Tom Rodriguez declares he’s a fan of Carla Abellana

Tom Rodriguez says he has no concept about being a star but if it means meeting complete strangers who treat you like family, "It’s the most amazing thing I can think of.”


Marami raw magagandang bagay na natutunan at nadiskubre si Tom Rodriguez tungkol sa kanyang leading lady sa My Destiny na si Carla Abellana bilang co-star at bilang isang aktres.

Marami raw siyang nakikitang bago kay Carla.

Lahad ni Tom sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “She always surprises me, e.

"Parang, I think, I’ve learned the most from her and Dennis [Trillo].

“Kasi sila talaga yung biggest challenge ko sa role, sila yung nakasama ko.

"I’ve learned so much, and now I continously learn from her lagi.

“Na it’s subtle, ang hirap ngang i-explain, e.

"It’s so subtle na hindi mo ma-quantify, pero ang essence na makita mo kung sino yung role na ginagampanan niya.

"She really gets into it and she really does it so well.

“I think, I don’t wanna be biased dahil she’s my good friend and she’s very special to me.

"But I really do think she’s a brilliant actress and I’m such a big fan of hers.

“Over anything, fan niya ako.

“Ang galing niya, and I’m even more excited to see what she’s gonna do in the future.

"Kasi, she’s really dedicated to her craft, that’s one thing I can say."

Patuloy ng Kapuso hunk, “And napaka-technical, hindi lang siya actress, e.

"Na feeling ko, puwede siyang maging direktor.

“Kasi she’s very conscious of everything that goes on.

“Even the things na hindi kayang ma-process ng utak ko.

"Lalo na ’pag andun ako, nao-overwhelm ako sa acting pa lang.

“Pero siya, alam niya kung nasaan yung ilaw, kung tama yung ilaw.

"Alam niya kung nasaan yung kamera. Naririnig ko siya, ‘Yang kamera, ililipat ’yan.’

“’Tapos sakto, ililipat!

“Sasabihin niya, ‘Yung light, ganito.’

"’Tapos maririnig ko si Direk Joyce [Bernal, direktor ng My Destiny], ’Yung lights ganito, ganyan.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang nakikita na niya bago ko pa marinig or makitang ginagawa.

“Sobrang impressed ako, her presence of mind is unbelievable.”

Binibiro nga raw niya si Carla na kung magiging direktor ito ay kunin si Tom kahit gaffer lang.

HIS DESTINY. Ngayon ba ay masasabi ni Tom na natagpuan na niya ang kanyang "destiny"?

Tugon niya, “Siguro it’s too early to say that or anything.

"Pero if I can say destiny is being here doing this work, I never would have seen that for myself before.”

Kaya sa ngayon, ang “my destiny” niya ay ang kanyang showbiz career?

“I’m starting to believe that it might be.

"Kasi, I’m enjoying it so much.

"And I’m liking all these new things that I’m learning.

“Not just even about the work, but even about myself.

“And sana I can continue to do this learning.”

UNEXPECTED. Hindi raw in-expect ni Tom na magiging isang sikat na artista siya.

Saad niya, “No! I didn’t even expect to be working in this field.

“All of these is unexpected.

“Five years ago, kung sinabi mong ganito yung magiging trabaho ko, hindi talaga ako maniniwala.

“Siguro kung a year ago or two years ago, before MHL [My Husband’s Lover], kung sinabi niyong this would be my life now, na I’d have work every day, I wouldn’t have believed it either.

“I was content with what was happening, akala ko hanggang dun lang yung puwedeng mangyari.”

Hindi niya akalain na magiging big star siya?

“Not even a star, but I don’t even know what that means.

"Parang alam ko, konsepto lang siya, parang label lang siya na ibibigay.

"Hindi ko alam kung gaano katotoo, kung ano yung mga basehan.

“Parang hindi mo maka-quantify yun, parang hindi mo makukuha, e.

“Kaya ako, I base it on ano, more than the star-status, hindi ko in-expect na ganun ako mamahalin ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro yung pagmamahal, instead of saying star, I think pagmamahal yung mas dapat basehan.

“Kasi mas naka-quantify mo yung pagmamahal, e, kasi nararamdaman mo.

"Iyon, mas nararamdaman mo kesa yung sabihin nila star ka.

"Ako, hindi ko nararamdaman, e.

“Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nun.

“Pero yung pagmamahal, iyon, nararamdaman ko na sometimes it’s so overwhelming.

"You meet complete strangers and they treat you like family.

“And it’s the most amazing thing I can think of.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN