Ombudsman upholds suspension of OMB Chairman Ronnie Ricketts

Ang mga ebidensiya at impormasyong nakalap mula sa imbestigasyon ang nagbigay ng sapat na dahilan kay Ombudsman Conchita Carpio para suspendihin si Chairman Ronnie Ricketts at ang ibang mga tauhan ng OMB na sangkot sa kasong paglabag sa Republic Act 9239 (Optical Media Act of 2003) at Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.


May petsang October 2, 2014 ang memorandum na may subject na “Ombudsman Joint Resolution Dated 31 May 2014,” na ipinadala at pirmado ni Malacañang Palace Executive Secretary Paquito Ochoa para kay Optical Media Bureau Chairman Ronaldo “Ronnie” Ricketts.

Nakasaad sa memorandum na “suspended for six months without pay” si Ricketts at ang ibang mga empleyado ng OMB na akusado sa administrative case (neglect of duty) na isinampa sa Office of the Ombudsman.

Ang raid sa Sky High Marketing Corporation sa Quiapo, Manila, noong May 27, 2010 ang ugat ng mga kaso laban kay Ricketts at sa kanyang mga kasama dahil sa 127 boxes at dalawang sako ng pirated DVDs at VCDs na nakumpiska nila.

Dinala sa opisina ng OMB ang confiscated items pero inilabas din ito kinagabihan mula sa nabanggit na lugar.

Ang pangalan ni Ricketts ang nadiin dahil sa statement ng mga saksi na, diumano, siya ang nag-utos na i-pull out ang confiscated items na isinakay sa elf truck ng Sky High Marketing Corp. na walang approved gate pass.

Sangkot sa kaso si Glen Perez, ang computer operator 11 ng OMB na pinagpaliwanag ni Evelyn F. Asoy, ang chief ng Administrative & Finance Division ng OMB at signatory ng memorandum dated June 3, 2010, na may subject na “Hauling Out of Seized DVDs and Van with Plate No.RGW474.”

Nakasaad sa dokumento: “On May 27, 2010, the hauling out of seized pirated optical discs together with the closed van with Plate No.RGW 474 was carried out by you together with 5 porters at around 10:00 pm.

“Said seized items were already in the office premise and will be officially turned over by Mr. Degamo to Mr. Duanan, in compliance with the turn over procedures.

“Said hauling out has no approved Gate Pass.

“Attached are the guard’s report and the copies of guard’s logbook Nos. 37, 224, and 227.

“You are hereby ordered to explain in writing within 24 hours upon receipt of this memorandum.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“For your immediate and strict compliance.”

Makalipas ang limang araw, sinagot ni Perez ang memorandum ni Asoy.

Nakalagay sa paliwanag niya na si OMB Chairman Ronnie Ricketts ang nag-utos sa kanya na isakay sa truck ang confiscated items:

“This has reference to your memorandum dated June 3, 2010 re: hauling out of seized DVDs & Van with Plate No. RGW 474.

“On May 27, 2010, I was instructed by the Chair to load the said items into the truck for the reason of safekeeping other information about the hauling is beyond my knowledge. Thank you.”

Hiningan din ni Asoy ng paliwanag ang guard on duty na si Pedro Gazzingan na nagsabi na sinunod lamang niya ang ipinag-utos kay Perez ni Ricketts.

Ang mga ebidensiya at impormasyong nakalap mula sa imbestigasyon ang nagbigay ng sapat na dahilan kay Ombudsman Conchita Carpio para suspendihin si Ricketts at ang ibang mga tauhan ng OMB na sangkot sa kasong paglabag sa Republic Act 9239 (Optical Media Act of 2003) at Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Nag-file si Ricketts ng motion for reconsideration sa Office of the Ombudsman, pero inilabas ng Malacañang Palace noong October 2 ang memorandum mula kay Executive Secretary Paquito na nagpapataw sa kanya at sa ibang mga akusado ng suspension without pay sa loob ng anim na buwan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN