pag-amin niya.

Weakness niya ang pagkain talaga?

“Opo!” tawa niya.

Ano ang paborito niyang food?

“Bawal na po kasi sa akin ang pork at chicken, may allergy po ako dun.

“Kaya ang puwede ko na lang kainin ay beef, fish, at saka mga veggies."

FUTURE CHEF. He’s twelve years old, may mga crush na ba siya? Sino sa mga young actresses ang ina-admire niya?

“Ayoko pong magkaroon ng crush na showbiz, personally. Kasi makalat siya!” natawang sabi ni Jemwell, na ang ibig niyang sabihin ay lantad at hindi puwedeng maging private.

“Kung magkakaroon ako ng crush, gusto ko yung sa akin lang. Kami lang ni God ang nakakaalam.

“Ang crush ko po sa ngayon, ordinaryong tao lang, na-meet ko po siya sa pagkakanta ko po.

“She’s fourteen po, pero crush lang naman.

“Hindi pa puwede yung manliligaw, ganun.

"Sabi ng parents ko, kapag 18 years old na ako, puwede na raw.

“Studies muna, Grade 7 po ako ngayon.

“Gusto ko pong makatapos ng pag-aaral, gusto ko pong mag-aral ng pagiging chef sa college.”

Tungkol sa pagkain talaga ang interes niya?

“Yes po!” tawa na naman ni Jemwell.

“Kahit halimbawa maging sikat na sikat na akong artista, mag-aaral pa rin po akong maging chef.

"Kasama po siya sa trabaho na kahit nag-aartista, puwede kong isabay ang pagiging chef.

"Ganun po ang gusto kong mangyari."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN