Daniel Matsunaga on friendship with Kris Aquino: “Kris is a blessing, you know. She’s a blessing for me, for my entire family.”

“My mom loves her, my sister loves her. You know, it’s really nice. She has been so, so nice to me since the beginning, nung nag-guest ako dun sa KrisTV, ‘di ba? So talagang I’ll never forget, I will never forget such a great opportunity na binigay niya sa akin and I’m very thankful to Kris, you know,” Daniel Matsunaga says about Kris Aquino.


Si Daniel Matsunaga ang pinakabagong brand ambassador ng San Marino Tuna.

Pero bago si Daniel ay naging endorsers din ng nabanggit na canned fish brand sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, na sinundan ni Kris Aquino at nina Julia Barretto at Enrique Gil.

Kaya tinanong namin si Daniel kung may pressure ba dahil puro sikat na celebrities ang sinundan niyang endorsers?

“Walang pressure po. Talagang masaya ako. I’m very, very blessed and I’m very, very thankful sa kanila, to have me as endorser.

“I’m sure I’m gonna do my one hundred thousand percent to make them super-happy because you know, it’s such a blessing for me kasi it’s connected to my real lifestyle, you know.

“I love exercise, I always play football and I’ve always been an athlete since I was young.

“So, it really connects me to my real lifestyle. I go on diets and protein is very important for me, you know.

“That’s what I base my diet on, you know. So very, very nice of them to have me as endorser. I’m really, really happy and I’m gonna do my best, ‘cause you know, as you guys saw in the commercial, lahat ng ginawa ko sa commercial, talagang totoo.

“Like all the sports I’ve been doing my entire life...” sabi pa ni Daniel na sinundan pa ng pasasalamat muli sa kumpanyang kumuha sa kanya bilang kanilang endorser.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Daniel sa “What’s New, What’s Next” campaign launch ng nabanggit na canned fish brand, nung October 11 sa Mercato Tent sa Bonifacio Global City, Taguig.

Sa mga nakaraang TV commercials ng tuna brand ay magkakasama sina Marian at Dingdong at sina Julia at Enrique.

Si Kris ay ang mga anak na sina Joshua at Bimby naman ang kasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May chance kaya na pagsamahin sina Daniel at Kris sa isang TVC ng brand?

“Wow,” ang tumatawang reaksyon ni Daniel. “Ang ganda ng tanong, ha?

“Well, yes, it’s up to Sir Jerome [Ong, Presidente ng CDO Foodsphere na gumagawa ng San Marino], you know. If they want to put us together in a San Marino endorsement, why not?”

FRIENDSHIP WITH KRIS. Kinumusta namin kay Daniel ang pagkakaibigan nila ni Kris.

“Kris is super, super nice to me, to my entire family.”


Magkaibigan pa rin sila ni Kris hanggang ngayon.

“Yes, of course, of course! Kris is a blessing, you know. [She’s] a blessing for me, for my entire family.

“My mom loves her, my sister loves her. You know, it’s really nice. She has been so, so nice to me since the beginning, nung nag-guest ako dun sa KrisTV, ‘di ba?

“So talagang I’ll never forget, I will never forget such a great opportunity na binigay niya sa akin and I’m very thankful to Kris, you know.

“I have all the respect for Kris and the entire family, you know, I’m really, really thankful.

“Kris is such a blessing and she’s really, really nice, We’re still very, very good friends po.”

Na-link sila, bakit hindi iyon nagtuluy-tuloy?

“Hindi ko alam,” at muling tumawa si Daniel.

Pareho silang single ni Kris; bakit hindi nauwi sa totohanan ang pagkaka-link nila?

“Well, hindi ko alam, you know.

“Maybe you should ask Kris,” at muling tumawa ang Brazilian-Japanese model-TV personality.

May posibilidad ba na ma-in love si Daniel sa isang babaeng mas matanda sa kanya?

“Well, I don’t know, I put everything in God’s hands, you know.

“If it’s to come, it will come, and you know, if it’s supposed to be the one for me, [God] ang bahala.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FABIO’S SITUATION. Tinanong naman namin si Daniel kung ikinagulat niya ang pagkakaroon ng anak sa pagkabinata ang kapwa niyang Brapanese celebrity at matalik na kaibigan na si Fabio Ide.

Alam na ba niya ang tungkol dito bago pa lumabas ang balita?

“Well, I knew that he was having some troubles but then I was inside PBB house, ‘di ba? So...

“Well, he’s blessed to have a kid now and in spite of all the intrigas, siyempre God has His own plan you know, for everybody.

“And maybe that could be a step for Fabio to be a better man, you know. We never know.

“And I’m happy for him, the things that are happening to him, you know. I’m his best friend, he’s one of my best friends.

“And I will always be here to support him in everything he does.

“Like, if anything happens, I will be there for him, I’m always here as a good friend.”

Kung sa kanya mangyari iyon, tulad ba ng ginawa ni Fabio ay aakunin o tatanggapin niya ang bata?

“Siyempre, ‘cause a kid is a blessing from God!”

Pero sigurado raw si Daniel na wala siyang anak sa pagkabinata.

“None,” ang tumatawang pagtatapos ni Daniel sa aming panayam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN