DJ Durano on ending 10-year relationship with Director Wenn Deramas: “Noon kasi, kailangan mong tumalikod, para may harapin ka.”

"Hindi naman kasalanan yung ginawa ko. Everybody goes through it. Once in our lifetime, we go through a relationship na naging instrumental naman kung ano ka ngayon, at hindi ko yun pinagsisisihan,” says DJ Durano about his past relationship with Director Wenn Deramas.


Kung si DJ Durano ang masusunod, ayaw na sana niyang pag-usapan pa ang nakaraang relasyon nila ni Direk Wenn Deramas dahil matagal na raw itong tapos at may kani-kanya na silang buhay.

Ang importante raw ay magkaibigan pa rin sila ngayon, tinutulungan pa rin siya nito sa movie projects, at nananatili ang respeto nila sa isa’t isa.

Ngunit para sa kapakanan ng kanyang girlfriend ngayon at sa kanyang anak, ninanais na niyang tuldukan ang usapin tungkol sa sampung taon nilang relasyon at marami pang bagay na puwedeng pag-usapan tungkol sa kanyang movie career at personal na buhay.

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktor sa presscon ng pelikulang Moron 5.2 The Transformation sa Music Hall, Metrowalk sa Pasig City noong October 8.

Ang pelikulang ito ay sa direksiyon ni Direk Wenn na ipapalabas na simula November 5 at mula sa ilalim ng produksyon ng Viva Films.

Bungad ng 40-year-old actor, "Yung suporta naman niya [ni Direk Wenn], ’di naman nawawala yun kahit meron na siyang sariling buhay, may sarili na rin akong buhay, we’re friends.

"Noon kasi, kailangan mong tumalikod, para may harapin ka.

"Kasi, how can you detach yourself, kung hindi ka tatalikod, ’di ba? Tumalikod ka muna, then, saka ka umikot, ’di ba?

"Nag-meet na kami ng boyfriend niya, ilang beses na, okey naman, mabait naman."

Kasunod ang pakiusap na "’Wag na yung boypren-boypren, ’wag na...

"Masyado nang gasgas ’yan, iba naman.

"Let’s focus about my lovelife, at yung sa career ko."

Halata ngang gusto na niyang iwasan ang usapin tungkol sa kanilang nakaraan.

Giit ng Kapamilya actor, "Naiirita na ako, naiirita na ako.

"Kasi, para sa akin, past is past, let’s move on. Dalawang taon na, nandun pa rin sa ‘Direk Wenn-Direk Wenn.’

"Magkaibigan na lang kami at mahal ko ang aking girlfriend, at respeto na rin sa anak ko. Kaya nga ako humiwalay, kaya nga ako nag-detach kay Direk Wenn, dahil ang anak ko ay malaki na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "Kumbaga, tigilan na natin ang kay Direk Wenn.

"Kumbaga, lagi naman akong nagpapasalamat sa kanya at sa mga nagawa niya sa buhay ko.

"He knows that, and I don’t need to tell the world na kung gaano kahalaga si Direk Wenn sa pagiging...

"I don’t have to reiterate time and again na... kasi, lagi na lang ganun, let’s all move on.

"Minsan nga, gusto ko na lang na... para matanggal na yung stigma na... parang it’s unfair naman."

GIRLFRIEND ACCEPTS HIS PAST. Tanggap naman daw ng kanyang girlfriend na si Joan Dy, kung ano man ang nakaraan nila ni Direk Wenn.

Si Joan ay miyembro ng political clan ng mga Dy sa Isabela.

Saad ni DJ, "Dapat naman ay ganun, e. Kailangan tanggapin natin kung talagang mahal natin ang isang tao.

"Hindi naman kasalanan yung ginawa ko. Everybody goes through it.

"Once in our lifetime, we go through a relationship na naging instrumental naman kung ano ka ngayon, at hindi ko yun pinagsisisihan.

"Hindi ko yun pinagsisisihan,” ulit niya.

Tungkol naman sa kanyang girlfriend, may balita na gusto na niya itong pakasalan.

Pagkontra ni DJ, "’Wag na muna, mag-iipon pa ako, saka na. Siguro, mga sampung pelikula pa.

"Okey naman ako sa pamilya niya, may hotspot treatment lagi," muli niyang pagbibiro.

"Mahal na mahal namin ang isa’t isa at siya ang kinukunan ko ng lakas, at maging siya rin, ako ang kinukunan niya ng lakas."

Dugtong pa niya, "Yeah, hopefully, in a year’s time.

"Siyempre, kung ako ang tatanungin, siya na ang gusto kong makasama habambuhay."

Hindi naman niya itinanggi na ang pamilya ni Joan ay nagtatanong na kung kailan sila mag-iisang dibdib.

Ani DJ, "Gusto na, kinukulit na nila ako. Kasi dapat, stable na talaga ako.

“Wala pang budyey,” banggit ni DJ sa salitang bakla ng budget.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya, heto, panegosyo-negosyo, hanap na kung ano ang puwedeng pagkabuhayan.

"Pero, after nitong movie, may gagawin pa akong teleserye sa Dos, so, yun, kahit papaano ay magiging busy na naman ako.

"Yung pag-aasawa, ’pag talagang nauukol na, bubukol na lang ’yan, e. But then, kaya nga nagsusumikap ako, dahil na rin sa future family ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN