Character actress Vangie Labalan puzzled by Tia Pusit’s appearance in her dreams

Vangie Labalan describes Tia Pusit in her dreams: "Hindi siya nakatawa. Pero hindi naman nakakatakot, ang ganda-ganda ng hitsura niya. Payapa lang siya, ‘tapos para bang… Sinasabi ko rin sa kanya, sa isipan ko, ‘Meng, kung may sasabihin ka rin sa akin, I’m always here.’"


Hindi inaasahan ang pagiging emosyunal at muntikang pagbi-breakdown ng character actress na si Vangie Labalan sa presscon ng Sineng Pambansa Horror-plus Filmfest kahapon, October 15, sa Annabel’s restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City.

Ang dahilan: ang namayapang comedienne na si Tia Pusit.

Pumanaw si Tia Pusit, 66, sanhi ng aortic aneurism at multiple organ failure noong October 2, 2014.

Kasali si Vangie sa entry na Sigaw Sa Hatinggabi ni Direk Romy V. Suzara.

At one point, naitanong sa mga artista ang makapanindig-balahibo nilang karanasan habang ginagawa ang pelikulang kinasasalihan o ang iba pang kinatatakutan nila na pang-Holloween.

Kaya nagbahagi si Vangie ng recent experiences niya na eerie at may kaugnayan pa sa yumaong si Tia Pusit—Myrna "Meng" Villanueva sa tunay na buhay.

Ayon sa veteran character actress, naging malapit silang magkaibigan ng yumaong komedyana lalo nang nagkasama sila sa ABS-CBN primetime series na Ikaw Lamang, na kasalukuyan pang isinasahimpapawid.

Nang mamatay si Tia Pusit, hindi raw nagpunta si Vangie sa burol nito.

Pero matapos ang seremonyas ng libing, madalas daw niya itong napapanaginipan.

Nangilid ang luha ni Vangie sa pagsasalaysay ng karanasan niya sa mga dumalong taga-media.

“Sobra akong hirap tanggapin ang nangyari kay Tia Pusit kaya hirap akong mag-decide na magpunta sa kanyang wake. Ni hindi nga ako nagpunta..."

Ang iniisip at lubhang dinaramdam ngayon ni Vangie ay ang mensahe ng madalas niyang pananaginip kay Tia Pusit, na labis ikinagugulo ng kanyang isipan.

"Umabot sa point na parang nagsisisi ako… naguguluhan ako. Lagi ko siyang iniisip."

Lately, halos gabi-gabi raw niyang napapanaginipan si Tia Pusit, ‘tapos ay magigising si Vangie para pumunta sa banyo.

Naging routine na daw iyon at labis siyang nag-aalala.



TIA PUSIT’S MESSAGE. Nang matapos ang presscon proper ay kinausap muli ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vangie.

Inalam namin kung ano ang pagpapakita sa kanyang panaginip ng kaibigan niyang komedyana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi siya nakatawa," unang paglalarawan ni Vangie kay Tia Pusit.

"Pero hindi naman nakakatakot, ang ganda-ganda ng hitsura niya.

"Payapa lang siya, ‘tapos para bang…

"Sinasabi ko rin sa kanya, sa isipan ko, ‘Meng, kung may sasabihin ka rin sa akin, I’m always here.’

"Kasi, kahit noong buhay pa siya, lagi rin kaming nag-uusap.

“Itong sa Ikaw Lamang, lagi kaming magkasama."



AVOIDED HYSTERICS. Bakit nga ba hindi niya nagawang magpunta sa wake ni Tia Pusit?

Paliwanag ni Vangie, “Hindi ganung kadaling tanggapin.

"Ayokong mag-drama doon [sa burol] na hahagulgol... hindi ko kayang mapag-usapan.

"Ngayon, gabi-gabi... kasi lagi kong binabasa ang kanyang Facebook.

“Gusto ko, hanggang doon lang. Ayoko yung parang totoong makikita mo.

"Iba pa rin kasi yung makikita mo.

"Hindi ako takot sa kanya. Kung gusto niya akong kausapin, okay lang.

"Parang nakakatawa, kasi hindi naman siya horror, hindi naman siya comedy," paglalarawan pa ni Vangie sa nararanasang sitwasyon.

"Sabi ko nga, ‘Okay, maganda rin yung may kaibigan ka doon sa loob, na talagang kapag...’

"Sigurado ako na wala naman siyang kung anong kasalanan, para kung anu-ano...

“Ibig kong sabihin, hindi ko ma-solve kung ano yun dahil nalulungkot lang ako."

Habang nagsasalita’y nangilid muli ang luha sa mga mata ni Vangie.

"It’s not nice dahil hindi naman ako laging pa-breakdown nang ganito," sambit pa niya.



WHO IS NATHAN IN TIA PUSIT’S LIFE? Hindi kaya nagtampo o nagalit kay Vangie si Tia Pusit bago ito pumanaw?

"Ay, hindi, hindi!" pagtanggi ng character actress. “Mahirap lang tanggapin talaga.”

Nag-o-open up ba si Tia Pusit kay Vangie ng mga personal na bagay nitong mga huling buwan o araw niya?

"Even before pa, before pa.

“Friends kami for so long. Walang hindi kami napapag-usapan.

"Nakakatawa ngayon, gustong makipag-close sa akin yung Nathan, kasi nalulungkot din."

Sino si Nathan?

"Yung boyfriend niya," banggit ni Vangie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero pigil niya sa sarili, “Ay, ayokong pag-usapan si Nathan kasi magbi-breakdown ako.


“Parang it’s not me ba...

"Parang nao-OA... kaya nga ayokong magpunta doon [sa wake], kasi ayokong parang nao-OA ako."

After the wake, nagpunta ba si Vangie sa puntod ng yumao?

"Iniisip ko pa kung... hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

“Ang hirap… ang hirap.

"Pabalik-balik ang panaginip ko, na hindi naman ako natatakot.

"Ano ba ito?" tanong daw niya lagi sa sarili. "Ito na ba yung direct kong linya sa langit?"



RESOLUTION. Ang naiisip ni Vangie ngayon para maibsan ang pag-aalala niya ay ang mag-novena.

Lahad niya, "Nagpabili na ako ng novena.

“Kasi, ang nanay ko before, ‘pag Araw ng mga Patay, nakagisnan ko, nagdarasal, may novena para sa patay.

"Gagawin ko na ‘yon para i-pray si Meng, pati lahat-lahat ng mga mahal ko.

"Ako mismo ang mag-aano ng novena.

"Parang nakakatawa, ano?" nangiti na si Vangie sa puntong ito. "Pero hindi ako natatakot. Hindi ako...

"Ang ganda-ganda [ni Tia Pusit]... pabalik-balik siya sa panaginip ko."



GIFT OF LAUGHTER. Ano ang mami-miss ni Vangie sa pagpanaw ni Tia Pusit?

Tugon niya, "Aba, ikaw nga, sagutin mo kung ano ang mami-miss mo sa kanya?"

Nagkakaisa ang lahat ng nakakilala at nag-appreciate sa kilalang komedyana, na isa ito sa totoong nagdulot ng labis na katuwaan sa maraming Pilipino sa panahon ng kanyang katanyagan.

Dagdag pa ni Vangie, "Siya, ke bayaran mo, ke hindi, gagawa siya ng paraan para magtawanan kayo.

"Kahit nitong may sakit pa siya, ganun siya talaga.

"Ako, may konting ano pa ako... ’pag hindi ano... kailangan may magti-trigger.

"Siya, natural lang sa kanya [ang magpatawa], kahit ano lang, basta matawa lang [ang tao]..."



IN DEFENSE OF NOVA VILLA. Nilinaw rin ni Vangie ang tungkol sa napapag-usapang hindi naging magandang ugnayan ni Tia Pusit at ng kapatid nitong si Nova Villa (Novelita Villanueva Gallegos, 67 years old).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang nasa isip ng marami, nakamatayan ni Tia Pusit na at odds sila ng nakatatandang kapatid na babae. At hindi magandang usapin iyon para sa ’tulad ni Nova.

Sabi naman ni Vangie, "Hindi ko alam kung... ang alam ko, may mga tampu-tampuhan.

“E, sino bang magkapatid ang wala?"

Pero sang-ayon si Vangie na natapos na ang tampuhan ng magkapatid, hanggang si Nova na ang nag-asikaso kay Tia Pusit noong magkasakit ito nang malubha at maospital.

Mas nakakariwasa si Nova kaya siya ang sumagot sa gastusin ng younger sister niya.

"Si Nova naman ang nag-asikaso nung sa ospital at sa ano...

"Alam mo kasi, yun din ang hirap ng humarap [sa mga tao], kasi ang daming itinatanong sa akin na mga tsismis-tsismis.

"Ayoko na, hayaan mo na. Nagpahinga na yung tao."

Maging sa pagkaka-ospital noon ni Tia Pusit, hindi raw nakadalaw si Vangie.

“Hindi, kasi sobrang mabigat sa akin ang nangyari,” pag-ulit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN