Suspect in murder of Cherry Pie Picache’s mom admits: "Ako lang po mag-isa ang gumawa ng krimen."

"Ginaya ko lang po ang napanood ko sa TV, at doon ako nagkaroon ng idea. Pero ang totoo, ako lang po mag-isa ang gumawa ng krimen," says suspect Michael Flores, who admitted that he’s guilty of murdering 75-year-old Zenaida Sison, mother of actress Cherry Pie Picache.


Umamin na si Michael Flores na siya ang pumatay kay Zenaida Sison, ina ng aktres na si Cherry Pie Picache.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, inihayag ni Michael na mag-isa lang niyang ginawa ang krimen.

Taliwas ito sa nauna niyang pahayag na may dalawa pa siyang kasabwat, na kinilala bilang “Bruno” at “Kuya Weng,” na nanloob sa bahay ng ina ng aktres.

"Wala po [akong kasama]. Ako lang po mag-isa ang gumawa ng lahat," pahayag ni Flores sa kanyang sinumpaang salaysay sa Integrated Bar of The Philippines, sa Quezon City, kahapon, October 9.

Ayon pa kay Flores, ginaya lang niya ang kanyang napanood sa TV nang sabihin niyang may kasama pa siyang dalawang katao na nagnakaw at pumatay sa bikima.

"Pero ang totoo, ako lang po mag-isa ang gumawa ng krimen."

Si Michael ay nanilbihan bilang tagalinis ng bahay ni Zenaida sa loob ng anim na buwan.

THE CRIME. Idinetalye rin ni Flores kung paano siya nakapasok sa loob ng bahay ni Zenaida noong gabi ng September 19.

"Una po ay inakyat ko yung kulay blue na bakal na gate ng bahay ni Zenaida Sison.

“At nang nakapasok na ako sa loob, binuksan ko rin yung isa pang gate na kulay puti at doon na po ako tuluyang nakapasok sa garahe.”

Nabanggit din ng akusado na gumamit siya ng kutsilyong pangkusina at kahoy mula sa pintuan upang paslangin ang ina ni Cherry Pie.

Pagkatapos ay ninakaw niya umano ang cell phone, pera, at alahas na nakita niya sa bahay ng biktima.

Ngunit nagastos na raw ni Flores ang ibang perang nakuha niya at naibenta na rin ang ibang alahas.

Ayon pa rin sa kanyang sinumpaang salaysay, gumamit si Flores ng ipinagbabawal na gamot o “shabu” noong araw na ginawa niya ang krimen.

A FURIOUS CHERRY PIE. Sa ginanap na inquest sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) kahapon, nagharap na sina Cherry Pie at Michael.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito ay galit na kinumpronta ng aktres ang pumatay sa kanyang ina.

Base sa ulat ng Balitanghali ngayong araw, October 10, paulit-ulit na sumigaw si Cherry Pie ng “Bakit?!”

Makikita rin sa video na sinapak at minura ni Cherry Pie si Michael.

Todo-hingi naman ng patawad ang akusado.

Aniya, "Humihingi po ako ng kapatawaran."

Nang makapanayam si Cherry Pie tungkol sa latest development ng kaso, inihayag ng aktres na hindi siya titigil hangga’t hindi nakukulong si Flores.

“This is just a beginning. It’s still a long way.

“What we want to achieve in the end is conviction,” saad ng aktres.

Si Flores ay nahaharap sa kasong robbery with homicide and qualified tresspass to dwelling.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN