Charice to undergo sex reassignment surgery?

Charice was interviewed by American TV host Oprah Winfrey regarding the Filipino singer’s decision to come out. In the said interview, Oprah asked Charice, “Were you thinking about transitioning to become a male?”


Kaabang-abang ang naging one-on-one interview ni Charice Pempengco with Oprah Winfre na ipalalabas sa OWN (The Oprah Winfrey Network) sa Linggo, October 19.

Ang pagiging lesbian ni Charice ang naging topic ng Queen of Talk sa segment na “Where Are They Now?”

Sa teaser ng naturang interview, may tanong si Oprah tungkol sa balitang gusto na raw dumaan sa sex reassignment surgery ni Charice.

“Were you thinking about transitioning to become a male?” tanong ni Oprah kay Charice.

Diretso itong sinagot ni Charice at mapapanood nga ito sa OWN sa Linggo.

Nag-post din si Charice ng kanyang reunion photo with Oprah sa kanyang Instagram account.

Ang caption: “Who’s excited to see this? #O #wherearetheynow #Oprah @oprah.”



E! ONLINE. Ayon sa istorya ng E! Online kay Charice, ang pagbabago ng image ng singer ay naganap noong aminin nito on national television in 2013 na siya ay isang lesbian.

Saad pa ng Pinay international singer, “Yes, I am a tomboy. I don’t know what’s the problem with that. Because, for me, there isn’t a problem with that.

“Now, I’d like to ask for forgiveness to those who aren’t able to understand.

“I just wanna say thank you personally to all my fans, to all the people who are still supporting me, who are still there for me, and honestly I am very, very happy.

“I know some people are more used to the old Charice, a ballad singer with the pigtails.

“For me, in my heart, I’ve always wanted to be more edgy, rock, more [on the] dark side.

“I know some people think that this is very rebellious but it’s not.

“It’s just me evolving. It’s me transforming into another person that is totally me.”

Naging manager and mentor ni Charice si Oprah nang maging YouTube sensation ang Filipino singer noong 2009 dahil sa kanyang isang video na naging viral at nakakuha ng higit 15 million hits.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon ng malaking pangalan si Charice sa larangan ng music dahil sa tulong ng kaibigan ni Oprah, ang award-winning musician na si David Forster.

Dahil sa pangangalaga ni Oprah, at tinawag pa siyang “the most talented girl in the world”, nagbukas ito ng maraming oportunidad kay Charice para makilala siya at maimbitahan sa malalaking Hollywood events.

Nagkaroon din siya ng recurring role sa hit US TV series na Glee as Sunshine Corazon; at na-feature pa siya sa ilang US TV shows and magazines tulad ng People, Us Weekly, Entertainment Weekly, Reader’s Digest, Seventeen, at Marie Claire.

Dalawang pelikula ang nagawa ni Charice sa Hollywood: isang guest role sa Alvin and the Chipmunks: The Squeakquel at isang supporting role sa comedy na Here Comes The Boom na pinagbidahan ni Kevin James.

Noong 2010 huling nagkita at nagkausap sina Oprah at Charice, ilang buwan bago umanin ang Pinay singer na isa siyang tomboy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN