Melissa Mendez says Fabio Ide’s girlfriend should accept his past

Ikinatuwa raw ng aktres na si Melissa Mendez na nagpapakita ng kanyang pagiging ama si Fabio Ide sa kanyang apong si Danielle.


Hindi raw makapaniwala ang aktres na si Melissa Mendez na tawagin siyang "evil" ng girlfriend ni Fabio Ide na si Michelle Pamintuan.

Nag-ugat ito nang mag-post si Melissa sa kanyang Instagram account ng larawan ng apong si Danielle, ang anak ni Fabio sa kanyang anak na si Denisse Oca, na kuha mula sa binyag nito.

Read: Fabio Ide admits fathering Denisse Oca’s daughter; Fabio’s girlfriend posts hurtful comments

Ayon kay Melissa, dapat ay matanggap ni Michelle na isa nang ama si Fabio dahil alam naman daw nito sa simula pa lang na nabuntis ng Brazilian-Japanese model-actor si Denisse bago pa naging sila.

“That’s the thing, may anak sila. Sana natanggap nung si Michelle.

"Kasi matagal na niyang alam. Nung nanganak si Denisse, alam niya na.

“Kumbaga, God has been gracious to her to accept.

"Siguro sa umpisa, mahirap. Pero isipin mo, it’s a baby, it’s an angel.

"Bakit ’di mo ma-accept, mahal mo yung lalaki, e.

"Kung mahal mo yung lalaki, kung ano man yung past niya, tatanggapin mo siya.

“Past niya yun, e, and you don’t judge a person by the past.

"Ang importante, yung present.

"’Tsaka baby yun. Nilabas ko lang naman sa Instagram, tatawagin na akong ’evil.’"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Melissa sa taping ng My Destiny, sa Biñan, Laguna, kahapon, October 13.

EVIL STEPMOM? Sabi pa ni Melissa, wala naman masama sa kanyang ginawang pagpu-post sa Instagram ng larawan ng binyag ng kanyang apo.

“Kasi nung pagkalabas ko sa Instagram, nagku-comment na siya [Michelle] na, ‘Why are you posting this on social media, we don’t need this on social media.’

“E, dinilete ko, then post na naman siya na parang, ‘You wanted a publicity or promoting yourself for publicity.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dinelete ko na naman.”

Gusto lang daw ni Melissa na protektahan si Michelle sa followers niya dahil baka raw kung ano ang isipin ng mga ito.

Saad niya, “May nag-comment na bakit ko dinelete ang mga comments ni Michelle.

"Sabi ko, I deleted mainly because I didn’t want to parang maiisip siya… or mapi-perceive siya as the evil stepmom.

“So, bigla na tinawag niya akong ’evil... the most evil person in the world.’

"’Tapos sabihin pa niya na sana daw ipina-abort.

"E, papunta ako ng Vigan, sa taping.

“Iyak nang iyak yung daughter ko, e. Sabi, ‘Mommy she has crossed the line. They have crossed the line.’

“Sabi niya, ‘they’—meaning, si Fabio and Michelle.

"Sabi kasi dun sa text message, ‘Fabio and I were just talking last week. And then again, today, and then how we wish na sana na-abort ang baby.’

“Maya-maya, tumawag na si Fabio sa akin, sabi niya, ‘Tita Melissa, what Michelle said is not true. She’s crazy, it’s not true.’

"Sabi niya, ’I didn’t say that. I never wished that my daughter be aborted. I love my daughter. So please believe me.’"

Sa ngayon daw ay nasa cool-off stage sina Fabio at Michelle.

Ikinatuwa ba ni Michelle na cool-off daw sina Fabio at Michelle?

Sagot niya, “Hindi, siyempre hindi naman ‘yan yung point ko, e.

"Hindi naman yun ang inaano ko, inaano ko yung apo ko.”

Masaya naman daw si Melissa na ipinaparamdam ni Fabio ang pagiging ama nito sa kanyang apo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN