Marian Rivera excited about next bridal shower with close friends

“Mas nae-excite ako. Iba pala yung pakiramdam kapag palapit na nang palapit. Makikita ko na si Papa, darating na siya. So, looking forward ako talaga sa mga bagay na mangyayari,” says Marian Rivera when asked how she’s feeling about her wedding in December.


Sa kabila ng pagiging abala ni Marian Rivera sa paghahanda para sa kanyang kasal, naisingit pa rin niya ang pagdalaw sa kanyang fans bilang pasasalamat.

Nagtungo at nagbigay-aliw ang tinaguriang Kapuso Primetime Queen sa Robinson’s Place Mall sa Tacloban City kahapon, October 15, para sa GMA Kapuso Fans Day.

“Hanggang kaya ko talaga isingit, gagawin ko.

“Iba kasi yung pupunta ka sa kanila bilang pasasalamat sa kanila.

“Iba yung nandiyan sila at nandito ako na nakikita nila,” sabi ni Marian nang sandali siyang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang fans’ day sa Tacloban.

Ikinatuwa rin ng actress-TV host ang nakita niyang katatagan ng mga taga-Tacloban, na wala pang isang taon simula nang masalanta sila ng bagyong Yolanda.

Kuwento ni Marian, “First time ko dito sa Tacloban and nakakataba ng puso na ganun kainit ang pagtanggap nila.

“Sa kabila ng sakunang naranasan nila, ang sarap tingnan yung mga mukha nilang nakangiti, nagtsi-cheer.

“Dahil sa mainit na pagtanggap nila, babalikan ko talaga sila.

"Iba talaga yung mga Pinoy, e.

"Kung anuman ang mangyari, ngingiti at ngingiti pa rin ’yan, babangon at babangon pa rin.

“Yun ang mga nakakatuwa sa mga taga-Tacloban.”



MORE WEDDING SURPRISES. Samantala, kinumusta ng PEP kay Marian ang nakaraang bridal shower niya sa Hong Kong.

Saad niya, “Ang saya kasi sobrang intimate lang.

“Kung mapapansin mo, nandun si Mama at saka si Nanay.

“Alam kasi nila na gusto kong pumunta sa Disneyland at mahilig akong sumakay sa mga ride.

“Isa yun sa mga ibinigay nila sa akin.

“Siyempre, yung pangalawa, yung bigay sa akin ng mga sponsors ko.”

Hindi pa rito nagtatapos ang bridal shower para kay Marian, na ikakasal na sa longtime boyfriend niyang si Dingdong Dantes sa December 30.

Sa darating na Linggo, October 19, isa pang bridal shower para kay Marian ang ibibigay ng isa sa malapit na kaibigan niya sa showbiz—si Roxanne Barcelo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Marian, "Ito talaga ang hinihintay ko kasi kasama ko ang mga kaibigan ko sa showbiz."

Tinanong ng PEP kung makakasama na niya rito ang iba pa niyang bridesmaids.

Sagot niya, “Oo, nandoon din sila.”

Tikom ang bibig ni Marian kung sinu-sino ang magiging bridesmaids niya.

Pero nabanggit niya noon sa press conference ng second season ng dance show niyang Marian na kabilang dito ang ilang kaibigan niya sa ibang TV network.

Sabi niya, “Hindi niyo aakalaing malapit pala sa akin.”

Sa ngayon, nananatili raw ang excitement kaysa sa kaba para kay Marian habang palapit na nang palapit ang kanyang kasal.

“Mas nae-excite ako kasi iba pala yung pakiramdam kapag palapit na nang palapit.

“Makikita ko na si Papa, darating na siya.

"So, looking forward ako talaga sa mga bagay na mangyayari," sabi ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN