Lorna Tolentino does not believe in destiny: "Ginagawa mo yung destiny mo. It’s not by chance, it’s by choice."

Lorna Tolentino on why she does not like to be a director: “Nakikita ko kaya, ang hirap-hirap! Sila yung unang-una, ‘tapos pagka may ano pa, kapag mayroong, ‘Direk, ano ba ito, bakit ganito itong script natin?’ ‘Sige, ayusin natin.’ Siya pa mag-aayos. ’Di ba, ang hirap ng role niya, ang hirap, ang dami. Mas madali yung aktres.”


Anim na taon na ang nakalilipas mula nang pumanaw ang mister ni Lorna Tolentino na si Rudy Fernandez, ngunit wala pa ring pumapalit sa kanyang puso.

Ayon pa sa award-winning actress, wala raw siya kahit manliligaw ngayon.

“’Pag naman hindi mo in-entertain, pagka naman inano mo, siyempre titigil na, di wala na, tumigil na sila!” tawa niya.

Ang pinsan niyang si Zsa Zsa Padilla ay muling masaya ang lovelife ngayon; malay ni LT ay siya rin?

“Huwag na, okay na yun.”

Hindi siya umaasang muling matatagpuan ang matatawag niyang “my destiny”?

“Hindi naman totoo!” bulalas ni LT.

“Ginagawa mo yung destiny mo. It’s not by chance, it’s by choice.

“Pati yung partner mong destiny.

“Parang yung kay Rudy, nung nakita ako, sabi niya, ‘Papakasalan ko ‘yan!’

“O, ‘di ba, ginawa niya?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lorna sa taping ng My Destiny sa Biñan, Laguna, noong Lunes, October 13.

LORNA’S ACCIDENT. Ikinuwento naman ni Lorna ang nangyaring aksidente sa kanya noong Agosto.

“Nadulas ako, puwet yung unang tumama. Meron akong brace na nilalagay.

“August 16 [nangyari], so itong October 16 two months na.”

Sa isang branch daw ng Flawless naganap ang aksidente.

Pag-amin ni Lorna, “Kasalanan ko, e.

“Yung paharap ako, ‘tapos meron akong titingnan sa likuran ko… ayan, paganyan ka, ‘tapos gumanun ka, yung tsinelas ko, nag-stop, na-out-of-balance ako, bagsak yung puwet ko.”

Wala bang nakasalo sa kanya?

“Walang Superman, walang Batman!” tawa niya.

“October 16 is my second month of wearing the brace, yung last month nung na-check-up ako, naghi-heal na yung fracture.

“Naghi-heal na siya so additional one month na lang para lang safety na hindi siya magkaroon ulit ng compression at lalong mag-heal pa yung fracture.

“Kasi makikita mo dun sa X-ray, kunyari ayan yung fracture, meron nang pumapasok na ganyan, e, na parang spinal na ano.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabuti na lang daw at very mild ang kanyang scoliosis at walang nerves na naapektuhan.

“Wala, wala… yung nerves naman, pagka talagang ano yun lagi, sakit ng…

“Lahat tayo siguro... ’pag nagdidikit yung lumbar four and five mo, kasi sa may balakang yun, iyon yung parang merong S1, S2 na sinasabi nila.

“Iyon na yung meron kang masakit na, parang umiipit na sa legs mo.”

Kaya ngayon ay medyo ingat ang mga kilos ni Lorna.

“Thankful nga ako na ganito yung soap na ibinigay sa akin, nakakapag-adjust.


“E, kung medyo mabigat-bigat, hindi nila maia-adjust.”



FROM HEAVY TO LIGHT. Sa susunod ba niyang proyekto ay mas gusto niyang heavy acting naman ang ire-require sa kanya, na talagang maipapakita niyang muli ang kanyang husay sa drama?

Sagot ni Lorna, “Nakadalawa naman ako na okay, e—Pahiram Ng Sandali at saka Genesis.

“So, okay na rin ito.

“Maganda yung start nito kasi light lang kami. Hindi talaga ganun ka-heavy.


“So, okay naman.”



PRODUCER OR DIRECTOR? Wala pa raw nakalinyang pelikula na susunod niyang gagawin, pero nais daw niyang makagawa ulit ng pelikula.

“Basta maganda. Wala namang problema basta maayos.”

Kahit isang indie movie ay okay kay Lorna.

“Kahit indie, oo, okay lang, baka ako na ang mag-produce!” at tumawa ang aktres.

May plano ba siyang pasukin ang pagpo-produce ng pelikula?

“Wala naman, para lang naiisip ko.

“Minsan naiisip mo pagka may maganda [na proyekto], o kaya ‘Ay, sayang! Sayang yun, a!’’”

Ano sa palagay niya ang mas kakayanin niya, ang maging producer o maging isang direktor?

“Maging producer!” natatawang sagot ng aktres.

Ayaw niyang maging katulad nina Joyce Bernal o Gina Alajar?

“Nakikita ko kaya, ang hirap-hirap!” bulalas niya.

“Sila yung unang-una, ‘tapos pagka may ano pa, kapag mayroong, ‘Direk, ano ba ito, bakit ganito itong script natin?’

“‘Sige, ayusin natin.’ Siya pa mag-aayos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Di ba, ang hirap ng role niya, ang hirap, ang dami. Mas madali yung aktres.”

Hindi ba mas mahirap ang papel ng producer, siya ang gumagastos para sa lahat?

“E, nasa sa kanya na yun.

“Kung maayos ba, e, gagastos ka ba ng more than yung plano o budget mo? ‘Di ba, hindi naman?”

Pero hindi pa naman daw niya planong mag-produce agad-agad.

“Wala, hindi, ayoko pa, naiisipan ko lang na iyon ang mga puwede.”

Kung magpo-produce na siya, sino ang unang artistang kukunin niya?

“Sarili ko! Bakit naman lalayo pa ako, ‘di ba?” tawa na naman niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN