Eula Valdes sees potential in Ilustrado co-star Alden Richards

Eula Valdes on working with Alden Richards: "Meron kaming isang eksena na medyo mabigat, wala kang maririnig sa kanya. Hindi katulad ng ibang baguhan na, ‘Naku, kinakabahan ako!’ Siya, hindi. Open… very open siya. Kapag take na, ang bilis. And hindi lang yung tipo na alam mong nagpapaluha kundi may karga siya."


Unang beses pa lang makatrabaho ng award-winning actress na si Eula Valdes ang Kapuso heartthrob na si Alden Richards, pero bumilib na raw siya rito agad.

Magkasama sina Eula at Alden sa “bayaniserye” ng GMA Network na Ilustrado, kung saan gumaganap silang mag-ina.

Si Alden ay ang Pambansang Bayani na si Jose Rizal, at si Eula naman ang kanyang ina na si Teodora Alonzo.

Sabi ni Eula tungkol kay Alden, “Magaling siya na bata, nakikitaan ko siya ng promise.

“At saka yung attitude niya, yun ang inaano ko, e, kung tatagal ba o hindi.

“Kasi depende sa attitude ng baguhan, e, ‘di ba?

“Nararamdaman ko at nakikita ko na seryoso siya at gusto niyang magtagal sa industriya.

“Gusto niyang magtagal talaga.

“At gusto niyang mag-improve kasi sa teknikal na aspeto, medyo nagtatanung-tanong din siya.

“Iyon ang naoobserbahan ko sa kanya.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Eula sa grand launch ng Ilustrado kahapon, October 16.



ALDEN AS A CO-STAR. Sa hiwalay na panayam kay Alden, very vocal ito sa pagsasabing hinahangaan niya si Eula bilang aktres.

Nagpapasalamat nga ang young actor na nagkasama sila dahil napakagaan daw katrabaho ng aktres.

Reaksiyon dito ni Eula, “Siya rin naman kasi.

“May mga araw na sa isang tent lang kami magkakasama, siyempre inoobserbahan mo siya.

“Ako, tinitingnan ko siya kung… iyon na nga ang nasabi ko kanina na parang wini-weigh mo kung tatagal ba itong bata na ‘to o hindi, ‘di ba?

“And ang napansin ko sa kanya, ano lang siya… napaka-cool na bata.

“Kahit gaano katagal siyang maghintay, okey lang sa kanya.

“Pero alam mong medyo ano na siya… may something nang negative na nararamdaman.

“And yet, hindi niya ipinapakita unless mapag-usapan.”

Kuwento pa niya, “Nung early part nga ng pagtatrabaho namin, natanong ko siya, ‘Ikaw ba yung sa The Road [2011 movie]?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi kapag nanonood ako ng TV during late night, mahilig ako sa mga nakakatakot na palabas.

“So, tinanong ko, ‘Alden, ikaw ba yung pumapatay sa The Road?’

“Sabi niya, ‘Opo, bata pa po ako nun.’

“And then, sabi ko, ‘Okay, a, bagay sa ’yo yung role.’

“Kasi hindi giveaway na ang bait-bait ng hitsura, ‘tapos pumapatay pala, ‘di ba?

“Ano siya… very effective.

“Ako man, hindi ako nahirapan sa kanya.

“Kasi, unfortunately, may mga nakakatrabaho kang artista na hindi nagbibigay.

“Siya… kasi mother and son ang role namin, e. Ano siya, isang tingin mo lang sa kanya…

“Kumbaga, meron kaming isang eksena na medyo mabigat, wala kang maririnig sa kanya.

“Hindi katulad ng ibang baguhan na, ‘Naku, kinakabahan ako!’

“Siya, hindi. Open… very open siya.

“Kapag take na, ang bilis.

“And hindi lang yung tipo na alam mong nagpapaluha kundi may karga siya.”

Patuloy ni Eula, “And siyempre, since katrabaho ko na siya, kapag nakita ko sa diyaryo na may write-ups siya, binabasa ko rin. Para to know him more, ‘di ba?

“Kasi minsan, nakakahiya namang magtanong, ‘Uy, ano ba’ng buhay-buhay mo diyan?’ ‘Di ba?

“So, ‘yon, very pleasant siya.

“Maganda ang attitude niya towards work. Sobrang tiyaga and seryoso siya.

“Sabi ko nga, pati yung technical side, e, inuusisa niya.

“So, alam mong hindi lang humihinto sa pag-aartista yung gusto niyang mangyari sa buhay niya.

“And isa pang gusto ko sa kanya, very loving siya sa family niya. Importante din ‘yon.

“So, doon din malalaman mo kung anong klaseng tao, ‘di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN