Jinky Vidal reunites with former Freestyle bandmate Top Suzara

Jinky Vidal on reuniting with Freestyle co-vocalist Top Suzara: "Everything happens for a reason. Sa tingin mo, kung hindi kami nag-solo, magri-reunite ba kami? Kung hindi kami umalis sa grupo namin, hindi siguro kami magri-reunite. So, ‘etong nangyari sa amin, may rason ‘yan para dumating tayo sa puntong ganito."


Tuluyan nang naayos ang tampuhan sa pagitan ng dating magkabanda sa Freestyle na sina Jinky Vidal at Top Suzara.

Muling magkasama ang dalawa para sa album na Reunited sa ilalim ng Viva Records.

Ayon kay Jinky, 2005 nang kumalas si Top sa Freestyle at siya naman ay noong 2011.

Nang kumalas si Top sa Freestyle noong 2005, magkakasunod na pumasok sa grupo sina Joshua Desiderio at Mike Luis.

Ito yung panahong sumikat ang cover nila ng “Half Crazy” ni Johnny Gill.

Inamin ni Jinky na nag-ugat ang problema nila ni Top nang hindi na sila magkasundong dalawa.

“Kaya he had to leave. He wanted to grow, he had to leave, parang nagsabay-sabay na rin yung conflicts.”

Nagkaroon din daw ng professional jealousy sa pagitan nila.

“You can say that, but basically, iba na yung path na gusto niyang tahakin, e.

“Basically, professional yung naging problema.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jinky sa launching ng Music Hall, sa Metrowalk Ortigas, kung saan may mga naka-lineup na shows silang dalawang ni Top ngayong October.

REUNITED. Noong maghiwalay ba sila, nakatulong ito sa kanilang individual careers?

Sagot ni Jinky, “Ganito yun, e, everything happens for a reason.

“Sa tingin mo, kung hindi kami nag-solo, magri-reunite ba kami?

“Kung hindi kami umalis sa grupo namin, hindi siguro kami magri-reunite.

“So, ‘etong nangyari sa amin, may rason ‘yan para dumating tayo sa puntong ganito.

“Nagbati kami, naayos kaming dalawa.

“And that goes with Freestyle na in time… I have a strong feeling na habang tumatanda ka, nagma-mature ka.

“Lahat ng mga differences we had before, parang petty na lang yun habang tumatanda ka.”

Hindi rin naman inaasahan ni Jinky na magsasama sila ni Top sa isang album under Viva Records.

“I didn’t know he went back to Viva.

“He left Viva kasi. He signed up with Universal Records.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko alam na pag-sign up ko, nung pag-renew ko ng kontrata sa Viva, hindi ko alam na bumalik siya sa Viva nung 2012.

“Nag-sign up ako a little before na bumalik siya sa Viva.

“Hindi ko alam yun, kasi hindi naman kami laging talkies [nag-uusap] ni Top, e.

“We patch things up already, pero hindi kami nag-uusap regularly. I didn’t know.

“Si Boss Vic [del Rosario, Viva big boss] was thinking in bringing us together.

“Ewan ko… para raw may recall. Hindi ko alam, basta it was his idea na gumawa kami ng album together.

“And then, jumpstart our solo careers. May mga solo careers na kami, e.

“So, hindi naman yun tinanggal ni Boss Vic. Parang project album lang.”

Kailan sila nagkausap nang masinsinan ni Top para masabing talagang tuluyan na nilang inayos ang kanilang gap?

Sabi ni Jinky, “Nung ginawa na namin ang album namin, nung early 2013… ‘eto na yung Reunited.

“Kaya ngayon lang siya umiingay kasi naantala yung promotion.

“But we started promoting it nung August pa of last year, so more than a month na.

“Then, nagkaroon kami ng concert together sa Music Museum.”

View Gallery: Flashback Friday with Freestyle’s Top Suzara and Jinky Vidal



STILL ACTIVE. Ano naman ang nararamdaman ni Jinky na aktibo pa rin siya sa music industry pagkalipas ng halos dalawang dekada?

Saad niya, “Ano ito sa point sa buhay ko na… I asked myself kung itutuloy ko pa ba or ano.

“Kasi nasa point na ako na magsi-semi-retire na ako… thirty-eight na ako, e.

“Parang I wanted to do other things naman kasi I’ve been doing this all my life since I was seventeen.

“Sabi ko, why not try different ano naman? Pero pilit akong binabalik ng tadhana.

“Kasi, this will forever be my passion. Hindi na ito mawawala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Second nature ko yung pagkanta.”

Nang matanong naman ng PEP kung ilan na ang supling niya, umiling siya at sinabing, “Wala nga, e. Hindi ako pinalad na maging isang ina.

“I lost my baby, 2003. So, I even wrote a song for my baby.

“And then, wala… hindi ako pinalad.”

Ano ang naging pakiramdam niya noong mawala ang kanyang baby?

Pag-amin ni Jinky, “You question god for a time.

“Pero I just decided to look at the bright side.

“Baka meron pang ibang para sa akin or plano.”

Nagkaroon ba siya ng interes na mag-adopt?

“That time, my ex didn’t want to adopt… wala, e.

“Never had the chance to get pregnant again,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN