Pokwang on kissing scene with American actor in new movie: “Ay, naku, dyuskupo! Lord! Lord!”

Asked if she and her American co-actor ever dated while filming their movie, Pokwang relates, "Wala akong pahinga dito. Sa twenty-five shooting days namin every day, every day nagtatrabaho ako."


Ngayong araw, October 16, ang alis ni Pokwang para sa series of shows ng Four The Laughs sa Hawaii, San Diego, Las Vegas, New Jersey, at Chicago.

Ang nasabing gag-concert show ay magtatampok din kina nina K Brosas, Pooh, at Chokoleit.

Ayon pa sa komedyana, bago lahat ang gagawin niya sa show nila sa iba’t ibang lugar sa U.S.

Ipinagmalaki ito ni Pokwang sa ilang miyembro ng press, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa isang get-together sa bahay niya sa Antipolo noong Sabado, October 11.

“Siyempre, kailangang bago lahat, halimbawang hindi pa namin nagawa sa Canada, puwede pa naming gawin.

“Kung nagawa na namin sa isang lugar, puwede naman naming gawin.

"Ang hirap naman kasi nang pabagu-bago. Kung hindi naman napapanood, puwedeng gawin uli.

“Ang mga bago naming ii-spoof, yung mga senador. Yung mga controversial personalities na pinag-usapan recently, like si Napoles.

“Meron din kami nung mga pumutok na teleserye sa primetime gaya ng Legal Wife.

"Ako si Maja [Salvador] ’tapos si K Brosas si Angel [Locsin].”

Kapag pakete ba ang show, gaya ng 4 Da Laughs, pare-pareho silang apat ng talent fee?

Ayon kay Pokwang, “Pagdating diyan, hindi ko na alam bilang iba-iba ang manager namin.”

EDSA WOOLWORTH. Maliban sa U.S. tour nila, natapos na rin ni Pokwang ang second movie niya para sa The Filipino Channel (TFC), ang Edsa Woolworth.

Kuwento niya sa takbo ng istorya ng pelikula, “Pangalan ko yung Edsa.

"Actually, tatlo kaming magkakapatid na ang mga pangalan namin ay lugar.

"Si Ricci Chan na kapatid kong bading, siya yung si Bonifacio.

"Yung bunso namin na nasa Amerika, pero Filipino naman, siya ay si Paco.

“Sa November 14 na ang target showing niya sa North America, U.S., at Canada.

"TFC ang nag-produce at yung director ko sa A Mother’s Story na si Direk John-D Lazatin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang stepfather at adoptive American father ni Pokwang sa movie ay isa ring American actor.

Sa kuwento, nakapag-asawa raw ang kanyang ina ng isang Amerikano at dinala silang lahat sa Amerika. Ibinigay sa kanila ang apelyido nitong Woolworth.

Kahit hindi raw sila tunay na anak, itinuring silang parang totoong supling nong asawa ng kanilang ina.

Yun nga lang, nagkaroon ng Alzheimer’s ang kanilang stepdad.

KISSING SCENE. Ang leading man ni Pokwang at love interest sa nasabing TFC-produced movie ay isang 38 year-old American actor na nangangalang Lee O’Brien.

Binabanggit pa lang ang ilang detalye ng mga eksena nila ng American actor, napapatili na si Pokwang.

Mayroon ba silang love scene sa movie?

“Ay, naku, Lord! Lord!” bulalas ni Pokwang.

May kissing kissing ba sila?

“Ay, dyuskupo, Lord!” tila kinikilig na reaksiyon ni Pokwang.

French kiss ba ito?

“Ay, susmaryosep, Lord! Dyuskupo.

“Sa sobrang init, puwede ka nang magluto ng French fries!” sambit pa nito sabay pakita sa publicity photo nila ni Lee na nasa cell phone niya.

“Actually, sa personal, iba siya. Mas guwapo siya sa personal.”

Kumusta naman ang love scene?

“Ay, naku, kung alam niyo lang, ano lang, kissing-kissing.

"Huwag kayong mag-alala, walang pumping!" malakas na tawa niya.

Totohanan naman daw ang kissing nila.

Kumusta naman si Lee sa mga eksena nila?

“Uhm, gentle.”

Masarap bang humalik ang isang foreign leading man?

“Malinamnam, Silver Swan! Ang luma ng commercial!” tawa na naman niya.

STILL IN CONTACT. Wala raw asawa o kasintahan si Lee, ayon pa rin kay Pokwang.

Nagpaparamdam ba ito ng interes sa kanya?

Nakangiting sabi ng komedyana, “Basta, may contact pa rin kami. Sobrang mabait siya."

May pagpaparamdam ba ito sa kanya?

“Meron, pero huwag assuming baka naman kasi…

"Hanggang ngayon, meron kaming contact.

"Tumatawag, nagti-text."

Ayon kay Pokwang, ang trabaho ni Lee ay pagta-talent sa acting projects sa U.S.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano niya idi-describe si Lee?

Kuwento niya, “Yung first shooting day ko with him was my second day of shooting sa San Francisco.

"Nung una ko siyang makita, actually, nagka-kape ako nun, nagbabasa ako ng script.

"Kasi dumudugo yung ilong ko, English, e, gusto ko nang tumawag sa Red Cross, padalhan ako ng dugo.

“So, ’eto na, nagbabasa ako ng script, may dumaan sa harap ko na ganyan.

"Napalingon lang ako ng ganyan, hindi ko alam na siya na pala yun.

"Pero may second look akong ganyan, ’Ay, sino ito?’

“Mamaya konti, tinawag ako ni John D, ’Pokey, ’lika.’

"’Yes, Direk?’

"’This is Lee O’Brien, si Chad, your boyfriend."

"’Ay, hala!’ Alam mo yung reaksiyon ko na, ’Ay, hala... hello?’

"Kanya-kanyang emote na yun, ’tapos halikan agad unang scene pa lang sa restaurant.

"Aarte pa ba ako?

“Pero that day, parang winu-workshop muna kami saglit ni Direk John D.

"Magkahawak kami ng kamay, tell something about yourself, magkaharap kaming ganon.

“Nakakatawa kasi ’pag pumitik na ganito si Direk, siya [Lee] ang magsasalita.

"’Pag pumitik naman siyang ganito, ako naman.

"Siyempre Inglisan kami nang Inglisan. ’Okey, that’s all, babu.’

"Naubusan ako ng Ingles sa kanya, marunong siyang mag-Tagalog ng kaunti.

"’Pag may narinig siyang ganito, tinatanong niya ako kung ano yun.

“Ang hirap ng buhay ko dito kaysa sa A Mother’s Story.

"Doon kasi, iyak lang ako nang iyak.

"Sa bago kong movie, Ingles ako ng Ingles."

Kumpara sa A Mother’s Story, na unang pelikula niya sa TFC, mas light daw ang dramatic scenes sa Edsa Woolworth.

Aniya, “Parang kuma-KathNiel kami rito,” na ang gusto niyang sabihin ay cute-romance na pelikula nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

“Pero pagdating sa family, medyo drama nang kaunti.”

WORKHORSE. Hindi ba nagyaya ng date o dinner sa kanya si Lee?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dyusko, kung alam niyo lang, wala akong pahinga dito.

"Sa twenty-five shooting days namin every day, every day nagtatrabaho ako.

"Isang araw lang ako nag-day off.

“Meron silang working hours, mahigpit sila sa unyon [actor’s union].

"’Pag malayo ang location, 7 a.m. pumu-pullout na kami, ’tapos made-up ka na nun."

Kung magkakaroon daw ng premiere showing ng movie niya sa November 9, mula sa show niya sa New York ay didiretso na raw siya rito.

Suggestion ni Pokwang na dalhin sa Pilipinas ang leading man niya para makilala ito ng madlang Pinoy.

Ang Edsa Woolworth ay bahagi ng 20th anniversary celebration offering ng TFC.

Posible raw na ilabas ang pelikula sa January 2015.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN