Lorna Tolentino will allow her sons to enter politics

Lorna Tolentino on allowing her sons to enter politics in the future: “Okay lang sila, kasi kung sa lalaki, parang mas okay kesa sa babae yung papasok sa pulitika, for me. Mas makakaya ng mga boys iyon. ’Tsaka nasa kung ano yung natapos nila, puwede nilang i-segue sa politics.”


Nakadalaw na raw si Lorna Tolentino sa mga kaibigan niyang sina Senators Jinggoy Estrada at Bong Revilla Jr., na parehong naka-detain ngayon dahil sa pagkakasangkot nila sa pork barrel scam.

“Of course naman, oo naman! Parang pamilya na yun,” sabi ng aktres nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng GMA primetime series na My Destiny noong Lunes, October 13, sa Biñan, Laguna.

Dadil ba sa nangyari sa kanyang mga kaibigan ay nagalit si Lorna sa gobyerno?

“Hindi, wala naman. Parang paulit-ulit naman ang gobyerno natin, e.

“Parang paikot lang nang paikot nang paikot nang paikot… nasa sa atin na lang talaga.”

Wala bang plano si LT na pasukin din ang pulitika, kagaya ng maraming kaibigan niyang artista?

“No to politics! Only friends,” deklara ng award-winning actress.

Pero may nag-alok na raw sa kanya noon na pasukin ang mundo ng pulitika.

“Dati, sa Quezon City.”

Ano ang dahilan at ayaw niya?

“E, na-experience ko na yun kay Rudy, e.”

Tumakbo ang yumao niyang mister na si Rudy Fernandez bilang mayor ng Quezon City noong 2001, pero hindi ito pinalad manalo.

“’Tapos ano siya, isa rin yun sa mga… palagay ko, ha, na hindi lang sinabi ni Rudy.

“Pero isa yun sa mga parang nagbigay sa kanya ng... hindi lang stress, pati yung loneliness, yung [heartache], yung ganun, depression, lahat.

“Kaya isa yun.”

Sumakabilang-buhay si Rudy noong June 7, 2008 sa sakit na periampullary cancer.

Pero kapag ang mga anak niyang sina Renz at Rap Fernandez ang makaisip na pasukin ang pulitika ay papayagan daw niya ang mga ito.

Paliwanag ni Lorna, “Okay lang sila, kasi kung sa lalaki, parang mas okay kesa sa babae yung papasok sa pulitika, for me.

“Mas makakaya ng mga boys iyon.

“’Tsaka nasa kung ano yung natapos nila, puwede nilang i-segue sa politics.”

Philosophy raw ang kurso ni Renz at si Rap naman daw ay Psychology at Filmmaking ang tinapos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ACTING TIPS. Nagbibigay ba siya ng acting tips sa mga anak niya na ngayon ay parehong aktibo sa telebisyon?

Kasama si Renz sa cast ng Yagit at si Rap naman ay nasa Hiram Na Alaala.

Tugon ni Lorna, “Hindi kasi nag-aaral nang nag-aaral yun, e. Nagwo-workshop nang nagwo-workshop yun.

“Basta may workshop, ina-attend-an naman nilang lahat.

“Nag-workshop sila dati sa ABS, pati dito sa GMA, pati kay Laurice Guillen, nagwo-workshop din sila.”

Pero nagbibigay raw siya ng komento kapag napapanood niya ang akting ng kanyang mga anak.

“Oo naman, nagko-comment naman ako.”

Mataas ba ang expectations niya sa acting ng dalawa?

Ayon kay Lorna, “Hindi, hindi… kasi katulad din ng mga ibang bata, hindi naman kaagad…

“Yung mga ibang bata na nakakasama ko, ha, sa lahat, lalo na sa teleserye, magugulat ka, ‘Uy, ang galing, ang laki ng in-improve mo ngayon, a!’

“Ganun din, mag-i-improve din sila through the years, palagay ko.

“Depende sa role na ibibigay sa kanila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN