Kuh Ledesma on Dennis Roldan’s imprisonment: "Maraming kailangan na abutin ang Diyos sa preso kaya doon siya ipinadala."

Kuh Ledesma on Dennis Roldan’s imprisonment: “Nalungkot ako. Kasi he’s a really good person. At least ngayon, mabait na siyang tao. Naging pastor na nga, ready na siya to pastor a church… in-explain niya sa akin, eight years siyang naka-on bail. Two years siyang nabilanggo, eight years on bail. Siguro yung exposure niya sa TV, na-remind yung sa kaso niya, kaya medyo mas napabilis.”


Sa GMA primetime series na My Destiny ay gumanap na mister ni Kuh Ledesma si Dennis Roldan.

Ngunit nang makulong ang aktor, pagkatapos mahatulan ng guilty sa kidnapping case nito, ay pinatay ang karakter nito sa teleserye.

Nawindang ba si Kuh sa nangyari?

Sabi ng singer-actress, “Hindi naman, pero medyo matagal-tagal kong inisip kung paano ko ire-react yun.

“Kasi hindi pa ako namamatayan ng magulang, wala pa akong namamatay na talagang close sa akin.”

Saan siya humugot ng emosyon sa eksenang namatay na ang karakter ni Dennis bilang Matteo Andrada?

“Siyempre, I will have to subsitute na kung somebody close to me mamamatay, iyon yung magiging feeling ko, di ba?

“Kasi nung umpisa [ng kuwento ng My Destiny], gusto ko na nga siyang hiwalayan, e.

“Pero nagka-igi [nagkaayos] dahil dun sa challenges ng buhay namin, mga pagsubok, naging close kami ulit.

“So, siyempre, masakit yung okay na kayo, in love na kayo ulit, ‘tapos mamamatay pa, ‘di ba?

“Siyempre mga ano yun, mabigat yung scene.”

DENNIS IN PRISON. Na-shock ba siya sa pagkakakulong ni Dennis?

“Nalungkot ako. Kasi he’s a really good person.

“At least ngayon, mabait na siyang tao.

“Naging pastor na nga, ready na siya to pastor a church.

“Actually, yung church kung saan siya tinrain, nag-Bible school pa siya, e.

“Kasi eight years siya… in-explain niya sa akin, eight years siyang naka-on bail.

“Two years siyang nabilanggo, eight years on bail.

“Siguro yung exposure niya sa TV, na-remind yung sa kaso niya, kaya medyo mas napabilis.”

Dagdag ni Kuh, “Nakakalungkot kasi he became sa good friend, you know.

“He’s a good friend of mine, ‘tapos ganun nga, magpa-pastor na siya ng new church, tinayuan na siya.

“Pero alam mo, ang Diyos kasi, hindi natin alam ang talagang Kanyang plano.

“So, I guess, gagamitin siya ng Diyos sa preso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maraming kailangan na abutin ang Diyos sa preso kaya doon siya ipinadala.

“And I think that he is a very strong person now.

“Kasi hindi ko naman alam kung ano’ng talagang nangyari nun.

“At kung may nangyari man nun, na let’s just say ano, kung anuman ang katotohanan dun, binago na siya ng Diyos, e.

“Pero ang Diyos lamang ang may hawak ng lahat ng bagay, so hindi natin alam kung gaano katagal na papanatilihin siya sa preso.

“Puwedeng maybe six months, a year, baka makaalis na siya.”

Wala na raw silang komunikasyon ni Dennis, pero ang nakausap ni Kuh ay ang misis ng aktor.

Kuwento ng Pop Diva, “I called the wife just to assure her that I was going to pray for Dennis.

“And then, gusto ko siyang bisitahin after ng mga tapings namin [ng My Destiny].

“I’d like to visit him.”

Ang co-stars nilang sina Tom Rodriguez at Al Tantay ay nagpaplano rin daw dumalaw sa aktor sa bilangguan.

“Maganda naman yun, ‘di ba, kasi naging parte na siya ng buhay namin, you know,” sabi ni Kuh.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kuh sa taping ng My Destiny sa isang simbahan sa Binan, Laguna, kahapon, October 13.



MY DESTINY. Tinanong din namin si Kuh kung ano ang nararamdaman niya sa pagtatapos ng My Destiny sa Biyernes, October 17.

Tugon niya, “Siyempre medyo sad… hindi naman masyado kasi marami ring trabaho.

“May Bet Ng Bayan kasi akong ginagawa, out-of town lagi. I’m a mainstay judge, kasama ni Louie Ocampo.

“Pero siyempre, nakaka-miss itong taping na ito.

“Nakaka-miss talaga kasi Joyce Bernal is very quick in her shots, you know.

“Na hindi kami kailangan masyadong puyat na puyat, alam mo yun?

“I like her.”

Ano ang natutunan niya kay Joyce bilang direktor?

“To be ready! Mabilis kasi siyang mag-shoot, e. Kailangan reading-ready ka dun sa scene mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tsaka always naman dapat kahit hindi sabihin sa ‘yo dapat ready ka.

“Kasi nakakahiya dun sa ibang mga actors, nakakahiya sa direktor, sa production, you know. Para mabilis matapos.

“Kasi if everybody is okay with their lines, then tapos agad.”

Kahit kilala siyang Pop Diva, may satisfaction na nakukuha sa pag-arte si Kuh.

Aniya, “I enjoy acting kasi, e. It’s role-playing so, you know, you get to work out different… how do you say that, emotions?

“Na siguro hindi mo nagagawa sa aking buhay!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN