Laarni Enriquez defends son Jake Ejercito over ’kissing photo’: "Eventually, I know my son will be vindicated."

Laarni Enriquez on adivising son Jake Ejercito about relationships: “As a mother siguro, all I can do is to give him advices. We’ve been there, kasi the more you age, the more you get all these wisdom. Sinasabi ko lang sa kanila, ‘I’ve been there.’ Let them learn from me and try to chill lang.”

In this photo: Laarni with daughter Jerika Ejercito and her boyfriend Bernard Palanca at a fashion show last night,


Sa isang pambihirang pagkakataon ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), Cinema News, at iba pang miyembro ng media ang dating aktres na si Laarni Enriquez.

Isa si Laarni sa mga celebrity na dumalo sa MetroWear Icon Cary Santiago fashion show na ginanap sa Isla Ballroom ng Edsa Shangri-La Hotel kagabi, October 13.

Siyempre pa, inusisa sa kanya ang kontrobersiyang kinasasangkutan ng isa sa mga anak nila ni dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada—si Jake Ejercito.

Ito ay kaugnay ng mga lumabas na larawan ni Jake na may kahalikang babae at naging dahilan daw kung bakit nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila ni Andi Eigenmann.

Pahayag ni Laarni tungkol dito, “It’s just an incident, e.

“The girl just wanted to shake his hands lang, then nag-kiss lang sa kanya.

“I asked him, ‘Did you know the girl?’

“Sabi niya, ‘Mommy, no, yun lang yun.’

“Siyempre, blown out of proportion na.

“And siyempre, as an ate, si Jerika naman, siya na ang nag-protect for Jake.”

Ang tinutukoy ni Laarni ay ang pagtatanggol ni Jerika sa kapatid na si Jake sa pamamagitan ng Instagram.



JAKE WILL BE VINDICATED. Ipinagtanggol din ng dating aktres ang anak sa masasakit na paratang na manloloko raw ito.

Pahayag ni Laarni, “Cheat? Eventually, I know my son will be vindicated.

“I don’t wanna say anything kasi everybody knows naman the story, right? Since the start, what happened.

“So, for me, I want Jake to focus on his studies since he will be graduating next year, October, Political Science.

“So, ganun na lang, let’s leave it that way.”

Sa gitna ng usap-usapang nagkabalikan na sina Jake at Andi, ano ang payo na ibinibigay niya sa anak pagdating sa pakikipagrelasyon?

Saad ni Laarni, “I only have one advice for Jake…

“I told Jake na, ‘You know, it’s not only for what’s happening now, you have to think about your future.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Jake is still studying and he needs to finish his course.

"It’s so sad because Jake is a private person and it just so happens, because of his dad, nasasama din siya and because of showbiz thing.

“Actually, sa tatlong anak ko, Jake is the quiet one, very private.”

Bukod kina Jake at Jerika, ang isa pang anak ni Laarni kay Erap ay si Jacob Ejercito.



GREATEST LOVE? Sa Twitter account ni Jake ay sinabi nitong “greatest love” niya si Andi pagkatapos humingi ng tawad dito dahil sa lumabas na larawan kung saan may kahalikan siyang ibang babae.

Read: Jake Ejercito breaks silence on breakup with Andi Eigenmann

Sa pagkakakilala niya sa anak, naniniwala ba si Laarni na mawawala rin eventually ang matinding pagmamahal ni Jake kay Andi at ma-out grow din nito ang lahat?

Sagot niya, “I cannot say or comment about it ‘coz alam mo naman, ‘pag puso na... just like me, parang you and me against the world.

“As a mother siguro, all I can do is to give him advice.

“We’ve been there, kasi the more you age, the more you get all these wisdom.

“Sinasabi ko lang sa kanila, ‘I’ve been there.’

“Let them learn from me and try to chill lang.”

Dagdag niya, “I think, every son’s… ang true love nila ay ang mga mommies nila.

“I am the true love of Jake… that I can really hold on to.”



AGAINST ANDI? Usap-usapan din ang balitang hindi raw pabor ang pamilya ni Jake sa relasyon nito kay Andi, na siya diumanong pinag-ugatan ng alitan noon ni Andi at ng kanyang ina na si Jaclyn Jose.

Totoo nga bang hindi pabor si Laarni at si Erap sa relasyon ni Jake kay Andi?

Tugon ni Laarni, “Let’s put it this way, I want my son to be happy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I want my son to have a happy family—a grounded one. Yung talagang intact.

“In this world, nothing is permanent.

“You can only depend in your own family, that’s how I raised my children, yun lang.

“Jake is still young, Andi is still young, and she’s so busy with her own career.”

Sabi pa niya, “Yeah, wala namang tampuhan, I don’t have any grudge.

“Actually, Veronica Jones is a very good friend of mine.”

Si Veronica Jones, dati ring artista, ang nakatatandang kapatid ni Jaclyn.



JERIKA AND BERNARD. Samantala, kasama ni Laarni na dumalo sa fashion show ni Cary Santiago kagabi ang isa pa niyang anak na si Jerika Ejercito at ang boyfriend nitong si Bernard Palanca.

Ito ba ay hudyat na nagkaayos na sila, pagkatapos sabihin noon ni Mayor Erap na hindi niya gusto si Bernard para kay Jerika kahit may anak na sila?

Tanggap na rin ba ni Laarni kung sakaling magpakasal ang dalawa?

Pahayag ng dating aktres, “They’re both Christians, so bahala na.

“Maybe the Lord will give them the right decision, the right discernment in time.

"Every family naman has their own issues, nothing is perfect in this world.

“In God’time… it’s not my way, it’s His way, not mine.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN