Sunshine Dizon on doing mother roles: "Ngayon pa ba ako aarte sa pagtanggap ng proyekto? E sobrang padami nang padami ang mga artista ngayon."

Sunshine Dizon and her husband Timothy Yan will allow their children to enter showbiz, if that’s what they want, only after they graduate from college.


Hindi raw issue sa award-winning actress at isa sa main cast ng Strawberry Lane na si Sunshine Dizon kung puro mother roles na ang proyektong ibinibigay sa kanya.

Sabi nga nito nang makausap ng PEP.ph ( Philippine Entertainment Portal) kamakailan, "Hindi na issue sa akin kung puro mother roles na yung binibigay ng proyekto.

"Unang-una, nanay na naman talaga ako ng two beautiful kids.

"Second, ngayon pa ba ako aarte sa pagtanggap ng proyekto? E, sobrang padami nang padami na ang mga artista ngayon sa showbiz.

"Kung aarte pa ako baka wala na akong project na matatanggap.

"I know how sad kapag wala kang project dahil wala ka magawa at minsan na ring nangyari sa akin ’yan.

"Kaya every time na may project ako, nagtatrabaho ako nang maayos para hindi ako mabakante.

"Masuwerte na nga ako kasi nandidito pa rin ako at hindi nawawalan ng proyekto.

"Kaya nga nagpapasalamat ako sa GMA-7 kasi lagi nila akong binibigyan ng proyekto.

"Hindi lang basta proyekto kung hindi magagandang proyekto."

Ni minsan daw ay hindi siya naging choosy sa pagtanggap ng trabaho dahil alam daw niyang may mga artista na gustuhin man nila ay hindi nabibigyan ng trabaho.

Hindi rin daw problema kay Sunshine na makatrabaho ang dating karelasyon na si Polo Ravales, "Kaibigan ko naman siya at at okey naman yung working relationships namin."

HANDS-ON MOM. Ayon pa sa aktres, kahit busy siya sa trabaho ay siya pa rin ang nag-aasikaso sa mga kailangan ng mga anak niya.

"At kapag wala akong taping, kasama ko lang yung mga anak ko, bale yun yung bonding time namin.

"Iba kasi kapag ikaw yung nag-aasikaso sa mga anak mo kahit may yaya sila.

"Kaya nga hindi ako masyadong tumatanggap ng maraming proyekto.

"Okey na sa akin ang isa para mas maalagaan at maasikaso ko pa ang pamilya ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin daw aprubado ni Sunshine at ng asawa niya na si Timothy Tan na mag-artista ang mga anak nila habang bata pa.

"Mas maganda na mag-aral na lang muna sila.

"Mas gusto namin na mag-focus muna sila sa pag-aaral at kapag graduate na sila sa college, puwede na.

"Alam naman namin na hindi imposible na makahiligan din nila ang mag-artista lalo na’t artista ang mommy nila.

"May right time para doon.

"Hindi naman namin sila pipigilan.

"Basta mag-aral lang muna sila nang mabuti at grumadweyt para payagan namin sila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN