Pooh says Angelica Panganiban was not referring to Angel Locsin in tweet about bad comedy: “Oo, ako yun.”

Pooh says Angelica Panganiban was not talking about Angel Locsin when the former tweeted, “Te… Ang comedy, may tamang pasok… wag mo ipilit… sakit na ng ulo namin.” The gay comedian clarifies that Angelica was referring to him. “Ganoon kasi kami magkuwentuhan. ‘Bakla, pangit mo ngayon. Bakla, hindi ka magaling.’ Ganoon.”


Wala naman daw magiging problema sa shows niya na Banana Split: Extra Scoop at Banana Nite kung mawawala pansamantala sa bansa si Pooh dahil sa world tour concert niyang For Laff sa USA, kunsaan ay makakasama pa rin niya sina K Brosas, Pokwang, at Chokoleit.

May nakabangko pa naman daw siyang episodes para sa Banana Split na ipinapalabas tuwing Sabado sa ABS-CBN.

Kay Pooh rin nalaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ang Banana Nite o puro “best of” ng Banana Split ang ipapalabas muna nila.

Itinanggi niya rin ang balitang diumano’y mawawala na sa ere ang weeknights nila na Banana Nite.

Ayon kay Pooh, na nakausap namin sa taping ng Banana Split sa Music Musem noong October 7, “Puro replays muna kasi, parang over-budget yata. Pero next year yun gagawin. Pero, hindi siya mawawala.

“Ang Banana Nite kasi, inaayos na nga namin ang anniversary. Next year kasi, anniversary month namin.”

Itong 2014, halos puro out-of-the country shows ang ginawa niya.

Dahil ba mas malaki ang kita kapag nasa ibang bansa sila?

“Hindi naman. Wala pa namang naibibigay sa akin, wala pa namang nai-o-offer. Katatapos lang namin yung Muling Buksan Ang Puso.

“Actually, may ibibigay sana. Kaso, ang conflict lang, yung schedule. Puro kami tours. So, ayoko namang oohan, ‘tapos, ‘Sir, Ma’am, aalis muna ‘ko.’ Magkakaroon naman ako ng ano dun.”

Sa isang taon naman daw, wala pa siyang naka-line-up na out-of-the-country shows. Kaya kung magkakaroon daw ng teleserye ay okey siya.

POOH’S LAUNCHING MOVIE. Kinumusta namin kay Pooh ang nabalitaang launching movie niya na hindi natuloy.

Ano nga ba ang nangyari ro’n?

“Actually, nagawa na namin siya. Kasama ko si K Brosas. Pero yung talagang ako na movie, hindi ko na alam kung ano ang nangyari.

“Yung sa amin ni K... na Special Couple, hindi siya talaga dito iso-showing [kundi] sa Canada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung sa dapat launching [movie ko], hindi ko na alam kung ano ang problema ro’n.

“Ang alam ko lang, yung director yata ang hindi puwede noong puwede ako. Noong puwede ako, yung financier ang wala.”

Marami na rin mga komedyante ang nabigyan ng launching movie, at yung iba sa kanila ay mga gay comedians din. Hindi ba siya naiinip?

“Hindi,” nakangiting sabi niya.

“Sakto lang, kung ibibigay naman sa akin ay hindi naman ako nagmamadali, ‘di ba?”

Pero, gusto rin ba niyang mai-launch sa isang pelikula, mapa-indie film man ito o mainstream?

“Kung ibibigay, bakit hindi? Pero kung hindi, ‘wag mong pilitin.

“Kung sa makakasabay, oo, makakasabay naman. Pero siguro, hindi pa proper time.

“Sabi nga ni Tito Boy [Abunda], huwag mong pilitin. Kung maibigay mong hilaw, baka maasiman ang manonood.”

SUPPORTING ANGELICA. Kinumusta naman namin kay Pooh ang kaibigang si Angelica Panganiban.

Ano ang nakikita niya rito ngayon?

“Happy, masayang-masaya siya, alapaap,” saad niya.

Nadamay si Angelica sa inihaing legal case ng asawa ni Derek Ramsay na kasong concubinage.

Sa mga ganoong situwasyon, paano niya sinusuportahan ang kaibigan?

“Well, siyempre, hangga’t kailangan niya kami sa tabi niya, nandun kami. Pero, okey naman siya. Masaya naman siya sa buhay niya ngayon.”

E, siya, masaya ba ang lovelife niya?

“Dati, ngayon wala na. Tumatanda na ‘ko, kuwarenta na ‘ko.”

ANGELICA’S TWEET. Naging isyu ang tweet ni Angelica recently na, “Te… Ang comedy, may tamang pasok… wag mo ipilit… sakit na ng ulo namin.”

May mga nagpangalan at nagsabing si Angel Locsin daw yata ang itinutukoy nito noong sabay silang maging guest sa It’s Showtime.

Pero ayon kay Pooh, “Oo, ako ‘yun,”

“Ganoon kasi kami magkuwentuhan. ‘Bakla, pangit mo ngayon. Bakla, hindi ka magaling.’ Ganoon.

“Nagulat nga kami na naungkat ang isyu nila, e. Ang tagal na nun, ‘di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tapos maayos na sila, okey na sila. Casual na silang nagkukuwentuhan pero hindi na ganoon kalala,” sabi pa ni Pooh.

Nang maging isyu yun, nagkausap din sila agad ni Angelica?

“Oo, sabi ko, ‘Bakla ka kung anu-anong tinu-tweet mo na naman. Sira ulo ka na naman.’

“Sagot naman niya, ‘E, yun ang nararamdaman ko that time, e.’ Ganoon,” sabi ni Pooh.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN