Pancho Magno on allegations of favoritism in Kapuso network: “I want to prove them wrong.”

Pancho Magno snuffs allegations that he’s a Kapuso network "favorite": “Kung ano ang marating ko ngayon, dahil iyon sa pagsusumikap ko. Professional tayong tao. Pinagsisikapan ko ang lahat kaya sana iyon ang makita nila sa akin.”


Unti-unti nang bini-buildup bilang leading man ang Kapuso hunk na si Pancho Magno.

Mula sa pagiging kontrabida at best friend ng bida, isa na siya ngayon sa leading men ni Andrea Torres sa GMA telefantasya na Ang Lihim Ni Annasandra.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Pancho sa press launch ng Ang Lihim Ni Annasandra, sinabi nitong masyado siyang “overwhelmed” sa mga nangyayari sa career niya ngayon.

Nagsimula si Pancho sa epicserye na Amaya kunsaan gumanap siyang isang uripon, si Agul.

Nasundan ito ng Broken Vow, Kasalanan Bang Ibigin Ka?, Magdalena, My Husband’s Lover, at Kambal Sirena.

Bukod sa pagiging aktor, isa rin siya sa mga inabangang hunks na rumampa sa katatapos lamang na Bench fashion show na The Naked Truth at isa rin siya sa 10 centerfolds ng Cosmo Bachelor Bash 2014.

Saad ni Pancho, “Masuwerte lang siguro ako this year.

“Ipinagdasal ko naman na may magandang mangyari sa career ko sa taong ito.

“Nagpapasalamat ako na nabigyan ako ulit ng pagkakataon ng Bench at ng Cosmopolitan magazine na makasama sa mga malalaking events nila.

“Dito naman sa TV, bagay naman ang role na ibinigay nila sa akin.

“Hindi naman tayo choosy sa mga roles na ibinibigay sa atin.

“Kung ano ang dumating, tanggapin natin kasi trabaho ‘yan.

“’Tsaka bagay naman daw sa akin ang role bilang kargador sa palengke!”

LEADING-MAN STATUS. Pero nasorpresa raw si Pancho nang sabihin na isa siya sa leading men ni Andrea sa kanilang teleserye.

Kuwento niya, “Noong sabihin nila na isa na ako sa mga leading men, siyempre natuwa ako.

“Akala ko binibiro lang ako, pero totoo naman pala.

“Kinabahan din ako kasi never pa nga ako naging lead—puro mga kontrabida roles at best friend roles ang mga nagawa ko pa lang.

“Kaya talagang nagsumikap ako na alamin ang character ko para makasabay tayo sa mga nagbibida na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“First time kong makasama si Andrea sa isang teleserye.

"Si Mikael Daez naman, noong Amaya ko pa siya nakatrabaho.

“Kaya okey ang working relationship naming tatlo.

“Noong mag-workshop kami for the series, mas naging okey kami.

“Very close kaming tatlo ngayon at masaya parati kapag taping namin kasi walang naiilang sa isa’t isa.”

DARING. Inaabangan ng marami ang pagpakita ulit ni Pancho ng kanyang matipunong katawan sa teleserye.

Mangyayari naman daw iyon dahil ang role niya ay isang maskuladong kargador.

“Promise makikita nila at pawisan pa!

“Siyempre, role natin parating may binubuhat na mabigat sa palengke. ’Tapos mainit pa sa location namin. Kaya imposibleng hindi ako mabasa ng pawis!

“Okey lang naman kasi may rason para maging shirtless tayo sa mga eksena,” saad pa niya.

FAVORITISM? May mga nagsasabing big threat daw si Pancho sa mga budding leading men ng GMA dahil may malaking edge na siya.

Kasi raw ay anak ng isang TV executive si Pancho kaya mas nabibigyan siya ng priority kesa sa mga nauna pa sa kanya sa Kapuso network.

Sabi niya tungkol dito, “Unfair naman para sabihin nila iyon.

“Noong pinasok ko ang trabahong ito, alam kong may ganyang mga magaganap na usapan.

“Sinabihan na ako tungkol sa ganyan kaya may choice ako kung ituloy ko ba o hindi?

“I want to prove them wrong.

“Kung ano ang marating ko ngayon, dahil iyon sa pagsusumikap ko.

“Professional tayong tao. Pinagsisikapan ko ang lahat kaya sana iyon ang makita nila sa akin,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN