Rachelle Ann Go makes a quick visit to the Philippines; updates status of relationship with Slater Young

Rachelle Ann Go on being single compared to ex-boyfriends John Prats and Gab Valenciano’s engagement to their respective fiancées: “E, yun ang destiny nila, ’di ba? Kumbaga, ako, bigla ako naipadala sa ibang bansa na hindi ko rin naman plinano. So, ine-enjoy ko yun.”


Sinorpresa ni Rachelle Ann Go ang publiko sa kanyang sandaling bakasyon sa Pilipinas mula sa kanyang pitong-buwang pamamalagi sa London.

Umaani ngayon ng papuri ang mahusay na singer para sa kanyang pagganap bilang Gigi sa West End revival ng Miss Saigon.

Pero panandaliang umuwi sa Pilipinas si Rachelle Ann para sa surprise guest appearance niya sa store opening ng isang sikat na clothing brand kagabi, October 15.

Dumating siya sa Pilipinas noong Lunes, October 13.

Ayon kay Rachelle Ann, ang best friends lang niyang sina Sarah Geronimo, Jimmy Marquez, Erik Santos, at Christian Bautista ang kanyang pinagsabihan tungkol sa maiksi niyang bakasyon dito sa bansa.

Ngunit wala raw siyang pagkakataong makalabas dahil sinulit niya ang kaunting oras kasama ng kanyang pamilya.

“Umuwi ako agad ng bahay. Dun lang ako.

"Ninamnam ko yung buong bahay.

"Na-miss ko yung luto ni Mama. Sobrang sabik na sabik ako,” saad ni Rachelle Ann.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling entertainment reporters si Rachelle Ann sa isang lunch get-together sa Bella Ibarra restaurant ngayong araw, Huwebes, October 16.

NO TIME FOR LOVE. Maraming kuwento si Rachelle Ann tungkol sa kanyang Miss Saigon experience, ngunit hindi pa rin siya nakaligtas pagdating sa isyu tungkol sa kanyang lovelife.

Direktang tinanong ang singer-actress tungkol sa estado ng relasyon nila ng ex-Pinoy Big Brother housemate na si Slater Young.

Bago umalis si Rachelle Ann patungong London ay napabalitang “dating” na sila ni Slater mula noong February.

Sagot niya tungkol dito, “Okay kami. Nag-uusap kami. Yun lang.

“Kung ano yung napag-iwanan namin noon, tapos na yun, move forward, that’s it.

“And we’re both happy with whatever we have, with whatever career we have right now.”

Sa ngayon, wala raw bagong manliligaw o nakaka-date si Rachelle Ann.

Hindi rin daw siya yung tipong mahilig sa gimik, lalo pa’t anim na beses sa isang linggo siyang abala sa show at rehearsals para sa Miss Saigon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Siyempre desisyon ko rin naman sa buhay ko na mag-focus talaga sa career.

“And wala, mag-isa ako run, e. Wala rin naman time.

“I do eight shows a week. Sunday lang ang off ko.

"Time ko yun para sa sarili ko. Ang hirap.”

JOHN PRATS-ISABEL OLI ENGAGEMENT. Hiningan din si Rachelle Ann ng reaksiyon tungkol sa recent engagement ng ex-boyfriend niyang si John Prats kay Isabel Oli.

Ang isa pang ex-boyfriend niyang si Gab Valenciano ay engaged na rin sa non-showbiz girlfriend nito.

Sabi niya, “Eto na ata yung season ang edad ng mga nagpapakasal...

“Magpapakaiba ako, single!

"Happy ako sa lahat. Everyone’s happy."

Wala raw dahilan upang makaramdam ng inggit si Rachelle Ann, lalo na sa magandang oportunidad na dumadating sa buhay niya ngayon.

“E, yun ang destiny nila ’di ba?

"Kumbaga, ako, bigla ako naipadala sa ibang bansa na hindi ko rin naman plinano.

"So, ine-enjoy ko yun."

Nakatakdang bumalik sa London si Rachelle Ann ngayong gabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN