Allen Dizon shocked by his Best Actor win at Harlem International Filmfest

With an international acting award added to his collection of trophies, Allen Dizon may consider going mainstream but he vows he will go on doing indie films.


Itinuturing ni Allen Dizon na isa sa pinakamalaking blessings sa kanyang showbiz career ang napanalunang Best Actor Award sa nakaraang 9th Harlem International Film Festival na ginanap sa New York City.

Ang parangal ay para sa kanyang pagganap sa pelikulang Magkakabaung (The Coffin Maker) ni Direk Jason Paul Laxamana.

“Hindi ko ini-expect iyon kaya talagang na-shock ako.

"Pero masarap ang feeling. Kumbaga ay isa iyon sa puwede kong ipagmalaki sa buong mundo.

"Na when it comes to acting, ayun, international na!

“Kumbaga, dito sa atin ay nakakakuha rin tayo ng awards, pero iyong sa labas na ng bansa natin, sa Harlem, sa New York, para sa akin ay ibang level na iyon, e.”

Inamin pa ni Allen na nag-alangan pa siyang pumunta sa naturang awards night.

“Parang napag-usapan lang namin nina Direk Joel [Lamangan] kung pupunta ba kami.

"Dahil, parang hindi kami mananalo doon… galing pa kami ng Pilipinas ’tapos wala namang ano... walang mangyayari.

“Pero naisip ko na ang purpose kaya kami pupunta doon, para um-attend sa festival na yun.

“Plus sabi ni Direk, ‘Win or lose ay a-attend tayo.’ So, pumunta kami.”

Dagdag pa ni Allen, “Kinakabahan talaga ako bago i-announce yung Best Actor.

"E, yung nag-announce, hindi niya ma-pronounce yung Magkakabaung… hirap siyang sabihin.

"’Tapos sinabi niyang… ‘Allen Dizon!’ Kaya na-shock talaga ako.

“Pero iba ang feeling talaga, parang noong first time akong nanalong Best Supporting Actor o Best Actor dito sa atin.

"Pero mas doble iyong naramdaman kong kaligayahan noong time na iyon sa New York."

Nakausap si Allen ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ginanap na story conference ng pelikulang Daluyong (Storm Surge) ng BG Productions, sa New Horizon Hotel, noong October 13.

DELAYED REACTION. Kuwento pa niya, “Actually, ang unang purpose ko doon ay para sa Tennis US Open, para manood.

"Pero dahil nga sumabay iyong Harlem International Film Festival, so pumunta na ako para sa filmfest at sa US Open.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naisip ko kasi na since pupunta kami sa Harlem, bakit hindi ako pumunta ng earlier?

“Kaya pagdating namin ng airport, diretso na ako sa game ni [Roger] Federer, may ticket na akong pinabili sa friend ko at ready na.

"Kaya enjoy na enjoy naman ako sa trip na iyon,” wika pa ni Allen na aminadong isang tennis enthusiast at idol si Roger Federer.

Sinabi pa ni Allen na nang natapos ang awards night at nag-sink in na sa kanya ang nakamit na karangalan, doon daw siya napaiyak.

“Umiyak ako sa saya noong tapos na ang festival.

"Noong tinanggap ko ang award ay hindi ako napaiyak kasi may halong shock ang naramdaman ko.

“After ng ceremony, doon ko kasi na-realize kung gaano ako ka-bless.

"Kaya talagang hanggang umaga ay nag-celebrate ako, hanggang umaga akong uminom!” nakangiting wika pa ng aktor.

Inamin din ni Allen na noong nagsisimula pa lang siyang mag-artista, kahit daw sa panaginip ay hindi niya pinangarap na mananalo siya ng acting award, lalo na sa ibang bansa.

“Hindi, hindi ko inisip iyon, hindi iyon sumagi sa isip ko.

"Kasi, para sa akin, noong baguhan pa lang ako, parang imposible kong pangarapin iyon dati na mananalo ako ng acting award.

“Kaya nasabi ko kanina na ibang level na talaga iyon, talagang grabe, e.”

NOT PICKY. Dahil marami na siyang acting awards na napanalunan, mas magiging mapili na ba siya ngayon sa mga tatanggaping role?

“Hindi naman ako mapili talaga, e. Kumbaga, may mga time lang na kailangan mong piliin dahil hindi bagay iyong role.

“Like yung Children Show, tinanggap ko ito kahit support lang ako sa movie.

"Pero tinanggap ko dahil maganda iyong project talaga.

“So, hindi naman talaga mapili, nagkakataon lang na maganda iyong mga dumarating na projects.”

How about yung pagpapa-sexy sa movie, lalo na sa mga indie films? Iiwas na ba siya rito ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Allen, “Wala namang problema sa akin iyon as long as gusto pa ng mga tao, hindi ba?

“Nasa direktor kasi iyan, sa writers, sa producer, sa tema ng istorya kung kailangan natin talagang gawin iyon.

“Pero hanggang doon na lang siguro, kasi hindi naman pinapalabas talaga iyong mga ganoon na sobrang sexy.

"Ano lang, iyong daring lang siguro.

“Siguro okay lang kung ipalalabas nila at hindi iyong puputulin o ika-cut lang.

"Kasi sayang naman, ipinakita mo na, ’tapos ay mababalewala lang pala dahil pinutol iyong eksena.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN