Daniel Matsunaga okay to attend wedding of ex-girlfriend Heart Evangelista

“Right now, single pa rin. Two years and a half na single pero masaya. I’ve never been happy like this in my whole life," says Daniel Matsunaga, who chooses to stay single to focus on work.


Handa raw si Daniel Matsunaga na dumalo sa kasal ng ex-girlfriend niyang si Heart Evangelista kung maiimbitahan siya.

“If I have invitation, wala akong trabaho, pupunta ako,” nakangiting sabi ng Pinoy Big Brother All In grand winner nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa launch ng bago niyang endorsement, ang San Marino Tuna Flakes, noong Sabado, October 11.

Natutuwa ang Brazilian-Japanese model-TV host nang malaman niyang nagustuhan ni Heart ang mensahe niya para sa fiancé nitong si Senator Francis “Chiz” Escudero.

Sa panayam sa kanya noon paglabas sa Bahay ni Kuya, sinabi ni Daniel tungkol sa engagement nina Heart at Senator Chiz, “Okay lang, masaya ako para sa kanila. Moved on talaga, matagal na.”

Ayon kay Daniel, totoo ang naging mensahe niya para sa dating girlfriend.

“It’s coming from my heart talaga. I really wish her the best in her life.

“She has found her loved one. He’s really mabait and matalino.

"I’m sure he’s really a good father and a good husband."

Dagdag pa ni Daniel, “I really wish the best for them and that she really put God in everything.

“That’s the base of a relationship, ’di ba, if you have God and if you have trust sa relationship.

“I wish them the best talaga and I wish they will become a happy family.”



STAYING SINGLE. Kung si Heart ay ikakasal na, tila wala pa naman ito sa mga plano ni Daniel.

“Right now, single pa rin. Two years and a half na single pero masaya.

“I’ve never been happy like this in my whole life!” bahagyang natawang sabi ni Daniel.

Para sa dating PBB housemate, gusto niya munang pagtuunan ng pansin ang kanyang trabaho bago ang lovelife.

“Actually, sobrang busy ako ngayon.

"Ang daming blessings coming into my life, lalo na noong lumabas ako sa PBB.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang noong lumabas ako sa Bahay ni Kuya, there’s so many blessings.

“I’m really focused doon sa mga workshop ko ngayon, sa trabaho.

“Palagi akong puyat, pero they’re blessings.

“Talagang masaya ako kasi it’s what I’ve always dreamed of and it’s happening now in the Philippines."

Katulad ng sinabi niya sa naunang interview, gusto niyang makapag-ipon para madala ang kanyang buong pamilya dito sa Pilipinas.

Aniya, “My plan is to really bring my family here, I’m saving for that.”

Naniniwala si Daniel na darating din ang tamang babae para sa kanya sa takdang panahon.

“Siyempre, there’s always a time for everything. In God’s time, I will have my relationship,” aniya.

Kung sakali, sabi ni Daniel, ang gusto niyang makatuluyan ay isang Filipina.

Paliwanag niya, “Well, Filipina because you guys are so connected to your family.

"You guys are very God-fearing, maganda, mabait, malambing, matalino—nasa inyo na raw ang lahat!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN