(UPDATED) Margarita Fajardo rape complaint vs. Vhong Navarro junked

Ibinasura ng Quezon City Prosecutor’s Office ang reklamong panggagahasa na inihain ni Margarita Fajardo laban sa aktor na si Vhong Navarro dahil sa kakulangan ng matibay na ebidensiya.


Ibinasura ng Quezon City Prosecutor’s Office ang reklamong panghahalay na isinampa ni Margarita Fajardo laban kay Vhong Navarro.

Ito ay sa kadahilanang wala umanong sapat na "probable cause" ang inihaing reklamo ni Margarita noong April 2014.

Si Margarita ay ang lesbian na naging body double noon sa teleseryeng I Love Betty La Fea, na pinagbidahan nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.

Si Vhong ang gumanap na best friend ni Bea sa naturang Kapamilya primetime series.

Ayon sa sinumpaang salaysay ni Margarita, naganap ang diumano’y panghahalay sa kanya ni Vhong noong early part ng 2009.

Nasa on-location taping umano sila noon nang gawan siya ng karahasan ni Vhong sa loob ng sasakyan ng aktor.

Read: Vhong Navarro unfazed by third rape complaint against the actor

Ngunit base sa resolusyon ni Assistant City Prosecutor Nilda Ordoño, na may petsang October 15, 2014, wala umanong sapat na ebidensiya upang mapatunayang sapilitang hinalay ni Vhong si Margarita.

Lalo pa’t mismong complainant ang nagsabing maraming tao ang nasa paligid ng pinangyarihang insidente.

Narito ang kabuuang pahayag na natanggap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa legal counsel ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga ngayong gabi, October 16

"The rape complaint of Mai Fajardo vs Vhong Navarro has been dismissed for lack of probable cause per resolution dated 15 October 2014 signed by Assistant City Prosecutor Nilda Ordoño, John Patrick Corpuz [recommending approval], and approved by City Prosecutor Donald Lee.

"In essence, apart from the long delay before the complaint was filed, the dismissal was anchored on the failure to establish force or intimidation."

Sabi pa sa isang bahagi ng resolusyon ng prosecutor: "There is no reason for complainant to be afraid of [Vhong] so as to just follow whatever he required her to do as the incident allegedly happened ’with lots of people around.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Aptly, her side remark ’okay ka na baba na ako’ was not in keeping with a fear-struck person who was cowed into submission."

Sa huli, inihayag ng legal counsel ni Vhong na mas tututukan ng kanilang kampo ang pagkamit ng hustisya.

Partikular na ang reklamong serious illegal detention na isinampa ni Vhong laban kina Cedric Lee, Zimmer Raz, Deniece Cornejo, Ferdinand Guerrero, at Sajed "Jed" Fernandez Abuhijleh.

Bukod kasi kay Margarita, naharap din si Vhong sa reklamong panghahalay na magkahiwalay na inihain nina Deniece at Roxanne Cabañero.

Ngunit nauna nang ibinasura ng Taguig Prosecutor’s Office at Pasig Prosecutor’s Office ang rape complaints nina Deniece at Roxanne, respectively.

Saad ni Atty. Mallonga, "The complaints against Vhong were fabricated distractions that have failed to undermine his determination to fight to the end.

“He is very happy that all these complaints have now been dismissed.

“Hindi pa tapos ang laban.

"Vhong understands that the road to justice is paved with bumps and unexpected twists and turns, but he and his legal team will persevere.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN