Eula Valdes not thinking about getting married again; amazed by nephew Paolo Ballesteros’s make-up transformations

Eula Valdes on six-year relationship with boyfriend Rocky Salumbides: "Actually, hindi kami swak na swak sa ano, e, sa ugali. Nasanay na lang siguro. At saka yung importante, yung tanggapin mo talaga kung ano ang ugali ng partner mo. At huwag mong i-try baguhin, kasi matatalo ka. Hintayin mo na lang siyang magbago nang kusa. Pero yung ikaw na pipilitin mong baguhin siya, e, di humanap ka na lang ng iba."


Bukod sa kanyang galing sa pag-arte, ang isa pang ikinabibilib ng marami kay Eula Valdes ay ang ageless beauty niya.

Paano ba niya name-maintain ang pagiging young-looking?

Sabi ng 45-year-old actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Dyusko, ito ngang si Tito Lito Legaspi [co-star niya sa Ilustrado] kanina, nung hindi pa ako nakabihis, sabi niya, ’Kailan ba tayo huling nagkatrabaho?’

“Sabi ko, ‘Ay naku, Tito Lito, matagal na! Hindi lang ten years ago.’

“Sabi niya, ‘Wala ka pa ring linya!’

“E, di nilukot ko ang mukha ko, at sabi ko, ‘Ayan, o! Siyempre meron!’” tawa pa niyang kuwento.

“Masayahin kasi akong tao, e. Kapag problema, hindi ko na puproblemahin pa.

“Actually, ang pinuproblema ko, puro iyakan yung ano ko, e.

“Ang pangit ko pa namang umiyak, as in lukot-lukot yung mukha!

“Kaya kapag nag-cut, inaano ko na kaagad, push-button.

“Kasi nanggaling ako noong araw dun sa kahit nag-cut na, hindi pa rin ako mapatigil umiyak.

“Ang hirap din nun, nakakapagod.

“So, ngayon, medyo napag-aralan ko na.

“Kapag nag-cut, yung humahalakhak ako. Nagdyu-joke ako or… basta.

“Para matigil lang, maputol yung emotion.”



SIX YEARS AND COUNTING… Malaking factor din ba ang masayang lovelife para maging ageless ang beauty?

“Kahit walang lovelife!” natawang sabi ni Eula.

“Kung ayaw mo ng problema… baka nga mas wala ngang problema kung walang lovelife, e.”

Kumusta ba ang buhay pag-ibig niya sa ngayon?

“Iyon pa rin, six years na kami,” pagtukoy niya sa relasyon nila ng model-actor na si Rocky Salumbides.

Ano sa palagay niya ang naging pundasyon ng matibay nilang relasyon sa nakalipas na anim na taon?

“Wala lang pakialaman!” tawa ng aktres.

“Nasanay na lang na kapag may medyo… actually, hindi kami swak na swak sa ano, e, sa ugali. Nasanay na lang siguro.

“At saka yung importante, yung tanggapin mo talaga kung ano ang ugali ng partner mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At huwag mong i-try baguhin, kasi matatalo ka.

“Hintayin mo na lang siyang magbago nang kusa.

“Pero yung ikaw na pipilitin mong baguhin siya, e, di humanap ka na lang ng iba.”

Wala ba silang balak magpakasal?

“Ikinasal na ako, e,” pagtukoy niya sa failed marriage nila ng aktor na si Ronnie Quizon.

“Pero yung sa ikalawang pagkakataon na ikakasal, hindi na siguro.

“Hindi… hindi ko sinasabi nang patapos.

“Pero sa ngayon, hindi. Wala sa isip ko ‘yon.”



PAOLO BALLESTEROS. Sa mga hindi nakakaalam, pamangkin ni Eula ang actor-TV host na si Paolo Ballesteros, na nakikilala ngayon internationally dahil sa kanyang make-up transformations.

Hindi naman ito katakataka dahil ang bloodline na pinagmulan nila ay sa angkan ng pamosong Filipino artist na si Fernando Amorsolo.

Ayon kay Eula, “Yung lola niya, si Tita Virginia, na kapatid ng mom ko, ang panganay ni Amorsolo.

“And si Paolo, anak siya ng anak ni Tita Virginia.”

Sabi ni Paolo sa isang interview kamakailan, si Eula raw ay magaling ding magpinta.

Ayon naman kay Eula, “Pero hindi kasing-galing niya [Paolo].

“Sabi ko nga, kung buhay ang papa niya ngayon, magiging sobrang proud sa kanya.

“Ang tipid niya sa canvas, dahil ang canvas niya ay ang mukha niya, ‘di ba?

“Ang sabi ko lang din sa kanya, ingat-ingat. Kasi nakakatanda din yung ginagawa niya.

“Hindi lang yung sa make-up. Siyempre meron ka ring ginagawa para i-alter ‘yon.

“So, nai-stretch yung… iyon lang ang winu-worry ko.

“Pero i-enjoy niya ‘yan.”

Ang bansag nga ngayon kay Paolo ay “international make-up transformation sensation.”

Kuwento naman ni Eula, “Last night, si Jennifer Aniston naman ang ginawa niya.

“Sabi ko sa kanya, ‘Grabe ka, ang galing-galing mo!’

“E, ako, malaro din ako sa ganyan. Pero more on wig lang, ganyan.

“Pero very happy ako sa kanya na biglang may ganyan… ganyan ang ginagawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Very successful siya sa ginagawa niya. Natutuwa ako sa kanya.

“Sabi ko nga, “Makeup-an mo nga ako minsan. Ibahin mo lang yung hitsura ko kahit wala tayong gayahin!’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN