Jaclyn Jose admits shortcomings as a mother to Andi Eigenmann

Jaclyn Jose on being a mother to Andi Eigenmann: "Well, sabihin na lang natin na meron siyang pananaw sa buhay na nabuo rin naman dahil sa mga pagkukulang ko during the time na lumalaki siya. I wasn’t present all her life."


Nasasaktan man daw si Jaclyn Jose sa mga pambabatikos o negatibong komentong ibinabato sa anak na si Andi Eigenmann, kaugnay ng lovelife nito, hinahayaan lamang daw niya ito.

Saad ng aktres sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Oo, nasasaktan ako, siyempre kahit sinong nanay.

“But I want her to live a life, e.

“Ayoko siyang makahon ng industriyang ito.

“Kasi, nakulong din ako ng tatlumpung taon, hindi na ako makalabas.

“Pagkita ko, ‘Ay, gabi na pala! Ay, matanda na ako!’

“So, hayaan mo siya hangga’t bata. Lilipas din ‘yan.

“Let her enjoy life for that matter. She’s working hard.”

SHORTCOMINGS AS A MOTHER. May pagka-stubborn ba si Andi dahil hindi niya ito hayagang napagsasabihan?

Pahayag ni Jaclyn, “Well, sabihin na lang natin na meron siyang pananaw sa buhay na nabuo rin naman dahil sa mga pagkukulang ko during the time na lumalaki siya.

“I wasn’t present all her life.

“Sinasabi niya nga sa mga interview niya noon na gumigising na mag-aalmusal, gumigising siya the next day, nag-aalmusal pa rin mag-isa.

“Kasi, ganito ang kalakaran ng trabaho namin.

“Ngayon that she’s realizing that, naiintindihan na niya ang trabaho namin, why it happened.

“And yung pagiging strong niya, nakuha niya rin sa puntong yun.

“Kasi, totoo naman na ako lang mag-isa ang nagpalaki sa kanya, at alam niya ‘yan.”

Pinagsisisihan niya ba ang mga panahong wala siya sa tabi ng anak habang lumalaki ito?

Tugon ni Jaclyn, “Alam niyo, kung papipiliin niyo ako kung trabaho o pamilya, ang pipiliin ko, trabaho.

“Ganoon ko kamahal ang pamilya ko.

“Ano ang ipakakain ko sa kanila kung ihuhuli ko ang trabaho?

“So, ganoon lang.

“Feeling ko, okey naman ang ginawa ko.

“Matalino naman si Andi. Napag-aral, napagtapos ko naman nang maayos… good environment.”

Mission accomplished ba ang pakiramdam niya kay Andi?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, mission accomplished.

“Ngayon, mag-mission accomplish siya sa anak niya.”

EQUAL TREATMENT. Halata namang mahal na mahal ni Jaclyn ang kanyang apo kay Andi na si Ellie.

Mas protective ba siya rito ngayon kesa noong pinapalaki pa lang niya si Andi?

“Pareho lang,” sabi niya.

Mas spoiler siya pagdating sa apo?

Ayon kay Jaclyn, “Pareho lang. Kung ano ang treatment ko kay Andi, ganun din.

“Si Ellie, parang ang nangyari, para siyang bunso.

“She looks like Andi when she was a little. Magkamukhang-magkamukha pati.”

MARK’S DEATH. Kinumusta rin ng PEP kay Jaclyn kung paano nagku-cope si Andi sa pagkamatay ng ama nitong si Mark Gil.

Sabi niya, “Medyo okey-okey naman, she’s busy doing the horror film.

“At first, yes, affected. Pero after a while, medyo recovering.

“She’s getting there. She’s getting back on her feet.

“Working again, pinagbubutihan niya ang trabaho niya.

“She’s being professional, disciplined.

“As much as she goes out, kung anuman yung nababasa, nakikita siya sa labas, regardless, she’s doing her job well.

“Hindi siya nali-late. Hindi siya pasaway. Take one is very good.

“Kung lumalabas man siya, it’s not our business anymore.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN