Jennylyn Mercado on Patrick Garcia’s upcoming wedding: "Baka maiyak ako… maiiyak ako sa tuwa."

Jennylyn Mercado on her renewed friendship with ex-boyfriend Patrick Garcia: “Sobrang okay na okay kami. Okay yung family namin sa family ni Pat. Dumadalaw sila lagi sa bahay. Kami ni Nikka, yung mapapangasawa ni Pat, parati kami nagkakausap. Thankful ako na lahat nasa maayos na lugar, nasa maayos na line.”


Suportado ni Jennylyn Mercado ang pagpapakasal ng dati niyang kasintahan na si Patrick Garcia kay Nikka Martinez sa susunod na taon.

Sina Jennylyn at Patrick ay nagkaroon ng anak na lalaki, si Alex Jazz; habang mayroon na ring anak na babae ang aktor sa kanyang fiancée.

Natutuwang ikinuwento ni Jennylyn sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na madalas dumadalaw si Patrick, kasama si Nikka at ang kanilang anak, kay Alex Jazz.

Kaya minsan nga ay nai-post nito sa kanyang Instagram account ang litrato ni Alex Jazz kasama ang kapatid nito kay Patrick.

Saad ng 27-year old Kapuso actress, “Sobrang okay na okay kami.

“Okay yung family namin sa family ni Pat. Dumadalaw sila lagi sa bahay.

“Kami ni Nikka, yung mapapangasawa ni Pat, parati kami nagkakausap.

“Thankful ako na lahat nasa maayos na lugar, nasa maayos na line.”



THE WEDDING. Tiyak din daw na dadalo siya sa kasal nina Patrick at Nikka dahil excited siya na first time magiging ring bearer ni Alex Jazz.

Gusto naman daw niyang iparating ang buong suporta niya sa memorable na event na ito nina Patrick at Nikka.

Ano kaya ang mararamdaman niya kapag ikinakasal na si Patrick?

“Baka maiyak ako… maiiyak ako sa tuwa,” sagot ni Jennylyn.

“Kasi si Patrick naman, malaking part siya ng buhay ko.

“Anak niya si Jazz, nagkaroon kami ng anak.

“I think, karapatan kong maging masaya para sa kanya, kasi ang tagal niyang hinintay ‘yan, ang dami niyang pinagdaanan.

“Ang dami na ring pinagdaanan ni Niks [tawag niya kay Nikka].

“Finally, natuloy na rin.

“I’m very, very happy for them.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn sa mini-presscon ng bagong album niyang Never Alone under GMA Records noong Miyerkules, October 9.



DENNIS TRILLO. Malaki raw ang pasasalamat ni Jennylyn sa Diyos na naging maganda ang kanyang 2014.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pawang positibong bagay raw ang dumating sa kanya, gaya ng magagandang projects—ang primetime series na Rhodora X, ang Metro Manila Film Festival movie na English Only Please, at itong kanyang album.

Ang isang positibong bagay na dala nitong album ay ang pagbabalik ng friendship nila ng ex-boyfriend na si Dennis Trillo, na ka-duet niya sa isang kanta.

Inamin din niyang lumabas sila ni Dennis pagkatapos ng recording.

Kuwento ni Jennylyn, siya raw muna ang nag-record, ‘tapos sumunod si Dennis.

Pagkatapos mag-recording ni Dennis, nagkayayaan daw silang lumabas na silang dalawa lang.

“Kumain lang kami sa labas, ‘tapos nagkataon na ganun lang,” medyo naaalangan niyang kuwento.

“Huwag niyo kaming ano…” awat niya sa panunukso namin.

Dagdag pa ni Jennylyn, “Wala naman sigurong masama, magkaibigan lang kami.

“Honestly, ang laki ng pasasalamat ko kay Dennis at saka kay Kuya Janno [Gibbs], kasi tinulungan nila ako dito.

“Siguro kung hindi dahil sa kanila, hindi makukumpleto.

“Lahat ng album na ginawa ko sa GMA Records, lahat may duet kay Kuya Janno.

“Idagdag na natin si Dennis, para masaya. Kumpleto yung album.”

Aware sila ni Dennis na pinag-uusapan ang napipinto nilang pagbabalikan, pero sa ngayon ay wala raw talaga.

Sabi ni Jennylyn, “Huwag niyo sa akin itanong ‘yan.

“Pero ayoko pang pag-usapan ‘yan, kasi masyado pang maaga.

“Wala naman akong isinasaradong pintuan.

“Basta sa ngayon, hindi ko pa naiisip ‘yan.”



EX-BOYFRIENDS. Natutuwa si Jennylyn na maayos na ang relasyon niya sa kanyang mga ex-boyfriend na sina Dennis, Patrick, at Mark Herras.

Open na rin daw siya sa posibilidad na magkaayos na rin sila ng huli niyang naging boyfriend na si Luis Manzano.

Aniya, “More than a year na rin, e.

“Wala lang chance na magkita o magkausap kasi nagkataon namang magkaibang network kami.

“Wala namang problema sa akin yun.”

Bukod sa promo ng bago niyang album, puspusan na rin ang taping ni Jennylyn ng bago niyang drama series sa GMA na Second Chances, kasama sina Raymart Santiago at Luis Alandy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na rin daw siya magugulat kung sakaling ma-link sila ni Raymart dahil naging magkaibigan naman daw talaga sila pagkatapos nilang magsama noon sa Futbolilits.

“Hindi na ako magugulat kung maisyu kami, pero sana wala kasi talagang kumportable kami.

“Baka magkaroon pa kami ng ilangan kung maintriga pa,” pahayag ni Jennylyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN