Actress Glenda Garcia wins battle with breast cancer

Glenda Garcia on her fight with breast cancer: “Mas lalo akong tumapang na harapin ang sakit na ito. Hindi katapusan ng buhay kapag sinabing may cancer ka. Nandiyan si God para tulungan tayo sa paggaling.”


May isang taon na ang nakalilipas mula nang ma-diagnose ang aktes na si Glenda Garcia na mayroon siyang breast cancer.

Read: Glenda Garcia bravely battles breast cancer that struck eight years after she first volunteered to help patients fighting the disease

Buong-tapang namang hinarap ni Glenda ang kanyang sakit, kasabay ng walang tigil na panalangin sa Panginoon.

Sa huli, napagwagian ng aktres ang pakikipaglaban niya sa kanyang sakit at ngayon ay “cancer-free” na siya.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Glenda, sa pamamagitan ng Facebook, ngayong araw, October 10, ay kinumusta namin ang kalagayan niya.

Masayang ibinalita ng aktres na maayos na ang kanyang pakiramdam at tuluy-tuloy lang ang kanyang ginagawa.

Saad niya, “God is so good to me and my family.

“Dahil sa patuloy na suporta nila at ng mga kaibigan, nandito pa rin tayo.

“Oo nga at may isang taon na pala since I discovered I had breast cancer.

“Thankful kaming lahat dahil nasa zero stage pa noong makita siya, mabilis naagapan.

“Hindi rin madali ang pinagdaanan ko, but I remained positive na malalabanan ko ang sakit na ito at gagaling ako.

“At dahil na rin sa pagtitiwala natin sa Panginoon, I’ve survived it.”



INSPIRATION. Isa si Glenda sa volunteers na tumutulong sa ilang mga cancer patients since 2005.

Ito raw ang dahilan kung bakit naging matapang si Glenda sa pagharap sa sakit na cancer.

“Naging inspirasyon ko ang mga tinutulungan natin na cancer patients ng Philippine Foundation for Breast Care, Inc. at sa East Avenue Medical Center.

“Mas lalo akong tumapang na harapin ang sakit na ito.

“Hindi katapusan ng buhay kapag sinabing may cancer ka.

“Nandiyan si God para tulungan tayo sa paggaling,” sabi ni Glenda.



STRONG FOR HER SON. Kita naman sa Instagram at Facebook accounts ni Glenda na normal ang takbo ng buhay niya kahit noong nagpapa-chemotherapy pa siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi nga raw siya natigil sa pag-asikaso sa kanyang anak na si Carlo at sa mga pangangailangan nito.

Sabi ni Glenda, “I want to be strong for my son.

“Ayokong makita niya akong nanghihina. Kasi manghihina rin siya.

“We both have to be strong for one another. Kaya nagpapalakas ako parati.

“Ako pa rin ang nagluluto, I help him with his homework, I go out with him and my family para mamasyal.

“We travel, I still do sports, I work out.

“Lahat ng mga dati kong ginagawa, hindi natigil because I want to beat cancer.

“That’s how thankful I am sa Panginoon dahil hindi Niya ako pinabayaan.

“Kung noon ay pinapahalagahan ko na ang buhay ko, mas lalo na ngayon dahil parang nabigyan ulit ako ng pagkakataong matuloy ang buhay ko.”



BACK TO WORK. Balik na rin sa pagtatrabaho si Glenda.

Huli siyang napanood sa teleserye ng GMA Network na Akin Pa Rin Ang Bukas, na pinagbidahan ni Lovi Poe.

Sabi pa niya, “Nakapag-taping na ako for Ang Lihim Ni Annasandra as the mother of Pancho Magno.

“’Tapos may guest role din ako for another GMA teleserye na Second Chances.

“Nag-guest na rin ako sa Magpakailanman at sa Maalaala Mo Kaya.”

Dagdag ni Glenda, “Paunti-unti ang work natin. Ayoko rin naman biglain ang katawan ko.

“Every three months kasi ang check-up with the doctor para sure na wala na tayong problema sa kalusugan natin.

“Hopefully, magkaroon na ulit ako ng regular na series.

“Ipinagdarasal ko ‘yan kay Lord.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN