Jerika Ejercito still hoping to get dad Erap Estrada’s approval of her relationship with Bernard Palanca

Jerika Ejercito on getting Mayor Erap Estrada’s approval of her relationship with Bernard Palanca: "Like I’ve said, hindi namin mapipilit yun. But, in God’s time, alam ko naman na mangyayari. You know, we are of age, and we are trying to make things right eventually. Basta kami, hindi namin pinangungunahan."


Magkasamang dumalo sa isang fashion event noong Lunes, October 13, ang magkasintahang sina Jerika Ejercito at Bernard Palanca.

May isa nang anak sina Jerika at Bernard, ngunit sa kabila nito ay naging bukas ang ama ni Jerika na si Manila Mayor Joseph "Erap" Estrada sa pagsasabing hindi siya boto kay Bernard para sa anak.

Si Jerika ay ang panganay sa tatlong anak ni Erap sa dating aktres na si Laarni Enriquez, na kasama ring dumalo sa fashion show noong Lunes.

Kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News ang pagkakataon upang tanungin si Jerika kung ano ang reaksiyon niya sa pahayag na ito ng kanyang ama.

Sabi niya, “Normal reaction… normal lang naman for every father.

“Like I’ve said, I wish things were different. Sana nagpakasal muna.

“Sa akin lang, ganun din ang gusto ko, but it didn’t happen and we’re here now.

“Normal lang naman na medyo mahirap kay Dad.

“Nagtampo siguro… hindi naman galit, pero nagtampo.

“I’m a daddy’s girl so naiintindihan ko yung nararamdaman niya.”

Inamin din ni Jerika na hindi pa nagkakaharap si Erap at si Bernard.

"Hindi pa sila nagkita... probably sa photo nakita na niya si Bernard."

Umaasa naman si Jerika na dumating ang panahong matanggap ng kanyang ama ang lalaking minamahal niya.

“May this Christmas, today, yesterday… yes, that’s my wish.

“But, like I’ve said, hindi namin mapipilit yun.

“But, in God’s time, alam ko naman na mangyayari.

“You know, we are of age, and we are trying to make things right eventually.

“Basta kami, hindi namin pinangungunahan.”

Ayon naman kay Bernard, pakakasalan niya si Jerika ngunit sisiguraduhin daw muna niyang makuha ang basbas at pagsang-ayon ni Erap.

DADDY BERNARD. Kung hindi pa tanggap ni Mayor Erap si Bernard, pero bilang lolo sa anak nila ng aktor ay wala namang masasabi si Jerika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He’s a loving lolo to all his grandchildren… sweet.”

Inalam din namin kay Jerika kung anong klaseng ama si Bernard.

“Ay, naku, very hands-on, walang problema.

“If he has to wake up in the middle of the night, change diapers, ihian siya or whatever…”

Si Bernard ay may isa pang anak mula sa pagsasama nila noon ng dating asawa na si Meryll Soriano.

Kumusta ang pakikitungo ni Jerika sa anak ni Bernard?

Sabi niya, "Isaiah is still a baby, but Eli is always a part of our relationship. I love Eli, he’s a wonderful boy."

JAKE-ANDI. Ano naman ang reaksiyon ni Jerika sa balitang nagkabalikan na raw ang kapatid niyang si Jake Ejercito at ang aktres na si Andi Eigenmann?

Aniya, “When it comes to family, I don’t really hold back.

“I’m very overprotective, especially with the two boys [Jake and Jacob].

“You know, I’ve always been supportive, I love my brother.

“So, kung sinuman ang mahal niya, okay lang din, I don’t really meddle.”

Boto ba siya kay Andi para kay Jake?

Sagot ni Jerika, “Boto? Of course, why not? She’s a great girl.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN