Valerie Weigmann crowned Miss World Philippines 2014

Former Eat Bulaga! dabarkads Valerie Weigmann has been named Miss World Philippines at the coronotion night held on October 12 at the Mall of Asia Arena.


Si Valerie Weigmann, Candidate No. 19, ang siyang hinirang na Miss World Philippines 2014 sa grand coronation night na ginanap sa Mall of Asia Arena, Linggo ng gabi, October 12.

Tinalo ni Valerie ang 25 iba pang contestants sa nasabing beauty pageant.

Bukod sa pagkapanalo ng titulo, hinakot din ni Valerie ang karamihan sa special awards; kabilang na ang Miss Fashion Runway, Best in Long Gown, at Best in Swimsuit.

Siya rin ang choice ng karamihan ng sponsors at nag-uwi ng napakaraming special titles: Miss Solaire, Miss Figlia, Miss Jesi Mendez Ambassador, Miss Reducin, Miss Bench, Miss Blue Water Spa, Miss Hana Shampoo, at Miss Olay.

Ang runners-up ng Miss World Philippines 2014 ay sina Lorraine Kendrickson (Candidate No. 1, First Princess); Nelda Ibe, (Candidate No. 20, Second Princess); Nicole Donesa, (Candidate No. 14, Third Princess); Rachel Louise O. Peters (Candidate No. 7, Fourth Princess).

Si Valerie, 24, ay isang Filipino-German na unang napanood sa telebisyon nang maging housemate siya sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus noong 2008, kung saan si Ejay Falcon ang hinirang na Big Winner.

Ilang buwan bago siya sumali sa Miss World Philippines 2014, nakilala si Valerie bilang co-host ng sikat na noontime show na Eat Bulaga!, partikular na sa segment na "Juan For All, All For Juan."

Naging bahagi rin si Valerie ng teleseryeng Kidlat sa TV5, na pinagbidahan ni Derek Ramsay, noong 2013.

Si Valerie ang nagmana ng korona mula kay Miss World Philippines 2013 Megan Young, na siya ring kasalukuyang may hawak ng titulong Miss World 2013.

Si Megan ang kauna-unahang Pinay na hinirang na Miss World.

Si Valerie ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss World 2014 na nakatakdang idaos sa London, England, sa December 14, 2014.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN