Ai-Ai delas Alas to celebrate 25th anniversary in 2015 with three big events

Ai-Ai delas Alas on possibility of moving to another network: “Hindi ko pa alam. Hindi ko pa alam kasi, ’di ba, gaya ng sinabi ko, ayaw ko nang ma-stress sa buhay ko. Kung saan ako dadalhin ni God, doon tayo. Kapag nandiyan na, nandiyan na. Wala diyan, wala diyan. Basta kung saan Niya ako dalhin. Hindi naman Niya ako pababayaan.”


Sa 2015 ay ipagdiriwang ni Ai-Ai delas Alas ang kanyang 25th o silver anniversary showbiz.

Bahagi raw ng kanyang selebrasyon ang malaking concert niya next year at ang pagbabalik ng Ang Tanging Ina sa big screen, na pamumunuan ng Star Cinema.

Kuwento ni Ai-Ai sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Binisita nila ako para makita nila kung okey na ako, kung kaya ko na.

“’Ayun, natuwa naman ako.

“’Tapos, ayun, diniscuss nila sa akin yung Ang Tanging Ina The Reunion.

“Ika-25th ko na next year kaya may celebration ako. Pero naka-in line sa Star Cinema.

“So, itong Tanging Ina The Reunion, may malaking concert, saka yung album ko.

“Okey naman yung naging usapan.

“Yun lang, may isa lang naging problema… yun nga, yung kay Jiro [Manio].

“So, gagawa na lang siguro ng paraan.

“Pero okey na si Heart [Evangelista]. Siya yung pinaka-okay. Siya yung talagang umoo, first.

“Sa lahat ng Ang Tanging Ina, after nung first, siya lang yung laging hindi kasama.

“Ngayon, okey na siya.

“Siya yung unang-unang umokey and, I think, siya rin yung unang-unang kinausap.”

Sina Heart at Jiro ang dalawa sa gumaganap na mga anak ni Ai-Ai sa Ang Tanging Ina movie franchise.



THREE EVENTS. Ano pa ang inilatag sa kanya ng Star Cinema?

“Yun pa lang, yung pang-next year. Hindi pa napapag-usapan yung renewal ko.

“Sa July 2016 kasi renewal ko sa Star Cinema, e.”

What about her contract with ABS-CBN?

“Wala pa, wala pang meeting.

“Movie and concert muna tayo next year.

“Sabi nila, gusto nila yung concert ko, yung malaki.”

Ang Star Cinema ang magpo-produce?

“Ewan ko. Pero ako talaga, kahit anong mangyari, isa ako sa producers nun.

“Tapos nga yung sa movie. Then, yung tungkol sa iba pa.

“Basta tatlong malalaking event yun for the year 2016—movie, isang concert dito, at may isa pang ilu-launch.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TV special ba yung isa?

“Baka ganoon, basta tatlo silang malalaki.

“So, pinayagan lang nila ako sa Viva [Films], 2015 MMFF.

“Basta meron silang ano, ‘tapos pinayagan nila ako. Doon nila ako pinayagan.

“Tapusin ko raw muna ang Tanging Ina.”



NETWORK TRANSFER. Nilinaw rin ni Ai-Ai ang balitang lilipat na raw siya sa GMA Network.

“Hindi, si ano yun… si Sancho yun,” pagbanggit niya sa kanyang panganay na anak.

Paglilinaw pa niya, “Pinasok ko sa GMA-7 kaya nasa Channel 7 ako… hindi ako.”

Plano ba niyang sumunod sa kanyang anak sa GMA?

“Hindi ko pa alam. Hindi ko pa alam kasi, ’di ba, gaya ng sinabi ko, ayaw ko nang ma-stress sa buhay ko.

“Kung saan ako dadalhin ni God, doon tayo.

“Kapag nandiyan na, nandiyan na. Wala diyan, wala diyan.

“Basta kung saan Niya ako dalhin. Hindi naman Niya ako pababayaan.”

Sabi pa ni Ai-Ai, “Hindi ba, alam mo naman yun? Kung paano Niya ako bitbitin, grabe!

“Sa Tanging Ina lang, e, signal No. 3 yun, naka-fifteen million yun a day.

“Padded daw yung P13 million ko, nung panahon na yun, ha.

“Ibig sabihin noon, yung P13 million noon, P18 million ngayon yun, ‘di ba?”

Mother’s Day noong 2006 ipinalabas ang unang Ang Tanging Ina. And after almost a decade, balik sa unang playdate ang Tanging Ina series ni Ai-Ai.

Saad niya, “Looking forward na ako doon. Okey na ako doon.

“Positive na yun kasi alam naman natin, parang ano yun, e, The Reunion.

“Parang ibinabalik mo yun bilang anniversary presentation ng Tanging Ina.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN