Kylie Padilla admits Rayver Cruz has a big chance of winning her heart

Kylie Padilla on possibility of being courted by Ilustrado leading man Aldsen Richards: "Wala muna, hindi ko iniiisip yun. Hindi talaga… hindi ko iniisip. Ayoko kasi it gets in the way, e. Nawawala ang focus."


Dahil sila ang magkatambal sa “bayaniserye” ng GMA Network na Ilustrado, hindi maiwasang tanungin si Kylie Padilla tungkol kay Alden Richards.

Si Kylie ay matagal nang hiwalay sa huling boyfriend niyang si Aljur Abrenica, habang si Alden naman ay single pa rin hanggang ngayon.

Paano kung sakaling manligaw si Alden kay Kylie?

Tugon ng Kapuso young actress, “Ano po ‘yan, e… actually iyan po ang pinakagusto ko kay Alden, napaka-professional.

“As in, kahit sa mga eksena, nararamdaman mong it’s purely for the art.

“Gusto ko sa kanya yun. Hindi siya nag-cross the line.”

Paano nga kung manligaw sa kanya si Alden? Ano ang magiging reaksiyon niya?

Sabi ni Kylie, “Ako po, personally, hindi pa ako handa.

“Kasi alam ko, si Alden, hindi rin iyon ang focus niya, e.

“Okay lang naman as friends.”

Kung bilang manliligaw ay hindi niya ie-entertain?

“Ayoko po ng ganun, kasi ako, ‘pag binibigyan ko na po ng time yung tao, iyon na yun, e.

“I think that’s already part of commitment.

"So, as friends, okay lang.

“Pero ‘pag, alam mo yun…”



FOCUS ON CAREER. Nasasabi ba ito ni Kylie dahil alam niyang si Alden ay wala ring focus ngayon sa pag-ibig?

Pagsang-ayon ng dalaga, “Oo, actually palagi niya akong sinesermunan sa set.

“Kasi nag-o-open up ako sa kanya… ‘Alden, paano ba ‘yan, ang galing mo, naha-handle mo lahat, ‘tapos yung focus mo talaga hindi naaano ng ibang bagay.’

“Sabi niya, ‘Ganun lang talaga, Kay. Mahirap, pero kailangan mo talagang mag-focus.’”

Pero halimbawa ngang ligawan siya ni Alden?

“Magiging masaya kami kasi parehas kami ng utak, e! Match kami, e,” sagot ni Kylie.

Posibleng sagutin niya si Alden?

“Okay lang!” natatawang sabi niya.

Pero bawi ni Kylie, “Ay, walang ganyan!

“Ayoko kasing ako, ang pangit, e, parang assuming, ‘di ba?”

Ilang porsiyento na sasagutin niya si Alden kung sakaling manligaw ito sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala muna, hindi ko iniisip yun.

“Hindi talaga… hindi ko iniisip.

“Ayoko kasi it gets in the way, e. Nawawala ang focus.

“Hindi ko po naiisip si Alden.”

Sa career daw naka-focus si Kylie ngayon.

“Trying, trying…”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kylie sa grand launch ng Ilustrado kahapon, October 16, sa Historia resto-bar, sa Sgt. Esguerra, Quezon City.



RAYVER CRUZ. Tinanong ng PEP si Kylie kung ano ang nakikita niyang best character trait ni Alden, bukod sa focus at dedication nito sa trabaho.

Sagot niya, “Love for family! The devotion to family.”

Sa pisikal naman ay hindi raw masyadong “pasado” si Alden kay Kylie.

“Mahilig ako sa moreno, e!” tawa niya.

Pero hindi naman daw sa ayaw niya si Alden na isang mestizo.

“Hindi lang naman po ako tumitingin dun, e.

“Pero, you know, may mga type tayo!” natawang sabi ulit ni Kylie.

Si Rayver Cruz ba ito na nali-link sa kanya ngayon?

“Maputi din si Rayver, e!” bulalas niya.

Bakit sila nali-link?

Parte lang ba ito ng promo ng horror film nilang Dilim kaya napapabalitang type niya si Rayver? At tila kinikilig si Kylie kapag nababanggit ang pangalan ni Rayver?

Paliwanag ng Kapuso actress, “Kasi po, mabait naman po talaga si Rayver, e.

“And yung pinakagusto ko sa kanya is wala siyang ego.”

Gaano na ba sila ka-close ni Rayver?

“Pretty close!” sambit niya.

Parang noong nagsisimula na silang magkagustuhan dati ni Aljur?

“A, hindi pa naman po.

“Ayoko naman pong ikumpara.

“Pero kung meron po akong sasabihin na pinaka-close ko ngayon is si Rayver yun.”

Lumabas na raw sila minsan na isang grupo sila, pero hindi pa sila nag-date na silang dalawa lang. Regular din daw ang palitan nila ng text messages.



THERE’S A CHANCE. Kumusta na may katrabahong isang Kapamilya star?

Ayon kay Kylie, “Actually, it’s a breath of fresh air!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi… I don’t know, parang feeling mo, wala kang ka-share.

“I mean, ‘di ba, yung feeling lang na may katrabaho akong taga-ABS, ‘tapos sa ngayon, sa GMA, ako pa lang nakakatrabaho niya, yung feeling na yun.

“Parang ang sarap nun.”

Paano ipinapakita ni Rayver na sweet ito sa kanya?

“Maalaga po siya. Gentleman.”

May chance na mahulog ang loob niya kay Rayver?

Natatawang sagot ni Kylie, “Meron!

“Hindi, joke lang! Huwag na… joke lang.”

It goes without saying na kapag nanligaw si Rayver ay may pag-asang sagutin niya?

“Ayoko pong pangunahan.”

So, si Rayver ay may chance at si Alden ay wala?

“Ayoko na po ng mga chance-chance!” tawa niya.

“Ang pangit naman na lahat may chance.

“Tinatanong niyo si Alden, may chance; si Rayver, may chance...

“Sino pa ba ang may chance? Lahat?”

So, mas may chance si Rayver kaysa kay Alden?

“A, same lang, pero oo!” at tila kinilig na sabi ni Kylie.

“Basta professionally, okay silang katrabaho… wow safe, ‘no?”

Ang kilig niya ay tila hindi horror ang pelikula nila ni Rayver kundi romance.

“Actually, yung mga tao, parang, ‘Nakakakilig, gusto ko nang panoorin!’

“’Tapos sabi ko, ‘A, yung mga eksena po namin dun, hindi naman sweet, e. Horror siya, e.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN