Katrina Halili admits initiating breakup with Kris Lawrence

Katrina Halili on Hayden Kho’s renewed faith: “I’m happy for him kung ganun, ‘di ba? Lahat naman ng tao, may pinagdadaanan. Lahat naman tayo may pacing. Siguro, nagkataon lang na kami ang nagamit na instruments. Kami lang ba ang pinakamasamang tao sa mundo? Kami ang nagamit na instrument, at least, lahat ng tao may natutunan, ‘di ba?”


Marami ang nanibago sa bagong hairstyle ng Kapuso actress na si Katrina Halili.

Nagpaikli ng buhok si Katrina, at una itong nasilayan ng entertainment press sa story conference ng pelikulang Child House, noong October 13, Lunes, sa New Horizon Hotel, sa Mandaluyong City.



SLEEPING BEAUTY. Sa presscon proper ay marami ang naintriga sa pahayag ni Katrina na “nagising na si Sleeping Beauty” at ibinabalik na raw niya ang dating siya.

Ano ba ang ibig niyang sabihin dito?

Tugon ng 28-year-old actress, “Kailangan nang bumalik… ‘sleeping beauty’ ako.

“Parang bumalik na ako sa yung dating ako.

“Hindi naman kontrabida palagi. Puwede namang bumalik-balik.

“Parang… happy na ako sa work ko.

“Para kasing after nung nangyari, parang palagi akong deadma na lang, yung ganyan, parang nagpabaya talaga ako.”

Ang tinutukoy ni Katrina na nangyari sa kanya ay kinasangkutan niyang sex video scandal noong 2009.

Noong isang linggo lang daw napagdesisyunan ni Katrina na kaya pa rin naman pala niyang bumalik sa dating siya at gisingin nga si “Sleeping Beauty” sa katauhan niya.

Paliwanag pa niya, “Ako kasi dati, parang kuntento na ako. Parang okey na, kahit ano na lang.

“Pero ngayon, siyempre may anak na ako.

“Na-realize ko na gusto kong magtrabaho, para siyempre sa anak ko.

“And mahal ko yung trabaho ko.”

Nagkaroon ba ng pagkakataong nawalan siya ng ganang magtrabaho?

“Parang… parang feeling ko noon, parang naging thankful na lang ako.

“Kasi, after ng nangyari sa akin, meron pa rin akong work. Parang ganun.”

Nawalan siya ng drive?

“Oo, parang ganun. Parang nawalan ako ng confidence.

“Parang feeling ko, thankful ako. Parang ganoon ako palagi.

“Parang palaging nahihiya.

“Parang, thank you, binigyan nila ako ng work. Yung ganun.”

Patuloy ng StarStruck alumna, “Para sa akin, hindi rin naman masama. May pacing din.

“Kasi, ang pangit din naman na after ng nangyari sa akin, nagmama-maldita na lang ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At least, sa akin, tama lang, may pacing.”

Madalas sabihin ni Katrina na naka-move on na siya mula sa trauma na idinulot ng sex video scandal. Pero yun pala, may dala-dala pa rin siya?

Pag-amin niya, “Oo, parang feeling thankful lang ako na ganun. Hindi ko maintindihan.

“Parang feeling ko, hindi ako marunong, hindi ako magaling.

“Siguro normal naman.

“After nga ng nangyari sa akin, at least, nandito pa ako.”



BREAKUP. Natawa naman si Katrina nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ang “new look” niya ay may kinalaman sa breakup nila ng singer na si Kris Lawrence.

Paglilinaw niya, “Hindi naman, basta gusto ko ng pagbabago ngayon.

“Hinanap ko talaga si Jing Monis at sinabi ko na gusto ko ng bagong look.”

Bakit sila bigla silang umamim ni Kris na hiwalay na sila?

“Ayoko na pong pag-usapan yun,” iwas ni Katrina. “Basta ako, ang drive ko ngayon, career lang.”

Hindi rin daw siya nag-e-entertain ng anumang manliligaw o kahit na sinong lalaki.

Sabi niya, “No, ayoko ng boys.

“Ayoko, career na lang muna.

“Parang nawawala kasi ako sa sarili ko kapag may boys.

“Parang nawawala yung drive ko sa work.”

Walang third party?

“Wala, wala… nag-decide lang talaga ako na, ‘Wait lang, may mga kailangan tayong gawin sa sarili natin.’

“Siya, meron. Ako, meron din.

"So, yun… hindi pa kami ready.’

Pagtatapat pa ni Katrina, siya ang nagdesisyong maghiwalay na sila. Paano yun tinanggap ni Kris?

“Wala na siyang magagawa, hindi na smooth yung relationship, e.

“Parang, basta… sa tingin ko, mas okey na ganito na lang muna—friends.

“Wala namang masama dun.”

Wala na siyang nararamdaman para kay Kris?

Tugon niya, “Feeling as a friend.

“Pero huwag na nating anu-anuhin, maiisyu pa. Hahaba na nang hahaba.

“Wala naman kaming movie, hindi naman kami loveteam.”

May ibang taong involved ba kaya nawala ang romantic feeling niya kay Kris?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Katrina, “Mas na-realize ko na kailangan kong mag-work.

“Pumupunta naman siya palagi sa bahay. Nilalaro niya si Katie.”



NOT CLOSING HER DOORS. Pero okey naman sila ni Kris bilang mga magulang ng anak nilang si Katie?

Sagot ni Katrina, “As parents, okay naman kami.

“Meron pa akong gustong gawin sa buhay ko.

“Okey naman kami. Nagpupunta naman siya palagi sa bahay.”

Hindi kaya sa suportang pinansiyal nagkulang si Kris?

“Support? A, ano… naku, mukhang maiisyu na naman ako! Huwag na, bad ‘yan,” pag-iwas muli ni Katrina.

“Basta, tumutulong naman siya kay Katie. Yun po.

“Basta, support naman siya kay Katie. That’s it.”

Dagdag niya, “Friends, friends naman kami.

“Araw-araw naman nakikita niya si Katie.

“Nawala lang siguro sa amin yung romantic something-something.

“Beso-beso pa rin naman kapag nagkikita.

“Hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa susunod.

“Ayusin na lang muna namin ang sarili namin.

“Malay mo, kami… basta, hindi ako nagku-close ng door.”

Paulit-ulit ding sinasabi ni Katrina na wala siyang pakialam ngayon sa sasabihin ng mga tao.

“Basta kung anuman ang sasabihin ng mga tao, wala na akong pakialam.

“Ako naman ‘to. Ako ang nakakaalam ng nangyayari sa buhay ko.

“Desisyon ko ‘to, so dedma.”

Sa sasabihin ni Kris, wala na rin siyang pakialam?

Tugon niya, “Ha? Wala naman po akong ginagawang masama.

“Nagwu-work ako. Hindi ako nanlalaki.

“Nagtatrabaho ako para sa anak ko, sa sarili ko.

“So, wala akong dapat ika-guilty sa ginawa ko dahil ginagawa ko ‘to para sa sarili ko.

“Ang pangit lang siguro kung nag-boys ako, nagpaligaw ako, hindi…”



HAPPY FOR HAYDEN. Bumalik na ang kaseksihan ni Katrina pagkatapos niyang magsilang.

Posible kayang mag-FHM siyang muli at magreyna rito muli bilang Sexiest Woman?

Saad niya, “Kailangan ko na bang sagutin ‘yan?

“Huwag muna nating pag-usapan ang hindi pa nangyayari.

“Pero na-realize ko na ginagawa ko yun dati, wala namang masama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagising na nga ako, ‘di ba?

“Kasi, palagi nilang sinasabi, ‘Mag-FHM ka na!’

“Sinasabi ko, ‘Ibigay na natin sa kanila ‘yan. Ayoko na. May anniversary kami next year, hindi na…’

“Pero na-realize ko na, ‘Noong ginagawa ko ba yun dati, bastos ako?’

“Na-realize ko lang na, ‘Sexy ako. Bakit ba?’”

Na-realize ba niya yun dahil single na siya ngayon?

Pakli ni Katrina, “Kaya nga ayoko na ng boys dahil para akong nawawala sa sarili.”

Ano naman ang reaksiyon niya sa pagiging aktibo ngayon ni Hayden Kho Jr. sa pagpapalaganap ng salita ng Diyos pagkatapos ng kinasangkutan nilang eskandalo?

Pahayag ni Katrina, “Wala namang problema.

“I’m happy for him kung ganun, ‘di ba?

“Lahat naman ng tao, may pinagdadaanan. Lahat naman tayo may pacing.

“Siguro, nagkataon lang na kami ang nagamit na instruments.

“Kami lang ba ang pinakamasamang tao sa mundo?

“Kami ang nagamit na instrument, at least, lahat ng tao may natutunan, ‘di ba?”

Kung may natutunan man daw si Katrina, ito ay ang nahanap na niya ang “love.”

“Nakita ko na sa baby ko, sa family ko. Masaya na ako sa buhay ko.

“Kaya nga ayoko na ng boys. Hindi ko pala kailangan.

"Ngayon, gusto ko mag-work para sa family ko, sa baby ko.

“Noon kasi, ‘Mag-aasawa na lang ako,’ puro ganun.

“And ngayon, kailan lang kami naging okey ng mommy ko.

“Gusto kong mag-work para sa nanay ko and sa anak ko… sa family ko, sa tatay ko, sa kuya ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN