Daniel Matsunaga post-PBB All In: “May pressure ako to prove myself.”

Brazilian-Japanese model turned TV personality Daniel Matsunaga says his fans are expecting a lot from him after winning Pinoy Big Brother All In. That is why he has been doing a lot of workshops, working on his Tagalog, and learning how to play the guitar. “I’m always trying to improve myself to become a better person, a better artista,” says Daniel.


Mula nang lumabas ng PBB house si Daniel Matsunaga ay halos naging busy na siya sa sunud-sunod na showbiz commitments.

Bukod sa dalawang pelikulang tinatapos, sunud-sunod din ang product endorsements na natatanggap niya.

Kahapon, October 11 sa Mercato Tent, Bonifacio Global City, Taguig ay nagkaroon ng “What’s New, What’s Next Fair” launch ang San Marino Tuna Flakes kunsaan, parehong ipinakilala ang bagong produkto ng CDO Foodsphere at ang kanilang celebrity endorser, ang PBB All In winner nga na si Daniel.

Simula nang lumabas siya ng bahay ni Kuya, paano nga ba siya nabago nito?

“After PBB, siyempre ang daming bagay na natuto ako sa loob ng bahay ni Kuya. Lalo sa giving values sa maliit na bagay,” simula ng Brazilian-Japanese na modelo at TV personality nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media na nag-cover ng launch.

“Kasi, dun sa loob ng bahay, we don’t have sense of time. We don’t have gadgets. It’s like living in the past, a thousand years ago, when we don’t have anything to do. You end up learning a lot.

“Lahat ng mga tasks na ginawa namin sa loob, siyempre, may purpose. Parang workshop lahat ng mga tasks. Dito sa labas, siyempre, amazing.

“Amazing to feel yung love ng mga tao. Binoto nila ako, ‘di ba?

“So, it’s very nakaka-proud. Nakakaiyak din.

“Kasi, you see they are there to support you. Kahit ang mga fans.”

Nakatulong marahil sa paglikom ng boto para kay Daniel ang makita ang tunay na ugali at katauhan niya sa loob ng bahay ni Kuya.

“Yung totoong Daniel kasi, 119 days sa loob ng bahay. There’s no way you can fake such a thing. Talagang you’re living there. Sometimes, you don’t even get pansin with the camera kasi, parang sanay na sa camera. Every corner may camera. Every corner may mirror. Talagang hindi namin alam kung may camera sa loob o hindi or will be shown sa public, ‘di ba?” pahayag ni Daniel na matatas na talagang mag-Tagalog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masasabi ba niya na ang napanood ng viewers ng PBB All In ay ang totoong Daniel Matsunaga?

“Yes, yung totoong Daniel,” sagot ng modelo.

Wala na siyang itinatago?

“It’s impossible to hide something kasi, every reaction that you do, siyempre, kinuha nila. Doon sa loob ng bahay, it’s me, myself. It’s me being outside of showbiz.”

May pressure ba na i-maintain niya yung magandang pagkakakilala sa kanya ng tao?

“May pressure ako to prove myself,” saad naman ni Daniel.

“To improve, ‘di ba, sa mga workshops? At lahat, para makita nila na kaya kong gawin ang mga bagay na hindi ko kaya.

“Siyempre, I’m working on that. I’m really working on that lalo kasi, siyempre, as a winner, probably, may mga projects coming soon and kailangan talaga.

“Siyempre, yung mga workshops, I’m gonna be working hard, sobrang puyat dahil sa mga tapings and everything. Kapag may time, I’m practising Tagalog and guitar.

“Kahit guitar. I’m learning din. Kapag may time, I’m always trying to improve myself to become a better person, a better artista.”

NO LOVE LIFE. Sa sobrang busy raw ni Daniel, mas lalong wala siyang oras ngayon sa love life. Ang huling romantic relationship pa niya ay noong sila pa ni Heart Evangelista.

May dalawang taong mahigit na raw yun at sa nakikita ni Daniel, mas imposible raw siyang magka-love life ngayon.

“Single, single pa rin,” nakangiti niyang sabi.

Sa isang banda, sinasabi man ni Daniel na single siya ngayon, marami pa rin ang babaeng iniuugnay sa kanya.

Kasama na rito ang dating housemate na si Maris Racal na masasabing bata pa, pero, may ilang mga fans sila na parang kinikilig na inili-link sila sa isa’t isa.

Ano ang reaksyon ni Daniel sa pagli-link sa kanyang ganito?

“Siyempre, kaibigan ko siya. Maris is a very talented person, sobrang bait siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, doon sa loob ng bahay, I treat her as little sister. I always call her ‘bata’ nga. Siyempre, we developed a very good friendship.

“Lahat kami doon sa loob na housemates, it’s always very good to be with them. We’re always having fun. Siyempre, natutuwa ang mga fans sa relationship, sa friendship namin.

“It’s very nice that a lot of people support, yung DanRis thing.”

DanRis ang ginawang pangalan ng supporters nina Daniel at Maris sa kanilang loveteam.

“A lot of people would think na loveteam, pero, also as a friend, you know.

“Friends kami and I’ll always be there for Maris. I’ve been linked to Maris, Jane [Oineza], Vicky [Rushton], so, we’re all very good friends.

“Kahit nasa labas na kami, we’re still going out and doing a lot of things together.”

Nandito na sa bansa ang mommy ni Daniel, pero, kahit daw nandito na ang ina, hindi naman daw niya ito madalas na nakakasama.

Pero, isa sa pangarap daw niya ay madala sa Pilipinas ang buong pamilya niya.

Sabi nga niya, “I miss my dad. I miss my dad and my brother in Brazil. I’m really hoping na one day, I can bring them here.”

“Ang nanay ko lang, my sister brought her here to see me kahit noong sa loob pa ng bahay ni Kuya. So, I missed my father, I missed my brother a lot. My plan is really to bring them here. Kung kaya ko, ipun-ipon kapag may time, ‘di ba?”

THANKFUL FOR ENDORSEMENT. Samantala, nagpapasalamat naman si Daniel sa endorsement na in-offer sa kanya, ito ngang San Marino Tuna Flakes.

“Siyempre naman, sobrang masaya ako kasi, pinakamalaking opportunity. Well, they are really nice. Si Sir Jerome Ong, the President of CDO, everybody here, it’s like having big family. Even on the set, we’re all having fun and they are really nice to me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“They really treat me nice and I don’t feel that all the time.”

Dugtong pa niya, “Siyempre, coming from modeling, yung mga mahirap. Ngayon siyempre, mas maganda ang buhay. Dito, sa commercial, sa set, print shoot, everything is set na, mas madali at mas masaya.”

Bahagi na raw ng pagkain ni Daniel ang tuna lalo na kapag kailangan niya ng lakas at protina.

“Oo, siyempre naman, siyempre naman. Ako, with my diet, I changed mga carbohydrates sugar to protein. And ang laki ng quantity ng proteins sa tuna. My diet normally is tuna or chicken. Pero, mas maganda ang tuna kasi, mas easier to bring anywhere.

“So, I bring tuna with pomelo, oranges, para mas mabilis ang digestion. ‘Tapos I do outdoor activities, I work out and after you work out, you need protein to maintain or gain muscles.

“Muscles are made of protein. Not really carbohydrates, sugar. That’s to give you energy. So, kailangan ng protein.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN