Kylie Padilla says she has so much to offer aside from being a Padilla

Kylie Padilla has written songs and she has an album to show for it; she paints and her works are on display on the Internet. She can even paint your face, as she is also a makeup artist. In short, there’s so much about her she wants the world to know besides being just a Padilla.


Hangga’t maaari ay ayaw ng Kapuso actress na si Kylie Padilla na makulong sa imahen na nakatatak sa mga Padilla sa showbiz.

Higit sa lahat, mas gusto raw niyang makilala bilang si Kylie na maraming talento na puwedeng ihain sa publiko.

Bukod sa pagiging isang aktres ay marunong siyang magpinta at magsulat ng kanta.

Maituturing din siyang action star dahil sa galing niya sa martial arts, ’tulad ng Muay Thai at wushu.

Isa rin siyang enviromentalist at may iba’t iba siyang adbokasiya.

Pahayag ni Kylie, "Kasi nga, parang nakaka-box.

"Like, what people will expect of you is, yun nga, nag-a-action, angas, mayabang minsan...

"Parang naaano lang ako, nasu-soffocate ako dun.

"Although I love doing all those things, aaminin ko na minsan ay meron din akong topak na... nasu-soffocate nga ako dun."

Patuloy niya, "I mean, I am into everything.

"May nararamdaman din ako na whatever I do, hindi ako lalaki.

"So, I won’t be like astig, ganun!

"Gusto ko, mawala yun...

"Hindi ko alam, baka magbago pa ’yan, I’m only twenty-one."

Patawa pa niyang pahabol, "At saka, baliw umibig!"

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Kylie kahapon, October 14, sa pocket presscon para sa kanya sa A Taste of LA restaurant, sa Quezon City.



ROBIN’S FEAR. Ano naman ang reaksiyon ng kanyang amang si Robin Padilla tungkol sa mga pagbabagong gusto niyang mangyari sa kanyang career o maging sa personal niyang buhay?

Ani Kylie, "He’d always been supportive and protective.

"But, I think, natatakot si Papa na whenever a woman wants to make a name sa mundo natin, most likely gusto niyang maghubad o magpa-sexy para mapansin.

"And I know na yun ang pinaka kinakatakutan ni Papa.

"Alam ko na rin po na, there are times people ask for that—more skin, even sa commercials.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Di ko alam kung paano ko gagawin yun... na wala ring masyadong bawal at hindi magagalit si Papa o mga Musilm, ang hirap.

"Pero sa mundo natin, kung gusto mong sumikat, magpa-sexy ka.

"Kaya dun ako nalulungkot, e.

"Hindi ako close sa roles na mga ganun.

"Ayaw kong idaan sa paghubad dahil yun at yun ang makikita ng tao."



NEW IMAGE. Ano ngayon ang plano niya para makita ng publiko ang iba pa niyang talento?

Sabi ni Kylie, "Kaya nga nag-YouTube na rin ako.

"Ipinakita ko na ang paintings ko, then yung album ko na Seasons.

"I do charity works for children na hindi alam ng lahat.

"At isa akong makeup artist.

"Marami pa akong puwedeng gawin.

"Kaya nga gusto kong i-try din ang character roles na hindi puro paawa lang o aping-api.

"Ako naman ang manampal next time!" na sinabayan niya ng malakas na tawa.

"Yung matapang na babae, ’di ba?

"At saka, marami naman ang nagsasabing mukhang matapang ako.

"May nagsabi nga sa akin, ’Alam mo, nung una kitang makita, akala ko ang sungit-sungit mo.’

"Kaya gusto kong i-try ang kontrabida roles, pero in real life, ’di naman ako ganun, trying lang."

ACTIVIST. Sa puntong ito ay napag-usapan namin ang tungkol sa pagsali niya sa grupo ng mga nagpuprotesta sa labanang naganap sa Gaza Strip, sa Palestine, na nagresulta sa pagkamatay ng maraming sibilyan.

Kaugnay ito ng away na namamagitan sa bansang Eygpt at Israel.

Muslim si Kylie at may mga bumatikos at pumuri sa ginawa niya.

Ano nga ba ang nag-udyok sa kanya para sumali sa grupo ng protesters at nagbigay pa siya ng maikling pananalita sa harap ng mga ito?

Ayon sa 21-year-old actress, "Ang hindi ko lang kasi gusto dun, parang lumabas na nagsa-side ako.

"I just don’t believe that to stop war, you kill people, it doesn’t make sense.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Tapos may mga bata pang naging target. Ang mga bata, they don’t deserve this.

"Sila kasi ang pinakainosente sa mundo, yun.

"Kasi nga, it’s not about religion, it’s about humanity."

Ano ang naging impact nito sa kanyang buhay?

Sabi ni Kylie, "Actually, when I was found out, ang dami nang nagti-text sa akin, ang dami nang tumatawag.

"Akala ko, papatayin ako kasi big deal nga naman yun. Hindi ako nakalabas ng kotse.

"Yung ginawa ko naman, naniniwala naman ako sa cause.

"I don’t regret anything dahil yung ipinaglalaban ko naman is for a good cause.

"I’m fighting for the rights of the mothers and their children on both sides na naapektuhan ng mga nangyari."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN