Anne Curtis says torrid kissing scene is non-issue to boyfriend Erwan Heussaff

Acting is acting, according to Anne Curtis, so kissing Alexander Dreymon was no different from doing steamy love scenes with her local co-stars.


Sa presscon ng Hollywood indie movie na Blood Ransom, naasentro ang usapan tungkol sa reaksiyon ng boyfriend ni Anne Curtis na si Erwan Heussaff sa maiinit na eksena ng aktres sa co-star niyang si Alexander Dreymon.

Pahayag ni Anne tungkol dito, "Oh, about the film? When he learned about it, he was pretty excited.

"He said to me, ’Wow, that’s pretty awesome!’

"Yeah, he was equally excited and he knew, like, what it’s gonna be.

"And the whole kissing scene? Walang issue."

Dugtong pa ng actress-TV host, "Hindi siya na-insecure.

"Yung love scene, naikuwento ko sa kanya na ganito pala dapat.

"He just laughed ’cause it’s just like... natawa lang, kasi for him, it’s just normal.

"Like, what I’ve expected, hindi nga nila alam na may difference pala.

"Na dito pa sa Philippines, ’di pala ganun.

"He wasn’t really aware na merong difference yung paggawa ng love or kissing scenes dito sa atin."

Nakausap ng PEP at ilang miyembo ng entertainment media si Anne sa presscon ng Blood Ransom, sa Discovery Suites, Pasig City, noong Huwebes, October 9.

OPEN-MINDED. Malaking advantage nga raw sa kanilang relasyon ang pagiging open-minded ng half-Filipino, half-French boyfriend niya.

Saad ni Anne, "Yeah, ganun talaga.

"Kung ano ang naging impression niya? He hasn’t seen it yet, so he has yet to experience seeing the flick with me.

"But so far, with the trailer, he likes it."

Tungkol naman sa kanyang ka-loveteam na si Alexander, inusisa namin kay Anne kung good kisser ito.

Napangiting tugon niya, "Yes, he is... heavy.

"I don’t see the difference about his kissing sa [local actors].

"He was very conscious in the beginning.

"Like, ’How do I look? Is it okay?’

"Like, it is weird.

"Kasi, ’di ba, but... let’s just see, I haven’t seen it myself.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko nga ma-watch yung playback, nao-awkward ako.

"Sobrang na-awkward talaga ako!"

Dagdag pa niya, "But, you see, I know it’s gonna be like tastefully done, so...

"Hala, wait and see tayo, join na rin kayo sa ka-excited-an namin!"

Ano naman ang ginawa ni Alexander para maging kumportable siya sa kanilang eksena, lalo na’t first time nilang magsama sa pelikula?

Sagot ni Anne, "You know what, when you’re there and you know you’re acting, then it comes out naturally.

"And it was exactly what happened.

"Yeah, si Alex had been very careful about me.

"He’s very professional, and he knew that it was just a work we had to do, ganun."

MORE DARING. Sa isang hiwalay na pahayag, nasabi ni Anne na ang pinakamatindi niyang nagawa ay sa pelikulang No Other Woman, pero mas mapusok pa raw itong sa Blood Ransom.

Kung local movie ba ito, papayag din siyang gawin ang ganun katinding kissing scene?

Tugon ng Kapamilya actress, "If it’s required.

"I learned from them kasi acting is acting.

"So, yeah, non-issue sa akin whether local film man yun o hindi.

"As long as it is tastefully done, okey naman ako."

Hindi raw nagkaroon ng issue sa Screen Actors Guild (SAG) sa Amerika ang paggawa niya ng pelikula doon na tumagal ng isang buwan.

Aniya, "No, they [Tectonic Films] did it for me.

"SAG ako, I got my card from SAG.

"I sent the whole file, it’s amazing.

"SAG is a union, ’di ba, even for a passerby.

"So, I came with all the papers, even for the crew, they’re all part of the union over there.

"The SAG representative came to the set.

"They checked the trailer, checked the food, and asked me, ’Are you okay? Are you being taken care of?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I said, ’I’m fine, thank you!’

"And I said, ’Wow, super-galing, super-galing.’"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN