Wenn Deramas has no problem working again with ex-boyfriend DJ Durano; confirms Luis Manzano is an exhibitionist

Wenn Deramas is so adept at directing comedies that he makes people laugh even in his horror flick Maria Leonora Teresa: "Wala akong ginawang isa mang pagpapatawa pero nagugulat ako nagtatawanan yung mga tao... nasa buto ko ’ata."


Natawa lang ang direktor na si Wenn Deramas sa pang-uusisa sa kanya tungkol sa pagsasama nilang muli ng ex-boyfriend niyang si DJ Durano sa sequel ng Moron 5 and The Crying Lady, ang Moron 5.2: The Transformation.

Pinagbibidahan ito nina Luis Manzano, Billy Crawford, Marvin Agustin, Matteo Guidecilli, John “Sweet” Lapus, at DJ.

Nilingon pa ni Direk Wenn si DJ, na nasa likod lang nito, bago siya sumagot.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang direktor sa presscon ng Moron 5.2 noong nakaraang linggo.

Sabi pa ni Direk kay DJ habang nangingiti, “Oy, nailang daw ba ako? Tanungin nyo siya.”

Nagkaroon ng relasyon sina Direk Wenn at DJ na umabot ng ilang taon. Nagkaroon sila ng tampuhan nang maghiwalay sila dahil gusto ni DJ na magkaroon na ng sariling pamilya.

Nitong taon lang nang sila nakapag-usap at naging magkaibigan muli.

Kaya naman hindi katakatakang matanong ang direktor kung ano ang naramdaman niya sa muli nilang pagsasama ni DJ sa pelikula.

Nakangiting tugon niya, “Wala, kasi magkaibigan kami, e.”

Hindi ba niya inisip na palitan na lang si DJ sa movie?

“Hindi. Kung siguro hindi kami okey, hindi kami magkaibigan, ganun talaga.

"Malamang hindi ko na lang gawin ang pelikula.

"Kasi gagawa ka lang ng intriga kapag gagawin mo, ’tapos wala naman siya.

“’Tapos ang sasabihin kaya hindi mo tinanggap kasi hindi ka makapag-move on.

"O kaya, kung inilagay mo siya diyan kasi in love ka pa, mga ganyang kiyeme.

“At least, naging very clear naman …walang issue.”

Kailan niya natanggap na wala na sila?

“During usapan, since Adam and Eve, walang problema.

"Wala kaming ganung drama, the moment na nagdesisyon kami, yun na yun.

“Walang kiyemehan, walang crying scene, ganun.”

Paano niya idi-describe yung relationship nila ni DJ ngayon?

“Magkaibigan. Pagka meron kang chance na tulungan, tutulungan mo…

“’Pag may chance na lang, dati obligado ka e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pag may chance at hindi ako busy!" tawa niya.

Dagdag ni Direk Wenn, “Wala... walang pressure.”

Masasabi bang wala na talagang pagmamahal sa puso niya para kay DJ?


“Sino ba yung nagtanong sa akin... as in since birth?


“Siguro may care ka doon sa tao, kasi kaibigan, dahil may pinagsamahan naman kayong talaga.

“Pero natanggap ko yung death nang nanay ko, yun ang biggest kong depression.

“Ayan, tingnan niyo siya, okey naman siya.”

May boyfriend ngayon si Direk Wenn pero ayaw muna niyang ibigay ang detalye dahil gusto niyang maging pribado ito.

Hangad din daw ng direktor na makapagbakasyon matapos ang kanyang shooting schedules at posibleng isama niya sa bakasyon ang kanyang boyfriend.



LUIS MANZANO’S PRANK. Samantala, aminado naman si Direk Wenn na makakatulong sa promo ng pelikula nila ang pang-iintriga ng entertainment media sa “crotches” ng lead actors ng pelikula niya.

May eksena kasi sa trailer na naka-Spandex costume ang limang aktor na tila mga superhero.

Komo nga masikip at very revealing ang Spandex suits, inalam ng media kung sino sa mga nabanggit ang sa palagay niya ang well-endowed.

Sabi ni Direk Wenn, “Si DJ kasi hindi naman niya itinatago, hindi niya iniipit.

"Si Billy kasi, black yung suot niya, kaya hindi halata.

"Si Matteo naman, nag-iipit ’ata saka si Luis."

Kinontra ni Direk Wenn ang biro ng press na baka "small" lang ang kina Luis at Matteo kaya hindi ito masyadong bakat sa kanilang costume.

Sabi niya, “Hindi, si Luis? Sus! Nakita ko na live in person yung pututoy [organ] niya.

“Kagaguhan niya sa Petrang Kabayo, may eksenang naliligo sila ni DJ, ni Tom Rodriguez, at siya [Luis].

"So, yung eksena, naliligo sila sa kuwadra ng ganyan.

“So, OA [overacting] eksaherado, ganyan.”

Iminuwestra ni Direk Wenn sa amin na nagkukuskos raw nang husto si Luis sa kanyang harapan na tila nagbibiro at nanunukso sa kanilang mga baklang nasa shooting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Pag ganun niya [paghugot raw ng kamay nito sa loob ng brief] lumabas yung pututoy niya.

"Nakita ng lahat, wala namang kamera.”

Kumbinsido si Direk Wenn na totoo ang bali-balitang exhibitionist si Luis.

“Exhibitionist ’yang si Manzano, ang hilig-hilig niya.

"Ilalagay ko nga…" bigla nitong pananakot na ilagay sa pelikula ang isa pang eksena.

“Dito, nagpakita siya ng puwet.

"Si Billy yung kinukuha namin, dumaan siya, ’tapos ibinababa niya yung brief niya. Lumabas yung puwet niya.

“Tawanan lang kami nang tawanan. Sanay na kami sa kalokohan niya.

“Ganyan-ganyan lang sila.”

Hindi raw matukoy ni Direk Wenn kung sino sa lima niyang lead actors, maliban kay DJ na nakarelasyon niya, ang sa palagay niya ay well-endowed.

Natatawang sabi ng direktor, “I think, it’s a toss between Manzano and Billy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN