Director Louie Ignacio explains exit from Marian Rivera’s dance show

Nilinaw ng direktor na si Louie Ignacio ang balitang nag-away raw sila ni Marian Rivera kaya pinalitan siya ni Mark Reyes bilang direktor ng dance program na Marian.


Itinanggi ng direktor na si Louie Ignacio ang usap-usapang nagkaroon sila ng away ni Marian Rivera kaya nawala siya sa weekly dance program ng GMA Network na Marian.

Sabi niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Akala nga nila nag-away kami ni Marian kaya nawala ako sa Marian.”

Pero ano nga ba talaga ang nangyari at pinalitan siya ni Mark Reyes sa show?

Ayon kay Direk Louie, “Kasi noong una, sinikreto nila na may second season, e.

"Ganun naman talaga sa TV, ‘di ba? ’O, huwag kayong maingay na may second season.’

“E, yung buhay ko, nakaplano na. After ng first season, Miss World.”

Napakarami raw ginawa ni Direk Louie sa Miss World Philippines 2014—mula sa pre-pageant hanggang sa mismong coronation na ginanap noong Linggo ng gabi, October 12.

Miss World Philippines 2014 talaga ang rason kaya nawala siya sa Marian?

“Yes, Miss World,” pagkumpirma ng direktor.

“At saka, alam din naman ni Marian yun.

“Sabi ko sa kanya, ‘Yan, naka-schedule talaga ‘yan. Hindi ko alam na may second season tayo.’

“Ang commitment natin… even si Marian, ang alam niya, first season, tapos.

“Kasi nga, ikakasal siya, may soap opera siya.”

Dagdag ni Direk Louie, “Close naman kami.

“Kagabi nga [sa Miss World Philippines], ang dami niyang close-up, nagti-text-an kami.

“’Yan, ‘wag kang text nang text diyan, naka-close-up ka.’

“Kaya tawa kami nang tawa.

“Hindi kami magkaaway. Valid naman ang reason ko rin.”

Hindi siya nanghinayang sa Marian?

Tugon niya, “Nakakapanghinayang, kaya lang, naka-commit na ako.

“Ngayong tapos na ang Miss World, ito namang Child House ang gagawin ko.”

Nakausap ng PEP si Direk Louie sa story conference ng pelikulang ididirek niya, ang Child House, sa New Horizon Hotel, noong Lunes, October 13.



JULIE ANNE’S CONCERT. Kahit daw sa mismong kasal nina Marian at Dingdong Dantes, sa December 30, ay wala si Direk Louie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit na rin daw niya kay Marian na hindi siya makakarating.

Pinangunahan na nga ni Direk Louie na baka maging isyu na naman ang hindi niya pagdalo.

Sabi niya, “Nasa Dubai ako. Yung Hologram concert namin ni Julie Anne San Jose, nasa Dubai.

“Kami ang magka-countdown ng Pinoy... December 30, alam niya ‘yan.”

Tuloy na rin daw ang concert ni Julie Anne sa Araneta Coliseum sa December 13, sa Mall of Asia Arena.

Pagmamalaki pa ni Direk Louie, “First-day ticket sales ng concert niya, P1.7 million.

“Record-breaker yung sales niya sa lahat ng local artists.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN