Rhian Ramos happy for Marian Rivera’s engagement to Dingdong Dantes

Rhian Ramos says she’ll miss Carla Abellana’s taste in music, Tom Rodriguez’s thoughtfulness and, most of all, Direk Joyce Bernal now that My Destiny is ending.


Walang karelasyon si Rhian Ramos ngayon, pero may mga nanliligaw ba sa kanya?

Tugon ng Kapuso actress, “I don’t know, hindi naman siya ligaw talaga.

"Usually, ’pag yung actions niya pinapakita sa akin ligaw na masyado, sinasabi ko na, hindi kasi ako open sa ganyan.”

Binabasted niya agad?

Natatawang sagot ni Rhian, “Para lang wala sisihan, walang sayangan ng oras, ganun!

“Pero if I can see naman, if there’s an effort to be a friend, then I wouldn’t do that or say that to a person."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rhian sa taping ng My Destiny, noong October 13 sa Biñan, Laguna.

EX-BOYFRIEND. Ano ang sitwasyon ngayon sa pagitan nila ng ex-boyfriend niyang si KC Montero?

Ayon kay Rhian, “We’re friends, but we don’t really contact each other that much, unless, like, there’s really something na may pag-uusapan kami.

“Business, ganun, stuff like that.”

May investment daw si Rhian sa isang negosyo at ganoon din si KC.

“It’s not really a joint business. I’ve invested... we both invested in the same company.

"But ako, I’m a silent investor, hindi ako nakikialam.

“But aside from that, wala naman,” pagtukoy pa rin niya sa halos kawalan nila ng komunikasyon ni KC.

Alam daw ni Rhian na may bagong karelasyon si KC. Okay lang sa kanya iyon?

“Oo naman, bakit hindi?”

How about her?

Sabi ni Rhian, “Ayoko pa rin kasi talaga, I really, really don’t like.”

PROPOSALS. Napadako naman ang usapan tungkol sa mga wedding proposal sa showbiz.

Ano ang pumapasok sa isip ni Rhian kapag nakakakita siya ng mga ganito?

“Wala, malayo pa ’yan for me.

“Siguro may time na naiisip ko din na parang, ‘Oh, I’m so in love. I want this na!’

“Pero no, now siguro yung age na gusto ko, when I’m mga thirty-four, thirty-five.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pa raw niya alam kung sino ang kanyang destiny.

“Baka kasi hindi ko pa siya nami-meet.”

Dati ay nagkaroon ng isyu sa pagitan nina Rhian at Marian Rivera.

Ngayong ikakasal na si Marian kay Dingdong Dantes, ano ang masasabi ni Rhian tungkol dito?

Saad niya, “A long time naman after that issue, nakapag-usap kami.

“Actually, about a year ago, nakapag-usap na kami about it

"We really addressed it and we talked about it.

“And everything was fine and... ayun!

“So, now that she’s getting married, I’m really, really happy for her.

"I think it’s a really big step for a guy, kasi a girl always looks forward to that stage in their life, e.

“Parang kahit ambitious ka na babae and you wanna work, somewhere in the back of your head, gusto mo pa rin yun.

"You want to settle down, you want a family, you want a husband, you want kids.

“So, ayun, if I got the chance to talk to her, I’ll just congratulate her on that.

“It’s a big decision.”



CO-ACTORS. Ngayong malapit nang matapos ang My Destiny, ano ang mami-miss ni Rhian kay Carla Abellana, na gumaganap na kapatid niya sa teleserye?

“Oh, I’m gonna miss her taste in music!

“Kasi, every time we’re in the tent, every morning, she’s always playing music na super nakaka-good vibes lang lagi.

“And ’pag magkatabi kami, we do our make-up together. Kumakanta lang kami.

"Parang she has the abilty to make the vibe positive.

“So, that’s what I’ll miss about her.”

Kay Tom Rodriguez?

“Tom naman is always very considerate, always checks on you, how you are... and we always talk about the show.

“At saka ano, wala, he’s giving of himself, he likes to ask a lot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He likes to give a lot of information, stuff like that.

"So, wala... masaya lang siyang ka-bonding.”

Ang direktor naman nilang si Joyce Bernal ay palagi raw nami-miss ni Rhian.

“I always miss Direk Joyce.

"Everytime I’m about to end a show with her, I start missing her already.

"Marami talaga akong natututunan sa kanya.

"She really puts in time and effort.

"Kunwari, sa mga eksena na puwede niya namang sabihin na, ‘Okay, good na ’yan,’ kasi nagmamadali or, you know, for whatever reason, ayaw niya yung okay lang.

"Gusto niya yung maganda yung eksena and if it takes time, so be it.

“Basta may matutunan ka, so parang she always leaves you a better artist.”

Pangatlong project nina Rhian at Direk Joyce ang My Destiny; nagkatrabaho na sila dati sa Stairway To Heaven at Genesis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN