Alwyn Uytingco, Jennica Garcia admit their ’secret wedding’

Masayang inanunsiyo nina Alwyn Uytingco at Jennica Garcia na ikinasal na sila noong February 12, 2014. Wala naman daw silang balak itago ito sa publiko, pero naghahanap lang sila ng tamang panahon upang sabihing mag-asawa na sila.


“Last February 12, we got married secretly.”

Ito ang pagtatapat ni Alwyn Uytincgo, 26, tungkol sa kanilang pagpapakasal ni Jennica Garcia, 24, noong February, 12, 2014.

Ginanap ang kanilang kasal sa Victory Church, sa Greenhills, San Juan City.

Pahayag pa ng Kapatid actor, “So, sorry kung may mga nagtatanong, hindi namin alam kung ano ang sasabihin namin.

"Kasi lagi kaming tinatanong, kailan kami magpapakasal, ’tapos hindi ko lang masabi na, ‘A, actually kasal na kami at naghahanap lang kami ng right time to tell everyone.’

“And ayun, nangyari sa… with the help of our Christian family, sa Victory Greenhills, San Juan.

"Nagkaroon kami ng napaka-intimate, napaka-small na gathering. Maliit na ceremony.

“Family lang and a few friends... actually marami pa po kaming mga kaibigan na hindi nakakaalam sa nangyari."

Dagdag pa ni Alwyn, “Gusto kong magpasalamat sa TV5.

"Thank you po, despite the fact na napakabiglaan nitong announcement namin, for supporting us and understanding.

“Thank you for this opportunity talaga, kasi para sa akin, sobrang memorable nito dahil sa guesting namin sa Wattpad.

“At siyempre kay Lord, kasi kung hindi dahil kay Lord, hindi namin magagawa ‘to.

"I think it is our obligation din na i-share yung good news sa lahat ng taong without them, hindi kami mai-inspire to do this.

“We love each other more at nag-level up sa ganitong level ang relationship namin.”

Nangyari ang announcement ni Alwyn sa presscon ng TV5’s Wattpad Presents, kung saan magkasama sila ng misis niyang si Jennica sa episode na Dyepni.

Ginanap ang presscon sa Max’s restaurant, Glorietta 3, Makati City, kagabi, October 15.

Matapos ang announcement ni Alwyn, kaagad siyang nag-post sa kanyang Instagram account ng wedding picture nila ni Jennica.

Loading

Finally, a photo worth posting 1,000,000 times. Meet my wife @dearcatlady. I love you forever Mrs. Uytingco! #feb122014 #meet #my #wife

View on Instagram



“I’M PROUD OF MY HUSBAND.” Pagkatapos magsalita ni Alwyn, si Jennica naman ang nagbahagi ng kanyang kuwento tungkol sa kanilang pagpapakasal.

Saad ng anak ni Jean Garcia, “Siguro it took us this long to admit because it’s hard kasi to speak about marriage nang magkahiwalay kasi kaming dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We all know naman na were both from different networks.

"So, ’pag ganun ang tanong, kapag mag-isa kasi ako, ang hirap kasing bitawan na, ‘Opo,’ ’tapos wala naman siya."

Si Jennica ay dating contract star ng GMA Network, habang si Alwyn naman ay nasa bakuran ng TV5.

Patuloy ni Jennica, “Gusto talaga namin sooner, although hindi talaga kami mabigyan ng chance.

"And, at the same time, I don’t see it appropriate naman para magpa-presscon pa just to announce, kasi hindi naman talaga kami big, big stars na individual.

“Hindi ko naman alam na may something ba or gusto ba nilang malaman yung mga ganun, and I’m so thankful.

"Thank you so much TV5 for this opportunity.

"Kagabi lang po namin sila na-inform about this and it wasn’t planned na, ‘A, bigyan natin sila ng gagawin natin ‘tong Dyepni para makapag-admit na sila.’

"So, hindi.”

Dagdag pa ng aktres, “So, thankful talaga ako kay Lord kasi gumawa talaga Siya ng paraan din.

“And ako talaga, I really want to share, kasi it’s a good news and there’s nothing to be ashamed of.

"And I’m proud kasi of my husband talaga kasi… kasi, ‘di ba, for his age, he’s only 26 years old.

"So, para nag-lay down siya ng ganung intensiyon sa akin, not because he is confident of his financial ability, not because of he thinks that he’s mature enough.

"But because, my husband, his faith talaga comes from the Lord and he can be a man of a household of his age.

“Thank you talaga, Lord, ikaw na talaga ‘yan.”

Alwyn and Jennica show their wedding rings to the media.

(Photo by Noel Orsal)



FAITH IN THE LORD. Pagkatapos ng presscon proper, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sina Jennica at Alwyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano nila naitago ang kanilang pagpapakasal?

Saad ni Jennica, “We did it privately talaga.

"We only told family members ’tsaka friends na sobrang close lang din talaga namin.

"Kasi, sobrang confident kami na hindi rin talaga lalabas, kaya wala rin kaming inimbita na alam namin...

"Alam mo yun, lahat ng inimbita namin, yung people who will rejoice with us.

“Yung wedding namin, it was held on our fourth year anniversary.”

Pagpapatuloy pa niya, “Dapat talaga, ikakasal kami nung 23 ako, 24 po ako ngayon.

"But mom [Jean] wanted two years pa.

"So, para lang fair, meet na lang halfway—one year.

"So, nung 24 years old, dun na lang."

Nagpaplano na ba silang magka-baby?

Tugon ulit ni Jennica, “Bago kami mag-asawa, we’ve been very patient with each other.

“Ngayon pa lang kami nakapag-level up with each other.

"We wanted... ako sana, as individual, gusto ko sana ma-enjoy ko muna namin yung kami together, mag-travel muna kami together, ’tsaka na muna yung baby.

"Gusto ko muna na i-baby muna niya ako bago kami mag-alaga ng baby."

Bakit biglaan ang pagpapakasal nila?

Lahad ni Alwyn, “We can say, right now, it’s about our faith in the Lord.

"And si Lord yung kumausap sa amin na, ‘Gusto niyo ba ng blessing Ko, ito yung gawin niyo.’

“So, yun yung naramdaman namin whether... it’s not about the age actually, it’s about our relationship together and yung faith namin kay Lord.”

Saad naman ni Jennica, “Ako, siguro din, I want to take this time lang din to honor my husband. Kasi, I’m so proud of him.”

Alwyn and Jennica kiss each other after their announcement. (Photo by Noel Orsal)


BLESSINGS FROM JENNICA’S PARENTS. Paano ipinaalam ni Alwyn sa mga magulang ni Jennica na sina Jean Garcia at Jigo Garcia na gusto na niyang pakasalan ang kasintahan pa lang niya noon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Alwyn, “Nauna naming nasabi kay Papa niya, kay Papa Jigo.

"We went to Tagaytay, and nagkaroon kami ng small gathering... actually parang anniversary nila nung wife ni Papa Jigo.

“’Tapos sinilebreyt namin yun and, at the same time, yun na yung opportunity na naisip namin to tell them.

“’Tapos si Madam [dati niyang tawag kay Jean], sinabi rin namin actually Tagaytay din, and it was last Christmas.

"Actually, nag-propose ako sa kanya [Jennica] last April [2013].”

Dagdag naman ni Jen, “Si Mommy kasi, very emotional.

"And since I’m the only girl, kaya hindi ko rin kaagad masabi the good news.

"I wanted to give her time to digest that I am already married.

“She was there in the wedding.

"Mama naman talaga is very supportive.

"Yung boyfriend nga niya, nagbigay pa ng hotel [accommodation] para doon kami mag-stay, ganyan, with her.

"Kasama ko pa siya dun, siya pa nag-ayos ng hair ko, ganun.

"So, okay naman.

"So, para sa akin, gusto ko lang din siya ma-prepare."

Samantala, ilang oras pagkatapos ng presscon, muling nag-post si Alwyn sa kanyang Instagram tungkol sa pagmamahalan nila ni Jennica.

Loading

TRUE L❤️VE. #Mr&MrsUytingco

View on Instagram


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN