Ricardo Cepeda says relationship with Marina Benipayo is for keeps

Ricardo Cepeda endured the reputation as a ham when he was starting in showbiz. But through the years, he has grown as an actor and at 50, he says he’s good for a couple of decades more.


Happy raw si Ricardo Cepeda sa naging buhay niya sa showbiz dahil matatag pa rin ang tayo niya rito bilang aktor.

Sabi pa niya, noon pa namang pumasok siya sa showbiz ramdam na niyang ang pag-aartista talaga ang gusto niyang karera.

“Pagpasok ko pa lang ’yan na ang next step talaga.

"Sa modeling nandun na kami sa top, next talaga sa evolution is to apply your other talents.

“Kasi hanggang ngayon kinukuha pa rin ako sa modeling. Mga special number, rampa lang.

“Yung totoong modeling is acting.

"Kung ano yung damit mo sa modeling is actually portraying a character.

"Parang sa acting, kung ano yung ibibigay sa iyong character or role yun ang ipu-portray mo.”

MARINA. Pagdating sa kanyang personal life, nanatiling maayos naman ang samahan nila ng ex-wife niyang si Snooky Serna.

“We’ve been civil and we talk every now and then…okey naman.”

Labindalawang taon na raw ang nakakalipas mula nang mapawalang-bisa ang kanilang kasal ni Snooky.

Hindi raw nagkaasawa si Ricardo pero meron siyang tatlong taon nang karelasyon. Ito ay ang model turned actress na si Marina Benipayo.

Pagbibigay pa ni Ricardo ng ibang deskripsyon kay Marina, “Yung acting lately lang. Lumabas din siya sa Regal Films.

“I knew her from modeling days. Nauna lang ako ng kaunti sa kanya.

"Actually, nag-start ako sa modeling, nakita ko siya, kaibigan siya ng friend ko.

"Sinabihan ko siya na mag-model na rin, ’Bagay sa iyo, matangkad ka.’

"The next thing you know, nag-modelling siya, nag-Binibining Pilipinas.

“Nagkasama kami sa mga modeling shows. But we were always friends.

“Nagkaroon lang ng spark sa aming dalawa nong magsama kami sa isang teleserye sa kabilang channel.

"She played my ex-wife. Dahil old friends kami, kami-kami nag-uusap sa set.

"Pati siya, wala naman siyang kakilala doon kaya kami ang nag-uusap.

“We got to know each other more.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi nung time na nagmu-model, pareho kaming working student, e.

"So yung income namin… pinambabayad sa tuition.

“Gym instructor din ako at that time, tatakbo ako sa UP para mag-aral, then rehearsal.

"Sa gabi fashion show, punung-puno ang schedule ko.

“Siya [Marina], crew sa MCdo, nag-aaral sa Maryknoll [Miriam College] and then modeling.

“Sa modeling walang panahong mag-social life dahil puno ang schedule."

FOR KEEPS. Sa pagkakaalam namin, kasal si Marina pero kinumpirma ni Ricardo na hiwalay na raw ito sa kanyang mister at kasalukuyang naninirahan na lang sa ibang bansa.

Bagama’t bukas sa posibilidad na muling magpakasal si Ricardo at maaring si Marina na ang ihaharap niyang muli sa altar, wala na raw silang balak pang magkaroon ng sarili nilang anak.

Paliwanag ni Ricardo, “She has two [kids] of her own and I have mine, si Samantha [21 years old] and Sachi [18 years old].

“Wala na,” na ang ibig sabihin ay hindi na niya gustong magkaanak pa.

“Not at this age, kasi it’s not fair sa child, 50 na ako. Si Marina, 46.

"In 10 years, sixty na ako. ’Pag 15 years old na ang anak ko, 65 na ako.

"’Tapos gusto niyang makipaghabulan sa akin, anong gagawin ko? Lugi siya.”

Gusto mo na lang na meron kang companion or partner in life?

“Yeah, we want to settle down with somebody na babagay sa iyo, na click kayo.

"Ito ang nakita ko dito kay Marina.”

Kailan ang plano nilang kasal?

“Wala pa. Hindi pa kami nagra-rush na magpakasal.

"I’m 50 pero I suspect na aabot pa ako ng a few decades more.

“So hindi kami yung nagra-rush.

"Kasi yung mga ganyang bigla-biglaan diyan nagkakaproblema.

"’Tapos may reputation ka na ang dami mong relationship, left-right, left-right.

“There are a lot of people na gusto ka niya, gusto mo siya, pero hindi kayo bagay.

"’Yan ang laging sinasabi ni Marina, kasi nagtuturo siya ng personality development.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ibig sabihin na crush mo siya, crush mo siya or gusto mo siya, gusto ka niya, bagay kayo.

“It’s not always like that. Na-experience ko ’yan sa marriage, it doesn’t always happen.

“What I would like to tell people, they should take their time.”

ILUSTRADO. Samantala, itinuturing ni Ricardo na suporta lang ang karakter niya bilang si Francisco Mercado na ama ni Jose Rizal, ang role ni Alden Richards sa historical dramaserye ng GMA-7, ang Ilustrado.

Nasa gilid daw kasi ang ama ni Rizal dahil ang kanyang asawa na si Teodora Alonzo na gagampanan ni Eula Valdez ang nagpapatakbo ng lahat.

Ipinaliwanag ito ni Ricardo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nung Huwebes, October 16, matapos ang presscon ng Ilustrado na ginanap sa Historia Resto sa Quezon City.

“Si Lolay [Teodora] talaga ang nagpapatakbo ng lahat sa hacienda at lahat-lahat.

"Si Francisco ay behind the scenes, e.

“Yung nanay ang pinaka-brains kung ano ang ginagawa sa hacienda.

"Yung father parang tiga-implement lang, e.

“So yung role niya talaga si Lolay, siya ang nag-lead talaga at si Kikoy [Francisco] support-support lang sa pamilya.

“In fact, sa history, a year after na-firing squad si Pepe [Jose Rizal], namatay din yung ama niya.”

HAMMY. May dalawang dekada na ring aktor sa local showbiz industry si Ricardo Cepeda.

Una siyang nakilala bilang ramp model hanggang sa madiskubre siya ng Regal Films at isinabak sa mga pelikulang may temang sexy.

Ilan sa mga markadong pelikula ni Ricardo ay ang Diary of Cristina Gaston at Emma Salazar Story.

Sa tagal na niya sa industry, paano siya nag-evolve bilang isang tunay na aktor?

No’ng nagsisimula pa lang si Ricardo ay binansagan siyang “ham actor” o walang kakayahan sa acting.

Napangiti muna si Ricardo at saka nagsalita, “Well, actually no’ng araw pa parang na-offend ako diyan sa sinabing ham actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi nung binansagan ako ng ganyan, dahil lang sa mga sexy films na ginawa ko.

“Yung mga lumabas na gano’ng pelikula na mga sexy, ang tingin ng mga tao yun lang ang kaya nilang gawin.

"So parang na-generalize lang.

“Given the right role and right movie… actually, parang injustice nga sa maraming artista yung mga klaseng role na ibinibigay sa amin.

"Not allowing us to show yung capabilities namin o yung acting namin.”

Napikon din noon si Ricardo kay Zoren Legaspi nang mag-comment ito base sa nakita nito sa sexy pictorial na nakalabas ang kanyang pubic hair.

Napangiting muli si Ricardo, “Ang sabi raw niya, ’Mas kaya kong gawin ’yan kung wala na akong makain.’

"Kasi tinanong yata siya kung kaya ba niyang mag-pose nang ganyan.

"Kaya raw niya kung wala na raw siyang makain.”

Ikinuwento ni Ricardo na hinanap niya si Zoren matapos nitong mabasa ang komento ng huli.

“Yung cousin ko si Lorenzo Mara, kaibigan ni Zoren. Magkapitbahay ’ata sila.

"Sinabi sa akin ni Lorenzo na bothered si Zoren kasi may lumabas na article.

"Sabihin mo kay Zoren walang isyu sa akin ’yan.

"Alam ko naman ’yang intriga at tsismis lalaki at lalaki na.

“Naayos naman yun agad. Si Zoren was just listening doon sa mga kuwentu-kuwento na hinahanap ko raw siya.

"Pero okey na, two months lang yun, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN