Kylie Padilla chooses acting over her Muslim beliefs

Born and bred in Australia, Kylie Padilla says it was her dad Robin Padilla who taught her everything she has learned about Jose Rizal.


Mahirap daw kay Kylie Padilla ang gagampanan niyang papel bilang si Leonor Rivera, ang love interest ni Alden Richards bilang si Jose Rizal sa bayaniserye ng GMA-7, ang Ilustrado.

Sa presscon pa lang ng serye kahapon ng tanghali, October 16, na ginanap sa Historia Resto, init na init na si Kylie sa suot niyang Filipiniana.

Natatawang pahayag ni Kylie sa kanyang karanasan, “Napakainit mo [ng costume] ’tapos pinapaitim pa ako.

"So ’pag pinagpapawisan na, umaga na, kailangan talagang kontrolin ang emosyon na.

“Kahit sino naman, ’di ba? Maku-confine masyado sa costume.

“Iniisip ko na lang po yung role. Kasi ayoko naman pong ma-spoil.

“Dahil lang sa mainit ang costume hindi na ako magpe-perform nang maayos?

"Ayoko naman po ng ganun.

“So iniisip ko na lang na blessing pa rin ito kahit anong mangyari.”

Nakausap si Kylie ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang pressscon proper.

DAD ROBIN. Kahit lumaki sa Australia si Kylie, may idea siya kung sino si Jose Rizal at kung ano ang kahalagahan niya sa puso ng mga Pinoy.

Kuwento niya, “Hindi ko po napag-aralan sa school, si Papa [Robin Padilla] ang nagturo sa amin.

“Actually, itinuro lang po niya si Jose Rizal, hindi po kasama si Leonor Rivera.

"Napuntahan na po namin yung bahay niya [Jose Rizal] noon, yung school niya sa Germany.

“Yun po, unti-unti. Alam ko naman pong siya ang pambansang bayani natin.

“Pero dahil sa show na ito, mas nakilala ko siya bilang tao, bilang hero.”

ACTING OVER BELIEF. Dahil love interest ni Alden si Kylie sa historical drama, inamin ng aktres na meron silang kissing scene.

Inusisa namin kung hindi ba ito labag sa kanyang relihiyon bilang Muslim?

Nag-isip muna ang mestisahing aktres at saka sumagot, “For the art na lang po, ang ginawa ko.”

Sa mga dating interviews kay Kylie, nasabi niyang may mga restrictions siya sa pagtanggap ng mga roles o paggawa ng eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ngayon, tila bukas na si Kylie na yakapin ang pagiging isang tunay na alagad ng sining.

Paliwanag niya, “Kasi po ayaw ko na nang maraming bawal pagdating sa pag-aartista.

"Bakit pa ako nag-artista?

"Marami pong kliyente na nagti-take back [step] sa akin, kasi ang daming limitations.

“Saka ayoko namang makilala na gano’n.

"And I’m growing as person.

"Gusto ko rin yung career ko, gano’n, growing din.

"Ayoko pong mag-stay sa isang place na forever ito, bawal ’yan, bawal lahat.”

Napag-usapan na ba nila ng dad niya ang tungkol dito?

“Hindi ko na po kailangang sabihin, nararamdaman na niya.

"Kasi kapag napag-usapan baka hindi lang niya maintindihan.

“Ang hirap po kasing pagsabayin yung both, pag-aartista at paniniwala.

"Sa buhay ko ngayon, pinili ko pong i-focus yung sarili ko sa pag-aartista.

“Ngayon kung may magagalit or idya-judge ako, that’s their choice.

"Pero sa akin as a person, ito ang nararamdaman ko, dito muna ako.

“So wala po akong magagawa sa mga tao.”

Sinabi namin kay Kylie na nakakabilib ang pagiging matapang niya sa ganitong desisyon.

Sambit niya, “Nakakatakot po talaga.

"Hindi naman po basta-basta sinasabi yan, ginagawa yan, ang dami pong Muslim.

"So marami po talagang nakatingin sa akin ngayon.

“Kilala yung tatay ko.

“Pero for me I have my right naman to my life.”

DIFFICULT DECISION. Patuloy pang paliwanag ni Kylie sa kanyang naging desisyon na baklasin ang limitasyon niya sa pag-aartista.

“Kasi ganito po ’yan, gusto ko pong mag-convert sa iba.

"I did, I tried converting to another religion.

“Hindi ko siya naramdaman in full. Hindi ko siya naramdaman from the heart.

“Pero hindi, e. Nandun pa rin yung puso ko sa pagmu-Muslim, e. I can’t let that go.

"I can’t let pag-aartista go. So I have still have my choice.

“Pero ang pinili ko talaga pag-aartista.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nililinaw lang ni Kylie na yung beliefs niya at pagmamahal niya sa kanyang relihiyon ay nasa puso pa rin niya.

“And I stil believe in being a good person.

“Kailangan ko munang bigyan ng pagkakataon yung artist sa sarili…kailangan talaga.

"I feel I have so much to offer na hindi ko pa nagagawa.”

Natatakot ba siya sa mga desisyon niya ngayon?

“Takot talaga ako kasi ayoko naman na at the end of the day, lahat ng sacrifices ko papunta sa wala.

"Na hindi ako nag-excel, hindi ko pa rin napatunayan.

"Siyempre, oo, may takot talaga.

“Kaya nga po at the end of the day kailangan pa ring maging mabuting tao kasi it comes down to that, e.

"Whatever people say, basta alam mo sa sarili mo na hindi ka naman masamang tao.

“At nakikita ni God yun kahit ano pang gawin mo.”

TEAMUP WITH ALDEN. Pagdating naman sa kanilang team-up ni Alden, napangiti si Kylie sa tanong kung ano ang reaksyon niya sa sinasabi ng iba na hindi lang career ni Aljur Abrenica ang napunta kay Alden kundi pati na rin siya?

“Wow! That’s so cute! Nakakatawa naman.

"Talaga? I think that’s not on purpose.

“Natawa talaga ’ko no’ng sabihin sa akin na si Alden yung leading man ko.

"Oh, my! That’s so funny. Nag-swap lang kami.”

Nanghihinayang ba siya na sinayang ng ex-BF ang career nito, na dapat sana sa kanya ang title ni Alden ngayon na Primetime Prince?

“Ahm, naniniwala po kasi ako na everything happens for a reason.

"There has to be reason kung bakit nangyari yun.

"Kung gusto pa rin niyang mag-artista alam kong makakabalik siya...alam ko yun.”

Hindi raw surpresa kay Kylie ang reklamo at pag-alma ni Aljur sa Kapuso network.

“Alam ko na yun, alam ko na po yung mga hindi niya nagugustuhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So nung lumabas, okey, kung naramdaman niya, alam ko na.”

Dinamayan pa rin ni Kylie si Aljur sa pinagdadaan nitong isyu sa GMA-7 kahit sinaktan siya ng aktor.

Paliwanag ni Kylie, “There was a period, yes, na pinili kong mag-stay with him.

"Kasi doon naman pumasok yung pagkakaibigan namin na.

"Inalis ko muna ang sarili ko, inisip ko muna siya.

“Kasi ang hirap naman ng pinagdadaanan niya.

"So for a time lang naman.”

Open ba siya na ma-link kay Alden o ma-develop kaya?

“Ayaw ko po kasing gano’n, gusto ko pong makatapos naman ng project na malinis, professional.

“Kung magugustuhan ng tao, at least we did our job nang walang ibang nangyari.”

Inamin naman ni Kylie na may kilig naman sa kanya si Alden. Pero hanggang doon lang daw yun.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN