Jaclyn Jose understands Laarni Enriquez’s concerns about Andi-Jake relationship

Jaclyn Jose on Jake Ejercito: “Hindi sa nangingialam ako, ha, pero tinanong niyo ako kung boto ba ako para kay Jake kay Andi—oo. Napakabait niyang bata, napakatalino, napakamapagmahal niya sa magulang. Sobra ang pagmamahal niya sa magulang na kahit talikuran niya ang pag-ibig. Hindi ba, kahanga-hanga yun sa isang lalaki?”


Hindi minasama ni Jaclyn Jose ang hindi direktang pagsagot ng dating aktres na si Laarni Enriquez sa isang interview nang tanungin kung boto ba siya kay Andi Eigenmann para sa anak niyang si Jake Ejercito.

Si Andi ay anak ni Jaclyn sa yumaong aktor na si Mark Gil; at si Jake naman ay anak ni Laarni kay dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada.

Read: Laarni Enriquez defends son Jake Ejercito over ’kissing photo’: "Eventually, I know my son will be vindicated."

Reaksiyon ni Jaclyn sa panayam kay Laarni, “Okey lang yun, wala namang problema yun.

“It’s her prerogative.

“She’s the mother, huwag nating kalimutan na malaki rin ang sakripisyo ni Laarni sa anak niya.

“Kung anuman ang sinasabi niya, karapatan niya yun dahil siya ang nagpalaki sa anak niya, hindi tayo.”

Kumusta na ang relasyon ni Jaclyn sa mga magulang ni Jake pagkatapos magkaroon ng isyu sa pagitan nila?

Ayon kay Jaclyn, “Okey naman na, we don’t want to break that ano… kasi, it’s my sister that friends with her.

“They’re talking na and gusto kong i-maintain yun. Wala na akong dapat sabihin.”

Ang tinutukoy ni Jaclyn na kapatid niya ay ang dating aktres na si Veronica Jones, na matalik na kaibigan ni Laarni.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Jaclyn sa grand launch ng “bayaniserye” ng GMA Network na Ilustrado, Huwebes ng tanghali, October 16, sa Historia restaurant, sa Sgt. Esguerra, Quezon City.



ANDI’S LOVELIFE. Bilang ina, hindi ba nasasaktan si Jaclyn kung sakaling totoo ngang hindi tanggap ng mga magulang ni Jake ang relasyon nito sa kanyang anak?

Ayon sa beteranang aktres, “Hindi na ako… inilabas ko na yung sarili ko mula noong magkaproblema.

“So, hinayaan ko na si Andi.

“Lovelife naman niya yun. Pag-ibig naman niya ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman talaga ako sakop na niyan.”

Nagkukuwento na ba sa kanya si Andi ngayon tungkol sa lovelife nito?

“Hindi pa rin muna.

"So, as long as she’s professional, she’s doing her job well…

“She’s very, very good, like yung movie niyang horror, okey na sa akin yun.”

Nagpa-interview si Andi kamakailan na hiwalay na raw sila ni Jake. Pero ilang araw lang ang lumipas ay lumabas ang larawang magkasama sila at mukhang nagkabalikan na naman sila.

Ano ang masasabi ni Jaclyn dito?

“Sabi ko nga, hindi ko na papakialamanan talaga.

“It’s their life, I have no business in dwelling sa kanilang pribadong buhay.”

Pero ano ang dasal niya pagdating sa buhay pag-ibig ng anak?

Sagot ni Jaclyn, “Her life to be fruitful.

“And for her to become somebody kung ano ang gusto niya, kahit ano pa’ng nakakapaloob doon.”



GROUNDED FAMILY. Sa hiwalay na panayam kay Laarni ng PEP, sinabi nitong gusto niyang magkaroon ng grounded at intact na pamilya para sa anak ni Jake.

Reaksiyon dito ni Jaclyn, “Well, wish naman yun ng lahat ng nanay.

“Huwag nating masamain kasi wish yun ng lahat ng nanay.

“Siyempre, wish ng lahat na yung asawa ng iyong anak ay galing sa maayos, hindi magulong pamilya.

“Medyo may kaguluhan nga yung amin.

“I understand where she is coming from kasi, nanggaling din ako doon. Nauunawaan ko siya nang husto.

“Tama naman, kahit ikaw sa anak mo. Kahit ako rin mag-wish, ganun.

“Pero iba ang buhay namin, e. Showbiz itself, magulo na.”

Hindi pa man tapos ang tanong namin, na kung si Laarni ay hindi masagot nang diretso kung pabor ito kay Andi para sa anak, si Jaclyn naman ay sinagot na agad ang itatanong namin.

Aniya, “Boto ako kay Jake… buong pamilya ko.

“Kasi, mabuting tao naman si Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’ve known Jake all his life, so ano pa ba ang puwede kong sabihin?

“E, nakikita ko naman na napakabuti niyang tao.

“Hindi sa nangingialam ako, ha, pero tinanong niyo ako kung boto ba ako para kay Jake kay Andi—oo.

“Napakabait niyang bata, napakatalino, napakamapagmahal niya sa magulang.

“Sobra ang pagmamahal niya sa magulang na kahit talikuran niya ang pag-ibig.

“Hindi ba, kahanga-hanga yun sa isang lalaki?”

Kung siya ang masusunod, gusto niyang sina Andi at Jake na sana ang magkatuluyan?

Saad ni Jaclyn, “Hindi ko rin masasagot ‘yan kung ako ang masusunod, kasi hindi ako ang masusunod, e.

“It will never happen na ako ang masusunod kay Andi.

“It can never happen na ako ang masunod.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN