Kristine Hermosa gives birth to a healthy baby boy

Kristine Hermosa and Oyo Sotto welcomed their third baby, Kaleb Hanns, yesterday, October 11. The couple also have one daughter, Ondrea Bliss, and an adopted son, Kristian Daniel.


Ipinanganak na ng aktres na si Kristine Hermosa ang ikatlong anak nila ng mister niyang si Oyo Sotto kahapon, October 11.

Nagsilang si Kristine ng isang malusog na baby boy na pinangalanan nilang Kaleb Hanns Sotto.

Ibinahagi ni Oyo ang magandang balitang ito sa kanyang Instagram account (osotto), kalakip ng unang larawan ni Kaleb Hanns.

Caption niya dito: "Thank you Lord Jesus for this blessing! #KalebHannsSotto #101114"

Kasunod nito ang larawan ni Oyo kasama ang firstborn nilang si Ondrea Bliss at ang adopted son nilang si Kristian Daniel (Kiel), na bumisita sa ospital kung saan nagsilang si Kristine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN